PROLOGUE
Ruthless Command
by: Enchantedbyyouu_"Life is short, so make the most of it. Enjoy every moment and do things that make you happy. Take chances, pursue your dreams, and cherish the people you love. Focus on what truly matters to you and create memories that you'll treasure forever. Embrace opportunities, laugh often, and live without regrets. Remember, every day is a gift, so make it count"
Pero paano kung hindi mo man lang magawa ang mga bagay na makakapagpasaya sayo? Paano kung ang akala mong tutulong ay gusto kalang palang controlin? Paano kung ang araw-araw mong buhay ay puro nalang kamiserablehan ang nangyayari? Magagawa mo pa bang maging masaya at maging malakas o mas pipiliin mo nalang na sumuko at hayaang controlin ka ng mga taong nakapaligid sayo.
KAKAPASOK ko lang sa aking kwarto galing sa school ng aking marinig ang may halong galit na sigaw at alam kong galing ito kay tita Lena.
"PINA!" sigaw niya.
Biglang bumukas ang pinto at iniluwa doon si Tita Lena, nanlaki ang aking mata ng makita ko ang hawak niyang bagay, nanginginig ang kaniyang mga kamay habang hawak-hawak ang mga paintings ko. Sa pagpasok niya naramdaman ko kaagad na napuno ng tensiyon sa loob ng kwarto ko. Mahigpit ang kanyang mga labi, at mabilis siyang naglakad palapit sa akin, bawat hakbang ay puno ng nagbabadyang galit.
"Ano ito?" tanong ni Tita Lena, iwinawagayway ang mga gawa ko na parang ebidensya ng krimen. "Ito na naman? Ilang beses ko nang sinabi sa'yo, wala kang mapapala sa kahibangang ito!"
Ibinaba ko ang hawak na bag, namumula ang aking mukha. "T–tita Lena, pasensya na po. I–ito lang talaga ang nakakapagpasaya sa akin...Ang pagpipinta, makakatulong rin po ito sa pag-aaral ko, at pwede ko po yang ibenta para sa panggastos natin sa bahay."
"Panggastos?" Bigla may kinuha siya sa kaniyang bulsa at nakita ko ang perang inilabas niya. "Ito ba?!" Inihagis niya ang pera saakin na sa pagkakaalam ko ay nasa 350 pesos. "Yan ba ang pinagmamalaki mo! E kulang pa nga yan sa bayarin natin. Malaki ang utang natin, Tandaan mo!" Singhal niya.
Utang mo lang
"S-sorry po e mahina lang talaga yung mga nagpapagawa ng painting sa akin tita, at tyaka ginagawa ko naman lahat para makapagbigay ng mas malaking pera sayo."
"Yun nga e! Ginagawa mo pero hindi sapat yan para sa atin!"
Edi pagtrabahuin mo yang mga anak mo. Ano ako lang ba ang may kamay at paa rito?
"Huwag po kayong mag-alala, susubukan kong magpinta ng marami para mabenta po."
Nagsalubong ang kaniya maninipis na kilay. "Anong magpipinta ng marami? Hindi!... Hindi kita papayagang magpinta pa, basura yan Pina! Alam mo kung ang dapat mong gawin? Maghanap ka ng matinong trabaho, yung malaki ang sweldo. Dapat yung mapapakain mo kami ng tatlong beses sa isang araw. Pareho talaga kayo ng nanay mong puro katangahan ang pinapairal!... Kaya namatay siya e." nakangising saad niya.
Umigting ang panga ko sa narinig na pagbanggit ni tita kay mama. "Tita!" Hindi ko na mapigilang sumigaw.
"Ano? At bakit parang tinataasan mo na akong boses ngayon ha?!"
Nanginginig na ako sa galit pero pinipilit kong huminahon. "H-hindi naman po sa ganon, pero sana respetohin niyo naman ang mama ko."
"Respeto?" Tumawa siya at tumingin ng matalim sa akin.
Parang tanga nanaman siya, tumatawa kahit walang na kakatawa.
"Bakit?... Bakit ko siya rerespetohin? Alam mo bang siya ang dahilan kaya pinalayas ako sa amin!" Kung kanina ay tumatawa siya, ngayon naman ay parang puputok na siya sa galit dahil sa pamumula ng mukha niya.

YOU ARE READING
Ruthless Command
Roman d'amourSeraphina, a girl with a deep love for painting, had a happy childhood filled with stories and adventures shared with her best friend, Z. Before Z moved to another country, he promised her he would return, and she agreed to wait. Shortly after he le...