Lumipas ang ilang araw at July 10 na. Ika-6 ng hapon kami nagpunta sa sinasabing doktor ni sir cheese na si doktora monica de truz sa Kang hospital. Sa 5 5 floor din ang office nya.
Nasa harap na kami ng office ni dok monica at walang taong nakapila."Pamilyar sa aking ang office na ito at ang bell sa taas ng pinto." Tama ito ang pinto na bigla na lamang tumunog ang bell na natakot ako.
Binuksan ko na ang pintuan at pumasok samantalang si tita ay nasa labas lang. Pagpasok ko bumungad sa akin ang isang babaeng nakablack na labgown na naka-upo sa isang swevel chair. Kulot ang mga buhok nya at tumingin sya sa akin.
"Hi, tama lang ang dating mo, Nadiya tama ba?" Tiningnan nya ang papel kung saan nakasulat ang pangalan ko. Kinuha nya sa aking and red evelope at binasa ang nasa laman noon.
"Hi Doc. Monica, si Doc. Cheese po ang nagpapunta sa akin dito." sabi ko.
"Tama, tama. Malapit ka nang mamatay nadiya."
"Po? bakit nyo naman po nasabi iyan?"
"Just kidding." sabi nya. Di ko gusto ang doktor na ito dahil nakakapikon sya magjoke.
"Anyways maupo kana at pag-usapan na natin ang ibibigay ko sayong reseta. Alam mo ba ikalabing-apat pasyente nakita sa office na ito?" naupo naman ako at nakinig nalang kay dok. May inabot sya sa aking isang libro na kasing laki lamang ng notebook, kukay brown ito na ang pabalat ay leather.
"Basahin mo ng unti-unti ang kwento na iyan ng ikay, makatulog hanggang sa matapos mo at bumalik ka sa akin pag tapos mona ang kwento. Makatutulong sayo ang pagbabasa para antukin ka at isa pa inumim mo ito." May inabot sya sa aking itim na bote, tiningnan ko ang laman sa loob at nakita ko na para itong ink.
"Ano po ito dok, bakit kulay itim?"
"Wag kang mag-alala ligtas yan inumin yun nga lang ay maahihilo ka sa una mong inom. Galing pa iyang Canada, nakita mo naman sa bote diba AFD approve. Inumin mo iyan ng unti unti bago matulog."
"Sigeh po dok, so magbabasa po ako ng libro at iinumin ito tama?"
"Oo tama" sigeh na pwede kana umalis at bumalik ka pag tapos muna ang kwento.
Nagpaalam naman ako sa kanya at bago lumabas ay napatingin ako sa singsing nya parehas ito ng paro-paro na nakikita k0 sa panaginip ko.
"dok saan nyo ho nabili ang singsing nyo?"
"ah eto ba? sa divisoria lang alam mo naman madami doong anik-anik diba" sabi ni dok. Nakakapagtaka naman pero kamuka nito talaga ang paro-paro sa panaginip ko.
_________
Naka-uwi na kami ni tita mula sa hospital, tiningnan ko ang relo mag-aalas syete na nang gabi ng maka-uwi kami dahil traffic nanaman dahil sa mga nagwewelga. Pagkakain namin pumasok na agad ako sa kwarto at uminom ako ng isang kutsara ng gamot na binigay ni dok. Kinuha ko ang libro at dumapa sa pink kong kama.
Tinitigan ko ang libro at hinawakan ang cover may nakapa akong isang matambot na bagay, hindi mo ito makikita agad dahil parehas lang ito sa kulay. Sinundan ko ang matambok na bagay gamit ang aking daliri at inimagine ko ang naladrawing sa front page.
May dalwang pakpak akong nakakapa at isang oblong na pahaba. May dalawang antena pa. " Bubuyog? Lamok? Langaw?" sabi ko at nag-iimagine.
Binuksan kuna ang unang pahina ng libro at nakasulat sa front page ang pamagat na "Million Rebbellion" Grave title palang ang nababasa ko pero gusto kona matulog. Napaka boring naman ng binigay nyang libro sa akin makaktulog talaga ako at mukang history pa ito.
Walang table of contenst ang libro at binuklat kona ang page 1. May petsa ito sa itaas na parang diary lang.
August 24, 1970
Unang araw ng eskwelahan at nakapasa ako sa pangarap kong school ang UST. Pinag-aaral lamang ako ng ate ko na nakapag-asawa ng americano na mayaman dahil ayaw nyang matulad kami sa kanya. Isa na ako BS Broadcasting student sa UST at kinararangal ko ito. Masaya akong pumasok sa klase at may katabi akong gwapo sa canteen. Nalaman kong sikat sya sa tiliian ng mga babae.
Sinundan ko sya at nakita ko ang locker nya. "R.J." Ang nakalagay dito. Nahuli nya naman akong ng bumalik sya sa locker nya at tinanong nya kung sino ako. Nagpakilala ako at sabi ko na naliligaw lamang ako at umalis na.
Yun lang ang nabasa ko sa unang page dahil inantok na ako at nakatulog.
BINABASA MO ANG
The Aesthetic Scandalous Girl
Historical FictionSi Nadiya Consulacion ay isang malas na babae, namatayan ng mahal sa buhay at ngayon ay namatay pa ng di sinasadya dahil sa pagkakadamay sa rally ng mga aktibista laban sa traydor na presidente ng bansa na si Rafael James Alcantara. Pagkamulat nya a...