CHAPTER FIVE
PagkikitaRAINNE's POV
Kahit tapos na kaming kumain, hindi pa rin umaalis sa room ko si Clydrian. Hindi dahil ayoko, kundi dahil siya rin naman ang hindi pa umaalis. Siguro'y gusto rin niya rito at gusto niyang dito muna siya. Ayokong i-assume na dahil sa akin kaya siya nandito pa rin sa room ko.
Nang tignan ko ang orasan, 5:23PM na. Malapit nang mag-gabi. Nagsisimula na ngang lumubog ang araw. Makikita mo na ang kulay kahel na kalangitan at ang kaulapan na namumuti. Gayundin naman ang repleksyon ng araw sa katubigan na pagkaganda-gandang pagmasdan.
Bahagya ko namang tinignan si Clyde. Ayun pa rin siya at nagpapatuloy lang sa pinanonood. Ni hindi ko na rin magawa pang magtanong dahil alam kong hindi iyon ang ipinunta niya rito. Kaya siya narito ay para sa'kin. Hindi para sa gusto ko, pero siguro'y para lang sa'kin.
"Hindi ko pa siya nakakausap," bigla niyang pag-usal. "Malapit nang matapos ang araw pero wala man lang akong naririnig mula sa kaniya. Ni hindi ko man lang siya nakita pagkarating ko rito sa Palawan."
"Hindi ba siya nag-message sa'yo?" pag-uusisa ko. Alam kong si Abegaile ang tinutukoy niya.
"Nag-message siya kani-kanina lang. Pero ayun na naman 'yung mga dahilan niya. Kesehodang busy siya at maraming ginagawa. Sinusubukan kong intindihin pero kung hindi ko man lang siya nakita ngayong araw, magiging ganito ba ako?" pagrereklamo niya pa.
"Si Tita Abreaux? Tinanong mo ba siya tungkol sa kaniya?"
"Hindi. Hindi ko pa nakakausap si Momma. Si president Velarde lang ang nakausap namin kanina bago kami tumungo rito. 'Yun nga lang din ang pagkakamali ko kasi may tsansa naman na ako kaninang itanong 'yun pero hindi ko pa nagawa," sabay ang kaniyang pagtungo pagkatapos sabihin iyon. Rinig din ang buntong-hininga niya.
"Ano bang gusto mong itanong?"
"Kung anong ginagawa niya? Kung kumusta ba siya? Kung handa na ba siya sa birthday niya? 'Yung mga ganoon ba. That's unfair sa side niya, though. Hindi ako makapangumusta sa kaniya samantalang abala ako sa inyo," tila malaking pagkakamali ang nagawa niya nang sabihin iyon. Nakatungo pa rin kasi siya at nakasimangot pa rin.
"Tinaasan mo na naman ba ang pride mo, Monreal?"
Ang tanong na ito ang nakapagpatango ulit sa kaniya at napatingin naman siya sa akin.
Ang tingin niya ay may halong pagtatanong. Pero kalaunan, ang tingin ding iyon ang sumasagot sa katanungan ko.
"I knew it, tinaasan mo na naman. Bakit ba palagi kang ganiyan? Ni hindi ka man lang nag-eeffort na kausapin siya. Tapos, ano? Magsisisi ka't mag-eemote? Don't be like that, Clyde. Alam mong hindi tama 'yang ginagawa mo," panenermon ko pa sa kaniya.
"Pero, Rainne, ayoko lang din ng ginagawa niya. Hindi rin naman siya nag-eeffort na kausapin ako. So paano ko siya kakausapin? Kapag kinausap ko siya, busy siya. Tapos maya-maya, magso-sorry dahil hindi raw agad siya nakapag-reply. Nakakasawa lang 'yung ganoon!"
"Lalaki ka, Clyde. Hindi ka babae," pagpigil ko pa sa kaniya at sa mga sasabihin niya. "Kung umasta ka'y para kang babae. Alam mo bang ganiyan ako? Ikaw dapat ang magpakumbaba sapagkat ikaw ang lalaki. Nag-eeffort kami at ganoon din si Abegaile. Pero hindi rin naman laging kami ang mag-eeffort at manunuyo sa inyong mga lalaki at kayo ang mag-iinarte," pagturo ko pa sa kaniya. Buntong-hininga na naman ang sagot niya sa panenermon ko.
YOU ARE READING
Move On, Move Forward
RomanceSa isang pambihirang pagkakataon, mag-iiba ang tadhana ng lahat. Si Abegaile, itinuturing na sweetheart sa kanilang school dahil sa angking kagandahan, ay ang umiibig at iniibig ni Clydrian, ang student leader at ang itinuturing namang heartthrob. M...