HOSPITAL. Oo, hospital. Dito niya ako dito niya ako dinala. Hindi ko alam kong nasaan siya at kung saang hospital ito. Nagulat nalang ako nang nagising ako sa loob ng kwartong ito.Umayos lang ako ng upo dito sa hospital bed na hinigaan ko kanina. Hindi ko mapigilang malungkot at maiyak sa sitwasyon ko. Kung buhay lang sana si mama ngayon siguro hindi ako mauuwi sa ganito. Hindi ako mapupunta kina tita, makakapag-aral ako ng maayos. Pero hindi... lahat ng iyon ay parte nalang ng nakaraan at hindi na maibabalik pa. S–si Z kumusta na kaya siya? Siguro masaya na siya sa ibang bansa. Mapait akong ngumiti. Naaalala niya pa kaya ako? Naaalala niya pa kaya yung pangako niyang babalikan niya ako?... Napabuntong hininga ako. Siguro nga hindi na...
Iniling-iling ko ang aking ulo. "Wag mo na ngang isipin yung dati, malulungkot kalang niyan." Bulong ko sa sarili. "Ang isipin mo ay yung ngayon, ok?" Dagdag ko pa. Pero ayon nanga malulungkot parin naman ako dahil sa sitwasyon ko ngayon. Ano nang mangyayari sa akin? Ano ba ang gusto niyang gawin? Papatayin niya ba ako? Sasaktan? Pahihirapan?... Hyssttt, mas lalo lang akong naiiyak e!
Pero nawala lahat ng kalungkutan ko ng may naisip akong plano.
Sure ba talagang wala siya rito?
Luminga-linga pa ako ulit, hinahanap ko siya... Luh? hinahanap? Hindi kaya no. Sinisigurado ko lang kung andito ba siya.
P–pero teka ka. Nasaan yung gurang na iyon? Ok lang ba siya? Baka sumakit na mga buto nun dahil sa pagkarga sa akin.
Wait lang... wala nga siya rito!
Isang idea ang pumasok sa isip ko... Tamang-tama ang plano kong pagtakas.
Tatakas na ako, at buo na ang desisyon ko! Alam kong may chance na mapahamak ako, pero natatakot rin naman ako sa mangyayari kong sasama ako sa kaniya at isa pa... Wala akong kaalam-alam tungkol kaniya, di ko nga alam ano ang pangalan niya, kung anong mangyayari paggumaling na ako sa hospital na ito. Siguro kung makatakas na ako ay magpapakalayo-layo ako rito at hindi na babalik pa.
Dahan-dahan akong umusod para maibaba ang aking mga paa, syempre tinatansya-tansya ko lang ang mga galaw ko, kasi nga sa masakit parin ang katawan ko.
"Yes!" Pabulong kong sigaw dahil nakababa na ako sa aking hospital bed. Lalakad na sana ako papuntang pinto, kaya lang pakiramdam ko ay may hinihila ako sa likod. Napalingon ako, at nakita ko ang dextrose na hindi ko pa pala natanggal. Napasapo nalang ako sa aking noo. Hay nako self, paano ka makakatakas niyan, kung hindi ka nag-iisip.
At nang akmang tatanggalin ko na ang dextrose, natigilan ako ng bumukas ang pinto. Inuluwa nito ang isang babae... Ang bestfriend ko si Amara. Agad niya akong nilapitan ng makita at hinawakan ang aking pisngi habang naluluha.
Atayy naman o! Yan ang sinasabi ko e!
"P-pina? buti gising kana!" aniya habang humihikbi. Ramdam ko ang pag aalala nito at dahil nakikita ko rin ang mga luha na dumadaloy sa kaniyang pisngi.
"B*b* kaba ha? D–diba sinabi ko na sayo na umalis ka nalang sa puder ng tita mo, pwede ka naman saamin e. Sinabihan ko na sina mama at ok lang daw na doon ka tumira. A–ano ba? Bakit ayaw mong makinig? Tang–"Nako naman, kung hindi lang kita kaibigan e nasabunotan na kita, Ito naman kasi ngayon pa talaga sumulpot, makakatakas na ako e!
Pinigilan ko muna ang inis na namumuo sa akin. "Shhh..." Tinakpan ko ang bibig ni Amara dahil sunod-sunod na ang sinasabi nito, at niyakap baka mamaya ay iba na ang masabi nito. Baga mat natatawa ako na naiiyak sa kanya dahil sa inaasta nito mukhang nag alala talaga ng malala ang bestfriend kong si Amara.
Rinig ko ang iyak at paghikbi nito.
Ginantihan naman niya ang yakap ko. "Alam mo naman kong gaano ako nag-aalala sayo di ba? Sana maintindihan mo kung bakit ganito ang reaction ko."
YOU ARE READING
Ruthless Command
RomanceSeraphina, a girl with a deep love for painting, had a happy childhood filled with stories and adventures shared with her best friend, Z. Before Z moved to another country, he promised her he would return, and she agreed to wait. Shortly after he le...