AUTHOR'S NOTE

6 0 0
                                    

AUTHOR'S NOTE

Pang-ilan na ba 'to? Hindi kasi ito ang una kong nai-publish na istorya. Marami pang istorya pero in-unpublish ko lang, hindi ko na kasi naituloy dahil wala akong time as your student-author. Marami rin kasi akong dapat gawin sa bahay at sa school. Kaya minsan, hindi ko na nabibigyan ng oras ang paggawa ng mga istorya. Pero ito ang unang istorya na feeling ko, kaya ko nang i-publish nang tuloy-tuloy na.

'Yun oh! Let's see kung ano'ng kuwento ang mayroon ito. May kuwenta ba o wala? Joke. Syempre, mayroon. May kuwenta. Ako pa ba? Baka gawaan ko na lang ng paraan 'yan para magka-kuwenta hahahahaha. Basta follow niyo ako sa mga socials ko for more updates.

Kaunting pasilip lang or I think, spoiler sa story:

Dearest Self,

Anong gagawin ko? Paano ako magmo-move on?

'Yan na yata ang pambansang tanong ng mga hindi pa rin maka-move on sa past relationships! Kahit ilan na yatang buwan o taon ang lumipas, pero heto pa rin, nagkakandarapa pa rin na bumalik ang taong 'yun na hindi ka naman na kayang mahalin pabalik. Ewan ko ba, bakit hindi tayo maka-move on. Siguro, baka nga mahal pa natin 'yung taong 'yun. Eh, tayo kaya? Kaya pa ba tayong mahalin nu'ng taong 'yun? Baka hindi na.

May dalawang option kasi pagkatapos ng hiwalayan.

Una, babalikan mo. Syempre, mahal mo pa at gusto mo pang makasama siya kahit na maraming pagsubok pa ang dumating sa relasyon niyo. Mahal mo eh. Sabi nga nila, gagawin mo na ang lahat para sa kaniya. Eh, siya ba? Gagawin ba kaya niya ang lahat para sa'yo?

Ikalawa, hindi mo na babalikan. Nasaktan ka na 'di ba? Paniguradong hindi mo babalikan 'yang nakanang'yan. Joke. May mga dahilan naman kasi tayo kung bakit hindi na natin dapat pang balikan ang mga taong 'yan. Syempre, sinaktan nila tayo. Hindi na natin babalikan.

Pero sa dalawang option na 'yan, ano ang pipiliin mo? Babalikan mo, o hindi mo na babalikan? Baka kasi after you move on, you move forward with him/her na naman. Ano? Paulit-ulit ka nang niloko, sinaktan, pinaasa pero siya pa rin? Baka pwedeng ako naman? Joke. 'Yan daw siguro ang mahirap sa move on stage.

Ngunit na sa sa'yo naman 'yan kung ano ang pipiliin mo sa pagmo-move forward 'di ba? At pwede ka rin namang humanap ng ibang option kung sakaling 'di mo kaya o nahihirapan ka. Syempre, hindi naman lagi nating pahihirapan ang sarili natin para lang sa isang taong hindi naman tayo mahal. Ano? Nagpapaloko?

Basahin mo na lang 'to para just in case nagmo-move on ka rin, makatulong sa'yo. Maidagdag ko pala, may proseso ang pagmo-move on, ha? Baka madaliin mo, eh. 'Tsaka malay mo, kayo pala ng characters dito ang para sa isa't-isa. Hahahahaha!

Yours Truly,

Author

Ayan, may pasilip na kayo. Obvious naman itong mga pasilip natin sa title ng istoryang ito, 'di ba? Hihi. May mae-engkuwentro rin kayong mga bonus na chapter.

By the way, what to expect? Hahahahaha! Hindi ko alam. Medyo magulo siya kaya 'wag nating i-expect masyado na hindi ito magulo. Magulong-magulo ito!

Maraming pwedeng mangyari. Maraming pwedeng maganap. Basta isa lang ang sigurado, maganda 'to, promise! Gagalingan kong magsulat for you, my love!

New update tayo every FRIDAY, ha? Mamadaliin ko!
Itong author's note muna today then Chapter One next Friday and so on. Baka mag-expect kayo, eh. Pero may pagkakataon na mag-UD ako kahit hindi Friday. Lalo kung may gagawin ako sa araw na iyon kaya pagpasensyahan niyo na. Hahahahaha!

MAHALAGANG PAALALA:

Ang istoryang ito ay kathang-isip lamang. Ang anumang pagkakahalintulad at/o pagkakapareho ng mga pangalan ng tao, lugar o pangyayari sa tunay na buhay ay hindi sinasadya at/o nagkataon lamang.

Samantala, ang plagiarism ay hindi dapat gawin. Ang pagkopya at pagkakabago ng anumang bahagi ng istoryang ito na isinalin sa ibang istorya nang walang permiso ng orihinal na manunulat ay maaaring parusahan sa ilalim ng batas.

Ipagpaumanhin niyo rin kung saka-sakaling makakita kayo ng mga grammatical errors sa mga English and Tagalog sentences na inyong mababasa. Pasensya na dahil hindi naman tayo perpekto at nagkakamali rin lalo pa't hindi tayo magaling sa mga lenggwahe, lalo sa English!

Salamat sa pang-unawa, suporta at pagmamahal, jahsters! Mahal ko kayo! Huhu. Joke. Hehe. Mwah!

© All Rights Reserved 2024. Yours Truly, kuyajahhh.

Move On, Move ForwardWhere stories live. Discover now