HIS INNOCENT PREY
SIMULA
—
FERDYNAND FELIX SORIANO
Ang mga kamay ay naka-intertwined habang taimtim na nananalangin. Hindi alintana ang iilang mga estudyanteng sa akiʼy napapatingin. Nakatutok ang buo kong atensiyon kay bathala na sanaʼy gabayan ako nito sa araw-araw.
"Look at that guy, he's stupid," narinig kong sabi ng kung sinong hindi ko naman kilala.
Nagmulat akoʼt tumingin dito. Isang babae. Ang bastos ng suot nito dahil sa iksi ng kaniyang palda, at masikip na blouse na halos pumutok na ang dibdib. Mariin akong umiling at sinuway ang sarili.
"Huwag mo silang intindihin, Felix! Makasalanan silang nilalang," ani sa sariliʼt nagpatuloy na lang sa paglalakad.
Humawak ako sa straps ng backpack koʼt tinungo na ang daan sa aking unang klase. Alam ko na rin naman ng ang pasikot-sikot nitong Unibersidad dahil galing na rin ako rito noong nag-enroll at nag-entrance exam ako. Habang nasa hallway akoʼy palinga-linga ako sa paligid. May mga katulad kong wala pang uniporme–na sa tingin koʼy mga first year din sila ʼtulad ko. Napangiti ako. Sanaʼy maging kaibiyan ko silang lahat.
"OMG! ISN'T THAT HUNTER RYE ALCANTARA?!" narinig kong sigaw ng isang estudyante.
Napansin ko ang mga babaeng estudyante na inilibas ang kanilang mga make up kit at salamin upang tingnan ang sarili. Napatigil akoʼt napakunot ang noo. Ano'ng nangyayari? Bakit tila ba naging parlor itong hallway dahil lang sa sigaw ng estudyanteng iyon? May binanggit pa siyang pangalan, Hunter Rye Alcantara.
"He's here! OMG! I'm wet," ani pa ng isang babae na sanaʼy hindi ko na lang narinig ang sinabi. Napakabastos naman ng kaniyang bunganga. Alam ba nitong bawal sabihin ang bagay na iyon?
Hahakbang na sana ako upang magpatuloy na sa aking classroom ng may isang malalim na boses ang nakapagpatigil sa ʼkin.
"Move." Isang salita lang iyon ngunit biglang nanindig ang balahibo ko sa kaba.
At tila ba may dumaang anghel sa hallway dahil ang kaninang bulong-bulungang ay biglang naglaho. Dahan-dahan naman akong lumingon sa aking likuran, kung saan isang matangkad na lalaking may mahabang buhok, may suot na sunglasses, seryoso ang ekspresiyong sa mukha, at may magagandang hugis ng labi ang ngayoʼy nakatayo sa aking harapan. Napalunok ako.
"OMG talaga, ʼteh! Sino ba iyang weird na iyan at nakaharang sa dinaraanan ng Prinsipe?!"
"Patay talaga ang batang ʼyan!"
"Yeah IKR!"
Wala akong naiintindihan sa mga sinasabi nila dahil ang mga mataʼt atensiyon koʼy nasa lalaking ngayoʼy kaharap ko. Gusto kong igalaw ang mga paa ko upang makaalis na ngunit ayaw nitong sumunod. Tila ba nasemento ang mga paa ko. Nagulat pa ako nang ngumisi ito bago itinaas ang kamay at mabilisan akong hinawi.
"Tss!" At saka ito umalis.
—
Kanina pa nakalutang ang isipan ko. Mabuti na lang at mabilis na natapos ang aming klase–na naubos lang ang oras sa pagpapakilala. At lahat ng mga kaklase koʼy wala akong natatandaan ni isa sa kanila. Sa kadalihanang hindi na nilubayan ng lalaking bastos na iyon ang isipan ko.
