CHAPTER 2

257 24 5
                                    

HIS INNOCENT PREY
CHAPTER 2

F E L I X

“Dada, may tanong po ako sa inyo.” Na sa hapag na kami’t katatapos lang kumain ngunit nagpapahinga lang bago iligpit ang mga pinagkainan.

Kinuha ko rin ang pagkakataong ‘to upang itanong sa kaniya ang kanina pang bumabagabag sa aking isipan. Kapag ka hindi ko ‘to ginawa, baka hindi ako makatulog nang maayos at ayaw ko ng ganoon. Mapapagalitan ako kapag nagpuyat ako.

“Hmmm? Ano ‘yon, ‘nak?” tanong niya habang seryosong nakatingin sa akin. “May nambu-bully bas a ‘yo sa eskwelahan ninyo?” dagdag niya, nilingon si Papa nang nakataas ang kilay.

“Oh bakit ganiyan ka na naman sa akin makatingin, Love?” tanong ni Papa.

“E kasalanan mo kasi bakit doon mo siya in-enroll! Ang dami naman diyang eskwelahan na magiging ligtas siya. Sa St. Benedict, walang mambu-bully roon sa kaniya dahil nandoon sina Sister at ‘yong iba pa.”

Mabilis akong umiling. “’Da, kalma po. Wala pong nangyayaring ganoon,” sagot ko, pareho silang tumingin sa akin.

“See, wala naman pala. Love, you’re overreacting,” ani Papa pero inirapan lang siya ni Dada.

Hindi ko namamalayan na nakangiti na pala ako habang nakatingin sa kanilang dalawa. Siguro, kung totoo man ang reincarnation, pipiliin ko pa ring sila ang magiging magulang ko. Kahit na iba ang tingin ng karamihan sa pamilyang mayroon kami, mas gugustuhin ko pa rin na sila ang makasama ko.

“Then what is it, ‘nak?” tanong ni Dada, seryoso na siyang nakatingin sa akin ngayon.

“Posible po kayang may ahas sa library po?” tanong ko, pareho silang nagkatinginan at muling ibinalik ang tingin sa akin na nakakunot ang noo. “Kasi po, kanina may nakita po ako sa library na sinisipsip po iyong ano ng lalaki.” Kaya kinuwento ko sa kanilang dalawa ‘yong nangyari kanina para maibsan ang pagtatakha nila.

“Ang ano?”

Nag-init ang magkabila kong pisngi at napaiwas ng tingin sa kanilang dalawa. “T-Tite po,” mahina kong sagot.

“AYAN! AYAN NA NGA BA ANG SINASABI KO SA ‘YO, DESMOND!”

Kumabog nang malakas ang dibdib ko. Napahigpit ang kapit ko sa suot kong pajama habang nakayuko. Nakakatakot kasi si Dada sa tuwing nagagalit siya. At ngayon, mukhang galit siya’t kasalanan ko iyon kung bakit. Sana’y hindi ko na lang sinabi ‘yon.

“Love, calm down. You’re scaring our son,” mahinahanong sambit ni Papa.

Pakiramdam ko’y bubuhos na ang mga luha ko dahil sa takot.

“P-Pasensiya na, ‘nak. Oo naman, posibleng magkaroon ng ahas sa library. Kaya mag-ingat ka lalo na sa pinakadulo sa mga walang katao-tao baka roon namamalagi ang mga ahas. May bulate nga rin sa library, e,” ani Dada. Kumalma ang puso ko at tumingin sa kaniya.

“T-Talaga po may bulate?”

“Oo, bookworm,” aniya.

--

Pagkatapos kong maghugas ng pinggan at ayusin ang sarili, naupo ako sa aking study table. Kinuha ko ang Ipad ko upang makapag-advance study ako sa mga subjects namin. Hindi naman kasi ako matalino, kaya kailangan kong mag-aral ng mabuti pero ewan ko ba, kahit na anong gawin kong pagbabasa'y nahihirapan pa rin ako.

Patapos na ako sa isang subject ng mag-vibrate ang aking cell phone. Mabilis ko iyong kinuha at binuksan ang notification, isang text message mula sa isang unregistered number.

From: +639******010
“In tender years when hearts are pure,
Where innocence and dreams endure,
A spark ignites, a gentle flame,
And first love whispers, calls your name.” Good evening :)

Pinatay ko iyon at ibinalik sa kung saan ko kinuha nang hindi nire-replyan ang message. Alam ko kasing scam lang 'yon or iyong mga automated na messages. Pinatay ko na rin ang Ipad ko't nag-inat bago tinungo ang aking kama, dahil inaantok na ako.

