CHAPTER THREE

3 0 0
                                    

CHAPTER THREE
Pang-aakit

[A/N: Pasensya na sa walang UD last Friday. Na-busy na kasi bigla ako kasi may klase na at nagtuturo pa ako, huhu. Balik-UD na ulit ako!

Sorry rin kung medyo magulo 'tong chapter na 'to. Ginagawa ko kasi 'to habang busy ako sa mga gawain ko as your student-author. Sorry na, hihi.]

CLYDE's POV

Habang tumatagal ay mas nagiging seryoso at palalim lang nang palalim ang napag-uusapan nila. Dumating na rin ang puntong hindi na ako makasabat dahil puro negosyo lang ang pinag-uusapan nila ngayon at hindi ang ibang bagay. Nakakatakot naman kasi malugi eh.

"Hindi naman sa demanding kami pero mas maganda kung mayroon kayong mai-recommend na partner na galing ibang bansa, business partners ba. I just want to make sure na walang mangyayaring bankrutpcy sa kumpanya para tuloy-tuloy ang serbisyo natin," ang pangulo pa rin ang nagsasalita, kinakausap si daddy.

Nagtinginan sina mommy't daddy na para bang hindi sila sigurado kung tama ba ang gagawin nilang ibigay o i-recommend sa mga Velarde ang mga non-Filipino business partners. Halos lahat kasi ng mga Japanese, Korean at iba-ibang lahi ay business partners na nila.

"H-Hindi po ba't mayroon kayong business partner na galing ibang bansa? Bakit hindi po natin palakasin na lang ang ugnayan sa kanila?" pagtatanong ni daddy.

Napaisip bigla ang pangulo. Napatango ito nang wala sa oras na tila sumasang-ayon sa sinasabi ng daddy.

"Maganda iyan, maganda," anito pa at tumatango sa pagsang-ayon nito sa nasabing pahayag. "Salamat, Aidrian, sa rekomendasyon."

"Walang anuman, Madam President," nakangiting ani daddy rito habang ang pangulo'y tinapik muli naman ang balikat ng aking ama. Mukhang ito na ang hudyat na iibahin na nila muli ang usapan namin sa diskusyon.

Itinuloy ng lahat ang pagkain. Natahimik ang lahat. Maya-maya pa, itinuloy muli namin ang diskusyon.

"The program, Clarence?" the president to my mom.

"Si Abreaux po ang naghanda niyon. Ipinasa lang po sa'kin para makita," nakangiting anang mommy rito.

"Mm, ganoon ba? Wala pa siyang ipinapasa sa'kin eh," halos magkamot-ulo ang pangulo dahil hindi pa pala alam ng ina kung anong programa ang ginawa ng anak. "Ako pa yata ang susurpresahin no'n," anito pa bago bahagyang tumawa. Nakitawa naman kami.

"Ganoon naman po si Abreaux, mahilig manurpresa!" anang aking ama pa bilang tugon sa sinabi sa amin ni President Velarde. "Hindi na po ako magtataka kung bakit gustong surpresahin ni Abegaile si Clydrian sa birthday niya imbis na si Clydrian ang manunurpresa kay Abegaile. May pinagmanahan talaga!" napalakas ang tawa ng lahat dahil sa sinabing iyon ni daddy.

Bahagya akong ngumisi. Pakiramdam ko tuloy ngayon ay mahal na mahal ako ng girlfriend ko. Ihhh! Anubaa!

"Anyway, may mga aasikasuhin pa po pala kami, Pres. Velarde," si mommy naman ang nagsalita. "May mga bibilhin din po kami for Abegaile's birthday, kailangan na rin po naming umalis. Susunod na lang po kami sa paliparan."

"Sige, sige. Magkita-kita tayo roon ah? 'Wag kayong mag-alala, iintayin namin kayo," pagngiti pa nito sa amin.

"Sige po. Maraming salamat po ulit, President Velarde sa inyong pag-imbita," ani daddy na nakipag-kamay pa sa pangulo. Masyadong formal itong mga ito, eh.

Umalis na kami sa mansion at saka ginawa ang mga dapat naming gawin bago pumunta sa Palawan. Ang napag-usapan nga kasi, si Ate Catherine ang bibili ng ireregalo nila para kay Abegaile. Alam kong hindi ito basta-basta lalo kapag pumili na ang kapatid ko.

Move On, Move ForwardWhere stories live. Discover now