“Kanina ko pa napapansing malalim ang iniisip mo.” Tumingin ako rito. "Naghahalikan bang dalawang lalaki ang iniisip mo? Same, sis!"
Nanlaki ang mga mata ko sa kaniyang sinabi. Ano raw ang kaniyang sinabi? Dalawang lalaking naghahalikan? Papaano niya nasasabi iyon gayong isa siyang babae? Hindi ba siya nandidiri?
"A-Ang bastos ng bunganga mo," ang bigla kong nasabi mo. "Papaano kung may makarinig sa ʼyo? Huhusgahan ka nila," dagdag ko pa na ikinatawa lang nito.
"Gaga! Pa-inosente ka masyado. Huwag ako, beh!"
Umiling na lang ako dahil sa hindi ako makapaniwala sa taong ʼto. Napakabastos ng kaniyang isipan. Iniligpit ko na lang ang mga gamit ko dahil tapos na ang klase at tutungo ako sa cafeteria upang bumili ng makakain. Ngayon ko lang din napansin na ako at itong bastos na babaeng 'to na lang ang natitira.
"Hoy! Hindi ka na mabiro. I was just joking you know," sabi nito ngunit hindi ko siya pinakinggan. Tumayo ako at akmang iiwan na siya nang mabilis ako nitong nahawakan sa braso.
Masama ko siyang tiningnan. "Huwag mo akong kausapin. Baka mahawaan ako ng iyong kabastusan," sabi ko.
Nanlaki naman ang mga mata nito – na literal namang malaki noong una pa lang. At pagkaraan ng ilang segundoʼy napuno ng kaniyang tawa ang apat na sulok ng silid. Mas lalo akong hindi makapaniwala. Hindi bagay para sa katulad niyang babae ang tumawa nang malakas.
"Yawa! I can't believe there's still someone like you," sabi niya. Nangingilid ang mga luha mula sa walang humpay niyang pagtawa. "Tara na nga! Pakiramdam ko, bagay tayo e!" Ngumisi pa ito sabay akbay sa akin–na animoʼy magkaibigan kami.
Nagtataka ko siyang tiningnan ngunit nginitian lang niya ako. ʼDi ko siya maintindihan. Naguguluhan ako sa kaniyang kinikilos. Hindi ko naman siya kilala. Nakaakbay ako nitong kinaladkad palabas ng silid ngunit huminto ako ng nasa labas na kami na siyang ikinahinto rin niya.
"Bakit?"
Inalis ko ang kamay niyang nakaakbay sa akin. "Sino ka ba? Bakit ba feeling close ka? Ayaw ko pa naman sa mga bastos ang bunganga," prangka kong sabi ngunit tila ba hindi siya natinag sa kinatatayuan.
"Hoy! Grabe ka sa ʼkin, Ferdynand Felix Soriano!"
Lalong kumunot ang noo ko. "K-Kilala mo ʼko?"
Namewang siya. "Malamang po! Nagpakilala ka kaya sa harapan. Halur!"
"Pero ʼdi kita kilala," sabi ko.
"Kasi–" Napakamot siya sa ulo. "Never mind na nga lang! Adella nga pala. Della na lang," pakilala nito sabay abot sa kaniyang kamay.
Tinitigan ko lang iyon. At saka tumingin sa kaniyang mukha. "Pero bastos ang bunganga mo," nakanguso kong sabi.
Mabilis nitong kinuha ang kamay koʼt sapilitang nakipagkamay sa kaniya. "Ayan! Pakikipagkamay lang e," aniya. "Tara na nga! Nagugutom na ako. Nagugutom na ako ng mga guwapo."
BINABASA MO ANG
Alcantara Brothers: His Innocent Prey (BXB) | ON GOING
RomanceHunter Rye Alcantara: His Innocent Prey Written and Owned by IthinkJaimenlove Date Started: JULY 16, 2024 Date Finish: [DESCRIPTION] - Unofficial and can be changed. "I thought, I only want your body, but I want my last name after your name." Henry...