Naging Maayos naman ang tulog ko kagabi dahil nasabi ko sa mga magulang ko iyong bumabagabag sa akin. Kaya maaga akong nagising at kaagad na naghanda upang makapasok sa eskwelahan. Nang maisuot ko na ang damit ko, dahil wala pa kaming uniporme at isang linggo pa lang naman noong magsimula ang klase, naka-civilian lang ako ngayon.

Bumaba ako’t dumiretso sa kusina kung saan naabutan ko si Dada na nakatalikod habang may niluluto siya habang si Papa nama’y ‘tulad ko, nakabihis na rin ng kaniyang pang-opisina habang nakaupo’t nagkakape. Ang guwapo ni Papa sa suot niya, pati na rin si Dada’y guwapo rin. Mababait pa sila.

"Good morning po, Papa!" bati ko nang makalapit ako sabay halik sa kaniyang pisngi.

"Good morning, baby," bati niya pabalik.

"At bakit ang Papa mo ang inuna mo ngayon ha?" Napangiti ako nang humarap si Dada at nakapamewang na tumingin sa amin.

Lumapit ako rito sabay halik sa kaniyang pisngi. "Save the best for last po kasi, Dada. Good morning po!"

"Aysus! Manang-mana ka sa Papa mo, mahilig mang-uto," sagot niya pero hindi ako natawa dahil napatingin ako sa kaniyang leeg na may mga pulang marka.

"Ano pong nangyari sa leeg niyo, Dada? Lagi po kayong may ganiyan, e. Okay lang po ba kayo? Magpatingin na po kaya kayo sa Doctor," sagot ko.

Narinig ko ang pagtawa ni Papa kaya nagtatakha akong lumingon sa kaniya.

"A-Ah, wala 'to, 'nak. Baka allergies lang 'to pero okay lang ako, don't worry. Maupo ka na roon at kakain na tayo."

--

"Thank you po, Papa. Mag-iingat po kayo." Binuksan ko ang pinto nang sasakyan at lumabas na rito.

"Call me when you need something, okay? Take care of yourself."

May maliit na kompanyang pinapatakbo ang mga magulang ko. Si Dada ay sa bahay lang pero may trabaho rin naman siya, work from home. Habang si Papa ang nag-a-asikaso sa mga kakailanganin sa kompanya.

Nang makaalis si Papa ay kaagad akong pumasok sa loob ng eskwelahan.

"Baaakss!!" Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang matinis at nakaririnding boses. Nilingon ko ito, si Della na malawak ang ngiting naglalakad papalapit sa akin. "Good morning!"

"Good morning–"

"Good morning lang, 'wag mo nang dagdagan ng po," pagpipigil niya sa sasabihin ko. Inirapan niya rin ako. "Nga pala, bago ko makalimutan..." Tumigil kami sa paglalakad. Humarap ako sa kaniya. "Hiningi pala ni Hunter sa akin ang cell phone number mo! Waaaah!"

Nagmistula siyang kiti-kiti na hindi ko maintindihan ang paggalaw ng kaniyang katawan, habang nakapikit at nagpipigil ng sigaw. May iilang mga estudyanteng napapatingin sa amin kaya mabilis ko siyang pinigilan dahil nakakahiya.

"Ano ba, te! Kinikilig pa nga ako, e. Feel ko type ka nun. OMG! BL na ba this?!"

"H-ha? Ano'ng BL?"

"Seryoso ka, hindi mo alam?" Umiling ako. "Boy's Love, sis! Dalawang lalaking nagmamahalan," sagot niya. Napatango na lang ako, katulad pala iyon nila Dada at Papa. "Back to the topic, nag-text ba siya sa 'yo?"

"Sino?" nakakunot-noo kong tanong.

"Si Hunter, hello?!"

Bago ko pa siya sagutin ay muli na namang nag-vibrate ang  cell phone ko.

From: +639******010
“In a moment swift, our eyes did meet,
A spark ignites, a rhythm sweet,
A world transformed in a heartbeat,
Love at first sight, so pure, complete.” Good morning :)

Ibinalik ko na lang iyon sa bulsa ko. "Wala naman akong natanggap," sagot ko dahil totoo naman talagang wala.

"Eh ano iyong binasa mo?" nakataas kilay niyang tanong.

"Computer. Kagabi pa iyon, e. Nag-se-send ng poem, siguro galing sa chatgpt. Tara na? Baka ma-late na tayo sa klase."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 19 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Alcantara Brothers: His Innocent Prey (BXB) | ON GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon