CHAPTER SIX
Panunuyo(Ano nga bang meron kay Ivan?
Sino si Ivan?)CLYDE's POV
"Mm, siguro nagseselos ka roon, 'no? Kasi gwapo rin si Sir, 'no—"
"Hell, no, babe! Tsaka bakit naman ako magseselos sa teacher pa talaga natin? Ano ba naman, babe? Grabe naman!" pagtanggi ko pa. Habang siya, natatawa pa rin.
"A, sus! Bakit hindi? Pati nga 'yung varsity ng ibang school, pinagselosan mo," at muli niyang ibinalik ang panahong nagselos ako sa isang varsity player ng ibang school noong Sportsfest noong nakaraang taon.
FLASHBACK
CLYDE's POV
"And that's the end of the quarter!" Iyon na lamang ang narinig ko sa Sports Arena namin sa school.
Nanalo kami! 77-72, pabor sa Lions kontra NMS Eagles.
Walang patid ang saya at tuwa ko nang malaman ko na bukod sa nanalo kami, ako ang MVP. Ibang klase talaga ang mga Leon! Roar!
Masaya naman akong sinalubong ni Abegaile.
"OMG! Congrats, babe! I love you!" malakas, masaya at masigabong sigaw ng kasintahan ko sa'kin. Sabay yakap naman nito nang ako'y malapitan.
"I love you too! We won!" masaya ko pang sigaw nang yakapin niya ako. "This is for you, babe! This is for you!"
"This is for us! Kyah! Ahhh! Oh my gosh! I'm very proud of you, my loves! Let's celebrate, babe! My treat!" Ngumiti pa ito sa'kin 'tsaka ako hinalikan.
Habang hinahalikan ako ng kasintahan ko, narinig kong tila may sinasabi't kinakantyawan ang mga kaibigan ko.
"Ayan na naman sila, oh! 'Tong mga Senior High na 'to talaga! Kung pwede lang akong magsumbong sa Dean, ginawa ko na! Eh, wala, kamag-anak ang mga namumuno, eh!" pang-aasar ni JM.
Natigilan kami sa paghahalikan ni Abegaile tsaka tinignan si JM. Natatawa pa nga kami nang makita kung gaanong naiirita ang kaibigan.
"Nagtatampo ka na niyan?" biro ni Abegaile.
"Ay, hindi! Hindi ako nagtatampo! At hindi ako magtatampo sa ginagawa niyo! 'Tse!" sigaw pa nito na tila isinusuka kami 'tsaka umalis at pumunta sa bench ng mga Eagles para i-congrats sila.
Samantala, si Asher nama'y tinungo rin kami upang mag-congratulate.
"Uy, pare! Congrats! Proud na proud na naman ang Class President niyo niyan!" pagtukoy pa niya sa sarili. Napangiti naman kaming dalawa ng kasintahan ko.
"Of course! Bakit hindi? Eh, ikaw lang naman ang tuwang-tuwa sa mga achievements natin. Tignan mo si JM, pinili pang pumunta sa kalabang grupo para maghanap ng pogi—"
"Hoy! Narinig ko iyon, 'no! Anong sinasabi mong pinipili ko ang Agila kaysa Leon?! Baklang 'to! Eh, bakit? Pogi ka ba?" pagpigil naman sa'kin ni JM.
"Oo naman! Magugustuhan ba ako ni Abegaile kung hindi?" pagbibiro ko pa rito.
"Hay, nako, Monreal. Iba pa rin talaga ang lakas ng apog mo, ano? Pasalamat ka't sinuportahan pa kita! Nakakaloka!" Maiisip mong nagbibiro lang ang baklang 'to! Tinatawanan lang kasi namin.
YOU ARE READING
Move On, Move Forward
RomanceSa isang pambihirang pagkakataon, mag-iiba ang tadhana ng lahat. Si Abegaile, itinuturing na sweetheart sa kanilang school dahil sa angking kagandahan, ay ang umiibig at iniibig ni Clydrian, ang student leader at ang itinuturing namang heartthrob. M...