chapter 9 - Becoming his girlfriend

14 0 0
                                    

*CALIX POV*

Mukhang nasaktan ko ata si Allie. Oo, alam ko. Masyado akong makapagsalita kanina, pero hindi ko naman ginusto yun eh. Nadala lang talaga ako ng emosyon ko. Sa dami-dami naman kasi ng aawayin niya yung bestfriend pa ng mahal ko. Ayoko lang naman masira kay Mia eh, mahal ko yun. Sobra. Gustuhin ko man sanang sundan si Allie nung aalis siya kanina pero hindi pwede.  Mahirap na din kasi yung masyado akong napapalapit sa kanya, lalo ngayon alam ko na magiging effective yung gagawin naming pagpapanggap. Kilala ko si Mia kahit alam ko na hindi talaga ako mahal nun, gusto niya na nasa kanya lagi yung atensyon. Siya parati yung bida, nasa kanya yung lahat. 

Kaya ako, handa kong gawin ang lahat, handa kong itaya ang lahat, magsasakripisyo ako para sa kanya. Kahit pa sabihin na may isang tao akong masasaktan..

**

*ALLIE’S POV*

Ilang linggo na din yung nakaraan mula nung maging fake girlfriend niya ako. Ayos lang din naman hindi masyadong mahirap, kaso yun pa lang  Mia na ex niya yung Mia na bago kong naging kaibigan. Yung nakilala ko nung kasalukuyan akong nasasaktan sa ex ko. Sayang, sayang talaga kala ko pa naman magiging close kami :( 

“Allie..” Naglalakad ako nun nung may tumawag sa pangalan ko. Pagtingin ko.

Si Jerico pala.

Anong ginagawa niya dito?

“Kamusta ka na?” tanong niya sakin tas sumabay siya sa paglalakad. Kamusta? Kamusta nga ba ako?

“Ayos lang..” tipid na sagot ko. Gustuhin ko man makipag usap ng matagal sa kanya, eh hindi pwede. Ang alam ko kasi may gf na siya. Hindi ko kilala kung sino. Mahirap na noh. Mapaaway na naman ako, kailangan maganda pa naman image ko dahil ang alam ng tao girlfriend ako ng Calix na yun. Speaking of Calix, nasan ba yun?

“Mabuti naman na ayos ka lang.. sorry pala ha? Hindi ko naman ginusto na masaktan kita eh..” Tumingin ako sa kanya. Nakita ko naman na seryoso siya sa sinasabi niya.

“Wala yun. Ikaw talaga, past is past okey? Just move forward haha.” Ngumiti naman siya sa sinabi ko kaya napangiti na lang din ako.

“Ikaw talaga.” Tas ginulo niya yung buhok ko na parang bata. Aaminin ko namiss ko din tong loko na to. Kahit papaano naman may pinagsamahan kami ni Eco kaya hindi dapat ako maging bitter hahaha. "So friends? :)" sabay abot ng kamay niya. Inabot ko naman yun sabay sabing "Friends :)"

Habang naglalakad kwentuhan lang kaming dalawa. Parang dati lang din, walang ilangan :) Katulad nga ng sabi ko kanina, friends na kami. haha

“Sige una na ako.” Paalam ko sa kanya. Malapit na kasi magtime yung next class ko eh. Tumango naman siya at nag wave ng kamay. Ngumiti naman ako sa kanya at nag ba’bye na din. Naglalakad na ako papunta sa room namin ng may magsalita sa gilid ko.

“Nagkakamabutihan na ata kayo ah..” napatigil ako sa paglalakad at paglingon ko sa nagsalita..

 O____O

“C-calix?”

“Tara na nga.” Sabi niya ng hindi man lang ako tinitingnan tas umakbay lang siya sakin. Napatingin naman ako sa kanya diretso lang yung tingin niya sa daan. Ewan ko kung bakit, pero nung napatingin ako sa mata niya parang.. parang may kakaibang gumuhit mula dun..

..ano yun?

His GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon