Chapter 1

11 0 0
                                    

MAY 28, 2023

Ngayon lang ako nakakaranas ng ganitong relasyon...

Alam ko na mula pagkabata, dala-dala ko pa rin ito sa buong pagkatao ko at aaminin kong naging kabubulagan ang aking kalooban. Minsan nga, si Mama at Papa laging nagtatanong, "Kailan daw ako magkaka-boyfriend?" Pero ang tanong, "Ready na ba ako?"

Kaya naman napag-isipan kong mag-download ng dating app para mas mapaganda ang aking araw.

Kumain muna ako ng breakfast bago ko gawin ang mga household chores ko tulad ng paghuhugas ng pinggan, paglalaba, at iba pa. Yung ulam ko ngayon ay oatmeal na may saging at granola bars na may honey. Ay oo nga pala, let me introduce myself: ako nga pala si Hazel Salvador, working as a freelancer dito sa Canada.

Pagkatapos kong gawin ang mga household chores ko, naisip ko kaninang umaga na gumawa na ng dating app. Siguro dahil uso na talaga ang dating app ngayon. Pero ako, I'm afraid kasi hindi naman ako maganda at baka walang mag-click sa mga larawan ko sa dating app.

Pagka-open ko ng app, nag-swipe left ako hanggang sa makakita ako ng profile na may pangalan na "A". Binasa ko ang bio niya na may simpleng "Hi" at tinignan ko ang tatlong larawan niya. Na-curious ako, kaya't ni-like ko siya.

Pagka-like ko palang, may nag-chat agad sa akin. Si "A" pala ang nag-initiate ng pag-uusap. Natawa ako kasi 10 AM na dito sa amin, at doon madaling araw na, may gana pa siyang makipag-chat sa akin. Nakipag-chat siya at ipinakilala niya ang sarili bilang "Alexander Garcia," na 26 years old. Ipinakilala ko rin ang sarili ko na 23 years old ako. Hiningi niya ang FB account ko na "Hazel Salvador" at nag-add siya sa akin.

Nagsimula kaming mag-chat sa Messenger. Sinabi niya sa akin na private person siya at hindi siya gaanong active sa social media. Nagulat ako, "Oh, so private ka pala," at tiningnan niya ang cover photo ko sa FB.

"Pamilya mo ba yan lahat?" tanong niya.

"Oo, bakit mo natanong?"

"Wala lang, ang ganda kasi tignan eh."

"Ah, marami talaga kami."

"Oo naman, bakit yung isa hindi niyo kamukha?"

"Ah, si Ate Rachel, kasi asawa siya ng pinsan ko."

"May point ka din naman, hahaha."

"So tell me about yourself?"

"Lumaki ako sa Bicol na hiwalay ang magulang ko noong apat na taon ako."

"Sinong nagpalaki sa'yo?"

"Lola ko, pero 'Nanay' ang tawag ko sa kanya."

"Ilan kayo magkakapatid?"

"Apat kami, pero may half-sister ako."

"Ikaw naman, tell me about yourself?" sabi niya naman.

"Ito, immigrant kami dito sa Canada. Ibig sabihin, nauna yung Mama ko sa amin bago kami nakapunta dito."

"So si Mama mo pala ang kumuha sa inyo dyan. Pero ilang taon na kayo sa Canada?"

"Oo, siya ang kumuha sa amin. 15 years na kami dito sa Canada."

"Talagang nandiyan na mostly ang pamilya mo, noh?"

"Siyempre, hindi naman sa pagyayabang, pero oo, nandito na talaga ako."

Hanggang sa sinabi niya na matutulog na siya dahil 2 AM na doon at 12 PM na dito sa Canada. Nag-goodbye kami, at pagkatapos noon, ngumiti ako sa unang pagkakataon sa aking buhay. Ang taong ito ay magiging comfort sa akin.

—————————————————————————

Here is the first chapter mga readers. Sana nagustuhan nyo. Actually this is my LDR experience  that I went through last year. All the character names are different from what the real names are. Bear with me pag kunti kunti lang ang update, I will try my best. Alam ko yung chapter ay maikli lang, pero gusto ko kaunti unti para mapaliwanag ko sa inyo ng mabuti. Salamat sa pagbabasa until the next chapter ulit.

Xoxo,
Lene ❤️😊🙏🏻

The Long Distance Relationship: A Fanfiction by: Yuri2459Where stories live. Discover now