HIS INNOCENT PREY
CHAPTER 1FELIX
Ang lawak-lawak ng mga ngiti ko habang pinagmamasdan ang buong paligid. Ang daming bookshelves kung saan may mga iba't ibang klase ng mga librong nakalagay. Iba-iba ang kulay at iba-iba ang kapal. Sumisinghot-singhot ako dahil sa kagustuhang amuyin ang amoy ng mga libro."Weird." Lumingon ako rito, isang babaeng kulot ang kaniyang buhok, Morena ang balat, at nakasuot siya ng salamin.
"P-Po?"
"Sabi ko, bawal ang mga bata rito," aniya.
Tumingin ako sa paligid at muling ibinalik ang mga tingin sa kaniya nang nakakunot ang noo ko.
"Wala naman pong mga bata rito," sagot ko dahil wala naman talagang mga bata rito.
"Nevermind," aniya lang at saka ako tinalikuran nang makuha niya ang isang libro sa shelves.
Napakamot na lang ako sa aking batok. Ang hirap intindihin ng mga tao rito sa eskwelahan, pareho naman kaming mga nilalang. Sana dinala ko na lang sina Luna at Cream-o, mga alaga kong Pusa at Hamster. Mas Madali pa silang intindihin kaysa sa mga estudyante rito.
Nagtingin-tingin na lang ako ng mga libro. Na sa library ako ngayon dahil may assignment kami sa isang major subject. Tumingin ako sa itaas nang makita roon ang librong hinahanap ko at saka napasimangot. Sa dinami-rami ng puwede nilang paglagyan ng libro, bakit sa pinakataas pa? Na sa sulok na bahagi na ito ng library. Tumingin ako sa kanang bahagi ko, walang taong puwedeng makatulong sa akin. Tumingin naman ako sa kabila, wala ring naroroon pero may hagdan sa pinakadulo.
Mabilis akong naglakad patungo roon ngunit napatigil ako nang may marinig akong humahalinghing.
"Fck! That's it, Babe. Your mouth is so fucking tight!" Nanlaki ang mga ko dahil sa maririing pagmumura ng isang lalaki, base sa lalim ng kaniyang boses.
Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso. Dahil sa kuryusidad, tinanggal ko ang ilang libro sa books shelves at nanlaki ang mga mata ko nang makita kung ano ang nangyayari sa kabila.
Nabitiwan ko ang hawak na mga libro, dahilan para gumawa 'yon ng ingay na sapat lang para marinig ng na sa kabila ngunit tila ba walang narinig ang dalawa at tumingin lang sa akin ang lalaking bahagyang nakapikit at nakatingin sa itaas kanina, dahilan para hindi ko makita ang kaniyang mukha.
Mabilis akong umalis doon nang magtama ang aming mga mata. Bumalik ako sa mesa kung saan ko iniwan si Della. Nagtatakha siyang tumingin sa akin.
"Ba't pulang-pula ka, ʼte? May nakita ka bang multo?" natatawa ngunit mahina niyang tanong.
Hindi ako sumagot dahil hanggang ngayon, tumatakbo pa rin sa isipan ko iyong reaksiyon ng lalaking ʼyon. Bakit kaya siya nakapikit at nagmumura? At saka, bakit nakaluhod iyong babae habang umuurong-sulong sa harapan niya? Tapos nakababa pa iyong slacks nung lalaking ʼyon.
"Huy!" Napalakas ang pagtapik ni Della sa akin dahilan para makabalik ako sa reyalidad.
"B-Bakit po?"
"Ano'ng nangyari sa ʼyo? At puwede ba, tigi-tigilan mo na kaka-po mo sa akin. Isang taon lang tanda ko sa ʼyo." Inirapan ako.
"W-Wala po. M-May nakita lang akong Ipis," sagot ko sa kaniya at saktong pagtingin ko kung saan ko nakita ʼyong Ipis ay siya ring paglabas ng tinutukoy ko Ipis.
Hunter.
Mabilis akong umiwas ng tingin. Sino'ng hindi makakakilala sa kaniya? Halos lahat yata ng mga estudyante rito, kilala siya, pati na rin ako dahil walang ibang bukambibig ang mga kaklase kong babae kundi siya. Pati na rin itong si Dellaʼy lagi siyang binabanggit.
"Ipis o baka tite?" tanong niya, sapat lang na kaming dalawa lang ang nakaririnig.
"N-Nasa library po tayo, bawal ang bastos dito."
"Tse!"
"Is anyone sitting here?" Pareho kaming napatingin ni Della sa nagtanong. Nakaturo ang kaniyang hintuturo sa upuang na sa aking tabi.
"OMG!"
Bigla na namang nag-flash sa aking isipan ang kaniyang reaksiyon kani-kanina lang. Tila ba sarap na sarap siya sa sensasyong nararamdaman. Nag-init ang magkabila kong pisngi at mabilis na kinuha ang aking bag na nakapatong lang sa mesa.
"M-May gagawin pa po pala ako," sabi ko at mabilis na umalis doon.
Narinig kong tinawag pa ako ni Della pero 'di ko na siya pinansin pa, ang nais ko lang ay makaalis doon dahil sa kabang nararamdaman ko. Hindi ko rin maipaliwanag ang sarili bakit ganito ang reaksiyon ko, wala naman akong natatandaang atraso ko sa lalaking iyon.
Pumasok ako sa banyo nang makarating ako sa aming department at saka tinungo ang lababo. Bumuntonghininga ako para ibsan ang kabang nararamdaman.
"Ano ka ba, Felix! Wala lang 'yong nakita mo. A-Ano lang iyon, b-baka tinutulungan lang siya nung babae magsuot ng slacks tapos naipit ng zipper iyong––" Umiling ako. Muli akong bumuntonghininga at saka naghilamos para mahimasmasan kahit papaano. "Mawala ka sa aking isipan, period! Tapon sa basurahan," sabi ko.
Napatalon ako sa gulat nang may mahinang tumawa. Lumingon ako sa bandang pintuan kung saan nakatayo siya roon habang nakasandal at naka-cross arms sa dibdib.
"You're funny," aniya habang malawak ang kaniyang ngisi.
"H-Hindi naman po ako nagpapatawa," sagot ko.
"What? Mukha ba akong matanda para sa 'yo?"
"Ano pong kailangan nila?" tanong ko, imbes na sagutin siya. Nilakasan ang loob dahil pakiramdam ko, lalabas na ang puso ko sa bilis ng tibok nito.
Napahawak siya sa noo't hinilot iyon habang nakapikit ang kaniyang mga mata. Masakit kaya ang ulo niya? Gusto ko sanang itanong iyon pero pinigilan ko ang sarili. Muli siyang tumingin sa akin ngunit ngayo'y seryoso na.
"Gusto ko lang sabihin sa 'yong huwag na huwag mong ipagsabi ang nakita mo kanina," aniya.
"Ang alin po?" tanong ko dahil malay ko ba kung alin ang tinutukoy niya, ang dami ko kayang nakita kanina.
"Library where that girl's sucking my dick."
"Po? S-Sinusubo nung babae 'yong ano niyo po? B-bakit po?" Nagulat siya sa tanong ko dahil napaawang ang kaniyang bibig at tila ba nakakita siya ng hindi kapani-paniwala.
"Fck! I can't believe this," mahina niyang bulong. "You don't know what she's doing to me?"
Umiling ako. "A-Ano po, akala ko tinutulungan niya kayong magsuot ng slacks," sagot ko.
"She's sucking my dick," aniya na parang normal lang para sa kaniyang sabihin iyon.
"Pero bakit po? Wala naman pong ahas doon na kumagat sa inyo, 'di ba?" tanong ko kasi 'di ba kapag kinagat ka ng ahas, dapat sipsipin iyong kamandag para hindi kumalat?
"Shit! This is unbelievable!" Lalong kumunot ang noo ko. "Then why did you runaway?"
"Hihingi po sana ako ng tulong kay Della pero nakalimutan ko po tapos bigla rin kayong lumabas tapos naalala kong may klase pa po pala ako," sagot ko. "P-Pero a-ayos na po ba kayo?"
"Yeah, no need to worry. I'm fine." Nakahinga ako nang maluwag dahil mukhang ayos lang naman siya. "She's really good at sucking the venom inside me," dagdag niya.
"Sige po. Pero magpa-check po kayo sa Doctor baka may natira pa po." Tumingin ako sa pinto. "P-Puwede na po ba akong dumaan?"
"Oh sorry, yes. You may, Mr?"
"Ferdinand Felix Soriano po."
"It's nice meeting you, Felix. I'm Hunter Rye Alcantara," sabi niya habang may ngisi sa kaniyang labi na hindi ko maintindihan para saan ang ngisi na iyon.
BINABASA MO ANG
Alcantara Brothers: His Innocent Prey (BXB) | ON GOING
Storie d'amoreHunter Rye Alcantara: His Innocent Prey Written and Owned by IthinkJaimenlove Date Started: JULY 16, 2024 Date Finish: [DESCRIPTION] - Unofficial and can be changed. "I thought, I only want your body, but I want my last name after your name." Henry...