Chapter 6

0 0 0
                                    

September 8, 2023

Kinumusta ko si Alex about his game with his cousins the other day...

In the chat
Hazel: Hon, kumusta ka na?

Alex: Mabuti naman, ikaw?

Hazel: Nagtitiklop ng labahan.

Alex: Ang sipag mo naman, hon 😂

Hazel: Anong nakakatawa, hon?

Alex: Wala, natutuwa lang ako kasi may masipag akong girlfriend na katulad mo ☺️

Hazel: Sweet mo naman, hon 😊 Kumusta pala yung game nyo the other day?

Alex: Nanalo kami! Magaling kasi si Marco at David sa defence , at ako sa attack.

Hazel: Pwede pala kayong maging trio gamers, kaso malayo yung pinsan mong si David.

Alex: Nandito naman si Marco kasama ko. Bakit mo hinahanap si David? Mas gusto mo ba siya kaysa sa akin?

Hazel: Gagi, para lang mag-bonding kayo magpinsan. Tsaka ikaw lang naman ang laman ng puso ko, wala nang iba 🤭❤️

Alex: Ganun ba, hon? Ikaw rin lang naman ang laman ng puso ko, walang hihigit sa hugis ng mukha mo 😂❤️🥹

Hazel: Ikaw din naman, ganyan din mukha mo 😂

Alex: Palabiro talaga tong girlfriend ko. Sige na nga, payag na ako na the same lang tayo. Yun yung same traits nating dalawa, hon.

Hazel: Aaminin ko, hon, parehas tayo. Kaya nga yung smile mo palang, may "paro paro" na sa tiyan ko nung nakita ko ang dating profile mo.

Alex: That time, hon, talagang I needed someone to talk to. Kaya rin yata naging lonely ako, pero nung dumating ka, parang buong buhay ko sumaya dahil sayo.

Hazel: Naks naman si hon, may hugot. Ako rin, gusto ko lang din makahanap ng makakausap hanggang dumating ako sa buhay mo.

Alex: Syempre, hon, ang swerte-swerte ko sayo. Pati naman ikaw, swerte ka sa akin dahil may tiwala tayo sa isa't isa.

Hazel: Oo, hon, kaya strong foundation ang relationship natin. Minsan may mga away tayo pero nare-resolve naman ng maayos, diba?

Alex: Iyo, hon, baka hindi mo alam yun ha. Gusto mo turuan kita mag-Bicol? Marunong din naman ako ng kaunti ng Ilokano.

Hazel: Wen, hon, turuan mo rin ako dahil gusto kong matuto at pag-aralan ang dialect mo.

Alex: Oh sige, hon. Turuan mo rin ako ng Ilokano dahil kunti lang alam ko na mga words. Alam mo naman, lumaki ako sa Bicol, minsan lang kami nakakapunta sa La Union.

Hazel: Naguguluhan ako, hon. Ikaw lumaki sa Bicol, tapos si Marco sa La Union, at si David sa USA. Kaya ba Tagalog at English ang salita nyong magpinsan?

Alex: Oo, hon. Kaya level 3 Tagalog ko, at maka-communicate rin naman ako sa English, pero nakaka-nosebleed pag kausap namin si David.

Hazel: Parehas tayo, hon. Si Jenn pinanganak dito sa Canada, kaya slang na siya mag-Tagalog. Pero kami ni Heaven, sa Pilipinas kami pinanganak at lumaki, tapos dito sa Canada.

Alex: Ay oo nga, hon. Parehas nga. So mostly English at Tagalog din ang salita nyo. Kaya feel rin kita, hon.

Hazel: Hayss, English speakers yung pinsan mong si David at yung pinsan ko na si Jenn. Alam mo, bagay sila. Pwede natin Ipakilala mo sila sa isa't isa. Sa tingin mo?

Alex: Kung papayag sila, hon, wag natin ipilit kung ayaw. Baka meron ng girlfriend, si David diba?

Hazel: Agree ako dyan, hon. Huwag muna siguro kasi may pinakilala na si Jenn sa amin, ewan ko hindi ko pa alam pangalan niya.

Alex: Sige, hon. Update mo ako ha. Matutulog na ako. Salamat sa oras mo, sobra. Goodnight, I love you 😘 🥹❤️🙏🏻

Hazel: Sige, hon. Goodnight din. I love you too, hon ko 😊❤️🙏🏻😘

Alam ni Hazel na when he came to his life, he would trust her forever.

—————————————————

Hey mga readers! Nabitin tayo sa chat ni Alex at ni Hazel. Something that you've been wanting to know is that they have a lot of things in common. But will uncover somethings more. Wait for an another update sa story na ito.

P.s. Sa mga Ilokano at taga Bicol, shoutout nman sa inyo dyan. Ilokano kasi mga magulang ko

Happy reading. 😊❤️🙏🏻

Xoxo,
Lene❤️

The Long Distance Relationship: A Fanfiction by: Yuri2459Where stories live. Discover now