Chapter 4

0 0 0
                                    

September 6, 2023

Nagising ako ng maaga para makapag-chat kay Alex, kakabalik lang namin mula sa New York. Na-delay ng dalawang beses ang flight namin at cancelled pa dahil sa tornado sa area.

Flashback...
Sa wakas, nakasakay na kami sa aircraft at excited na akong makabalik sa Edmonton. Miss na miss ko na ang bahay. Nang mag-land ang airplane sa Montreal, nagsitayuan na kami ng lima para makababa na kami at maging ready sa next flight. Pagdating sa immigration, tinanong lang kami ng officer kung gaano kami katagal sa USA.

Habang naghahanap kami ng boarding gate, nahulog ko yung headrest pillow na binili ni Heaven, ang twin sister ko, sa New York. Paulit-ulit akong nag-sorry at tinulungan ako ng kuya ko na hanapin ito, pero mukhang nakuha na ng bata kanina.

At 6pm sa Montreal time...
Naghihintay kami sa boarding time namin pabalik ng Edmonton, at sakto namang tumawag ang pinsan kong si Jenn Lopez. Kinamusta niya ang trip namin at sinabi niyang may aasikasuhin siya kaya kailangan niyang ibaba yung video call nya..

Pumila na kami para sa boarding, at 8pm sa Montreal time nang dumating ang airplane. Sa wakas, nakapasok na ako sa aircraft. Hinanap ko ang seat ko at magkatabi kami ng mga parents ko. Mga 3 hours ang biyahe papuntang Edmonton, pero sulit naman.

Present...
Limang araw mula nang maganap ang karanasan namin sa New York airport, at hindi ko pa rin ma-get over. Sabi ko pa nga kay Alex na natulog kami doon hanggang umaga. Mabuti na lang at Air Canada app ang gamit namin. Sabi niya, hayaan ko na raw ang nangyari, basta't safe kami at nakarating sa destination, nag-enjoy naman daw ako sa trip.

Nag-chat pa kami ni Alex hanggang sinabi niyang matutulog na siya at maglalaro ng Mobile Legends kasama ang mga pinsan niyang sina Marco at David bukas. Sabi niya, "Please, hon, payagan mo na ako. Bukas lang naman eh," sabik niyang sinabi. Sabi ko, papayagan kita, di naman ako tatanggi. Basta sabihin mo sa akin kung nanalo kayo, promise?

Nakangiti na naman ako habang iniisip ang sinabi niya kanina. Hindi ko maalis sa isip ko ang mga salitang iyon. Ngayon ko lang naisip that his important in my life.
——————————————
Mukang nabitin ata tayo mga readers. Pero sa susunod papahabain ko kunti para mas ma-enjoy nyo naman. I'll be posting the main characters for this story in the next chapter. Happy reading ❤️😊🙏🏻

Xoxo,
Lene❤️

The Long Distance Relationship: A Fanfiction by: Yuri2459Where stories live. Discover now