Chapter 2

3 1 0
                                    

Author's Note: Hello Enchancies👋🏻 Sorry po, kung ngayon lang ako nakapag-update. Nagkasakit po kasi ako and after non is naging super busy rin po kasi ako sa bahay and sa school, kaya Hindi ako nakapagsulat... Sorry po, don't worry babawi po ako, Enjoy reading Enchancies. 💖

SINO 'tong nasaharapan ko?! B-bakit ang gwaps naman niya. Bakit walang kulubot sa mukha? Grabe ang kinis, makinis pa sa pwet ko. T-teka... Hala! S-siya ba 'to? H-hindi imposible... B-baka body guard lang 'to ng matanda.

Napatingin ako sa gawi ni Amara nang nagsalita ito. "Ahh, Pina labas muna ako ha? Baka makaistorbo pa ako sainyo ng bf mo. Hehe goodluck" sabay peace sign sa amin.

Bf? Tang*n*. Sa'n nanggaling yang pinagsasabi niya!
Shettt talaga 'tong babae na 'to! Ngayon pa talaga ako iniwan?! Paano na ako nito... Hysttttt.

Ibinalik ko naman agad ang tingin sa lalakeng nasa harapan ko na ngayon.

"Uhm, hello ho... Hehe" Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan, grabe talaga yung pawis ko ngayon... Tumutulo na.

Nashock talaga ako sa features niya. Napapanganga ako sa kagwapuhan niya. Ano ba siya? Ceo? Lawyer ang ganda ng tindig e. Suot niya ang itim na suit na parang laging nasa meeting o kaya'y laging may pinapagalitan sa opisina. Matangkad siya, mas matangkad kesa sa saakin... parang ideal man ko lang, Charrr.

Nako Pina! Iwasan mo nga muna yang kalandian mo, baka ikapahamak mo pa'yan! Tandaan mo, 'di mo 'yan kilala. Ok hinga...

Hinarap ko ulit siya, at nang masilayan ko ang mga mata niya, yung tingin... seryoso, matalim, parang tumatagos sa kaluluwa ko. Kung kanina ngumisi siya, ngayon parang hindi kona tuloy alam kung ngingitian ko siya o babati ba ako ulit.

Nag-atubili akong magsalita.

"Uhm... kamusta ho?" Napansin kong lalong dumami ang pawis sa noo ko.

Ano ba 'to, bakit hindi niya ako sinasagot? Jusko mas lalo tuloy akong kinakabahan.

Naramdaman ko ang panginginig ng boses ko, at parang gusto ko nalang magtaklob ng kumot dahil sa hiya.

Hindi siya kumibo. Tinitigan niya lang ako, para bang sinusuri niya kung anong ginagawa ko rito. Tinaasan niya pa ako ng kilay.

Wow siya! Ano bang problema nito?

"Ikaw si Pina?" tanong niya, mababa at matatag ang boses. Halos mabingi ako sa lakas ng kabog ng puso ko sa narinig ko. Hindi ko alam kung babasagin ko ba yung pagkaseryoso ng mukha niya o ngingiti ako para hindi magmukhang awkward.

"Yes ho, ako po si Pina. Uhm... kayo po si?" tanong ko, pilit ang ngiti para itago ang kaba.

"Ako? Hindi na mahalaga ang pangalan ko. And btw cut the po... I'm not that old" Napataas ako ng kilay nang bahagya, Anong 'di mahalaga? Apaka unfair naman nito, siya alam yung pangalan ko tapos ako hindi?

"Bakit, po?" Tinaas nanaman yung kilay niya. "Ah, hehe... Sorry. Yung ibig kong sabihin, Bakit?"

Nakita kong ngumiti siya ng bahagya, pero hindi iyon nakakalma ng kaba ko. Parang lalo pa siyang naging misteryoso.

"Why do you seem scared?" tanong niya, tila may pang-aasar na laman ang tinig.

"Nako, po... Ah, hindi! Ano lang... medyo... nagulat lang talaga ako" Halos tumulo na ang pawis ko. Napangiti na lang ako, pilit na hindi magpakita ng kaba kahit halos manginig na yung tuhod ko sa nerbyos.

"You're nervous aren't you?" Ngumiti na siya.

Luh? Parang kanina lang ang sungit-sungit ng mukha ahh.

"O-oo, kunti lang" Oo, kunti lang. Kunti nalang mahihimatay na ako sa kaba na nararamdaman ko.

Tumango-tango naman siya. Ipinatong niya ang kanang kamay niya sa ulo ko. "Don't worry, I'm not gonna hurt you, as long as you'll be a good girl and obey me." Pagkatapos niyang sabihin 'yun ay bigla siyang umalis.

Hindi ako makapagsalita. Parang nawalan ako ng boses... Sino ba talaga siya? Ano ba talaga ang pakay niya sa'kin?

