Lapis

362 18 20
                                    

UY PHILIPPINES 🦅🦅🦅🦅🦅‼️‼️‼️‼️‼️‼️🇵🇭🇵🇭🇵🇭🇵🇭🇵🇭

It was their first day of school at Fukiko Elementary School, the sounds of students talking on the hallway, 

"Hoy mga bading, grade 6 na tayo. Tayo na ang makapangyarihan sa school na 'to" Sabi ni Sara habang tumitingin sa mga lower grades,

"Gago, natatakot yung bata sa 'yo. Panget mo kasi" Sambit ni Bongbong, tawang-tawa sa kaniyang sinabi

"ulol! Kaya nireject kita nung grade 2 eh!"

"atleast 'di ko nakakalimutan na may utang ako."

"gago! atleast 'di ako magnanakaw!"

"Mga gaga, tama na 'yan. Mura kayo nang mura, marinig pa kayo ng mga teachers." Pag-awat ni Imee, umirap ito sa kanila

"Sirain ko 'yang foundation mo na 'yan eh, school 'to sis. Hindi burial." tugon ni Loren, kanina pa ito naiinis sa mga taong nakapaligid sa kaniya

"hoy bakla, ba't 'di ka kumikibo d'yan?" tanong ni Robin, punyetang tingin ng lalaking 'to sa mga babae—Uhaw na uhaw ampota.

"First day of school, parang magtatanim na ako agad ng sama ng loob dahil sa inyo."

Nang marinig na ng mga estudyante ang bell, pumunta sila sa kanilang classroom,

"Good morning class, ako si Teacher Rubilyn V. Latco—I will be your adviser this school year. Please introduce yourself by alphabetical order,"

"Ms. Duterte, you may now introduce yourself."

Nagsimula na silang ipakilala ang kanilang sarili, at walang pake si Risa do'n—dahil nakatuon ang kaniyang atensyon sa kaniyang katabi, Ang katabi niya ay isang chinita; matangkad, naka-glasses at mukhang mayaman.

Natauhan na lamang si Risa nang tumayo at nagsimulang magsalita ang kaniyang katabi,

"Good morning everyone, I'm Alice Leal Guo. I'm 11 years old—I like the color pink. And my motto in life is Give up the good work, ayun lang po!"

Nang matapos si Alice, napalunok na lamang si Risa dahil lahat ay nakatingin sa kaniya,

"Hello, good morning. My name is Ana Theresia Navarro Hontiveros, but you can call me Risa. I'm 11 years old, at ang motto ko po ay To see is to be leave, salamat po."

Nakalipas ang ilang minuto, natapos na rin ang pagpapakilala. Hindi kayang tumigil si Risa sa pagtingin kay Alice dahil sa kagandahan ng niya.

"Okay class, get one whole sheet of paper—copy and answer the questions on the board."

"ma'am, one whole po?"
"saan po ilalagay ang sagot ma'am?"
"luh, si ma'am first day of school
may pa-quiz."
"true the fire, sis"
"ma'am! answer onl—"

"Tumahimik! Ang sabi ko, copy and answer! Isulat sa one whole sheet of paper."

At tumahimik agad ang klase, masungit ba naman ang adviser nila. Sino bang hindi matatakot?

Makalipas ng ilang minuto, lahat sila'y nagsusulat na—si Risa naman ay 'di namalayan na may bumubulong sa kaniya

"pst.." Napatingin si Risa sa kaniyang katabi, nakangiti—Sa paningin ni Risa ay parang isang anghel ang nakatingin sa kaniya.

"bakit?"

"pwedeng makahiram ng lapis?" tanong nito sa kaniya, si Risa naman ay nagtataka

'first day, walang lapis? tsk'

Guontiveros OneshotsWhere stories live. Discover now