***

Nagising ako sa ingay ng bigla pagbukas ng pinto.

Agad naman akong napaupo sa aking hospital bed. "S-sino 'yan?" Luminga-linga ako sa paligid. "May tao ba dyan?" Bigla tuloy akong kinabahan.

Biglang lumalamig ang temperatura ng hangin sa loob. Lumakas bigla ang kabog ng may marinig akong boses. Parang may nagsasalita. Diyos ko, bantayan niyo po ako.

"Shhhhh" maliit na mga boses ang naririnig ko. "H-hoy, kung sino mang maligno kayo... Huhu pabayaan niyo na ako." Nagsisitayuan na ang mga balahibo ko sa takot. Shettt baka, dito na ako mamatay.

Diyos ko, Wag naman pong ganito. Palayasin niyo na po ang sinumang masamang ispirito na nandito.

Nabigla naman agad ako ng umusog ang hospital bed ko. Huhu, ano ba 'to. Lord tulongan niyo po ako. Nakakarinig rin ako ng mga hagikhik sa paligid. 'Di ko na maiwasang mapaluha, dahil first time kong makaramdam ng ganito. Wala naman ako kinatatakutan noon, exept sa bunganga ni tita Lena.

Inhale. Exhale. Inhale. Exhale. Kaya mo'to self. Walang multo ok? Guni-guni mo lang yan. Hinga self...

Nang wala na akong ibang naramdaman ay parang nabunutan ako ng tinik. Salamat lord, nawala na ata yung mga nagpaparamdam. Akmang tatagilid na sana ako, ay biglang may humawak sa braso ko. Hindi lang isa kundi dalawa, dahilan ng pagkabigla at pagsigaw ko.

"Ahhhh! U-umalis ka! Sino kayo! Wag niyo 'kong hawakan!" Nakapikit ako, dahil sa takot na makikita ko ang itsura ng maligno o multo na nakakapit sa'kin. Naluluha na ako. Diyos ko, akala ko ba wala na? B-bakit may mga kamay nadumikit sa braso ko.

"Mommy?" Natigilan ako ng may bigla boses ng bata ang narinig ko. Binuksan ko ang mga mata ko at laking gulat ko ng, nasa harapan ko ang dalawang lalaking bata.

"T-teka, Bata?" Bigla itong umiyak ng malakas. Kaya kinabahan ako, kung paano ko ito patitigilin.

"Mommy... Don't shout, Sorry po if we did something wrong" Yumakap ang mga ito sa akin ng mahigpit.

"M-mommy? Wala pa naman akong anak ah..." Wala akong ibang nagawa kundi ang yakapin rin ito pabalik .

Niyakap ko rin sila pabalik, hindi ko alam kung bakit, pero may nararamdaman akong awa sa kanila. Ramdam ko ang malamlam na iyak ng mga bata, at kahit hindi ko pa sila kilala, para bang ayaw ko silang pakawalan.

"T-teka, mga bata… ah, ano bang nangyari sa inyo? Sino ba kayo? At bakit niyo ako tinatawag na mommy?" Nagtataka kong tanong, habang dahan-dahan silang hinihimas upang kumalma.

Suminghot ang isa sa kanila, bahagyang binaba ang mukha mula sa pagkakayakap. "Mommy… why did you leave us?... Hindi mo ba kami love mommy?" malungkot na sabi ng mas batang lalaki, habang ang isa naman ay mas mahigpit na yumakap sa akin.

"Iniwan? Pero… hindi ako ang mommy niyo." Nawala ang takot na nararamdaman ko at biglang lumambot ang puso ko ng marinig ko ang boses nilang may halong lungkot at alam kong nasasaktan sila.

"Mga bata, saan ba kayo galing? Bakit niyo ako tinatawag na mommy?"

Tahimik silang tumingin sa isa't isa, at sa mga mata nila, nakita ko ang lungkot at pangungulila sa mukha nila.

"You're our mommy po" pakiusap ng mas maliit na bata. Kahit hindi ko sila kilala, hindi ko rin kayang sabihing wala akong malasakit. Mahigpit ko silang niyakap.

"S-sige… ako nalang ang mommy niyo" bulong ko habang nangingilid ang luha sa aking mga mata, kahit hindi ko sila kilala ay nauunawaan kung bakit ganito ang kanilang nararamdaman. Alam ko ang pakiramdam ng iwanan ng ina kaya hindi ko masisi kung bakit ganito ang reaksyon nila.

Habang nakayakap sila sa akin ay narinig ko ang pagsasalita ng isa sa kanila, na nagparamdam ng kirot sa aking puso. "Mommy, don't leave us again... Please,"

---

Enchantedbyyouu_

Enjoy💖

Ruthless CommandWhere stories live. Discover now