Kababata 1: Paalam

24 1 0
                                    

Nakatitig ako ngayon sa muka ng aking pinakamamahal na tito na nagpalaki sa akin ng 14 na taon simula pagsilang ko. Tumulo ang luha ko sa kanyang kabaong. Sa huling pagkakataong ay pinagmasdan ko ang kanyang mala angel na muka.

"Tito bat mo naman ako iniwan agad? Lahat ng medal ko para sayo, diba yayaman pa tayo. Ipapagawa ko pa ang bahay natin at ipapagamot pa kita." Sabi ko sa kanya at humagulgol ng iyak.

Hindi ko parin matanggap na mawawala na sya, parang nung isang araw lang ay masaya pa kami nanonood ng tv ngunit paglingon ko ay nakahilata na sya sa sahig. Wala man lang akong nagawa bilang bata, kung marunong lamang ako mag CPR ay baka nasalba kopa ang kanyang buhay.

"Kasalanan ito ng paaralan at di man lang nila ako tinuruan mag CPR." Sabi ko at napasuntok sa lupa. Sinisisi ko nanaman ang wala kong kwentang buhay.

"Nadiya tumayo kana dyan at tatabunan na ng lupa ang kabaong ng iyong Tito Tarciano." Sabi ni Tita Eveng, tumayo ako at niyakap nya ako para gumaan ang aking pakiramdam. Ramdam ko naman ang pakikiramay sa akin ng aking mga kamag-anak sa kanilang pag-aasikaso ng lamay dahil hindi ko ito kaya gawing mag-isa sa aking murang edad.

Matapos ang paglalagay ng lupa, sa huling pagkakataong ay nagpaalam ako kay Tito. Nilagyan ko ng bulaklak ang kanyang puntod. Simula ngayon maninirahan narin sa amin ang masungit kong Tita Eveng. Mabait sya pero mahigpit di kagaya ni Tito.

Masakit Makita na wala kang magagawa sa mahal mo sa buhay dahil isa ka lamang bata. Sana ako nalang ang doctor na gumamot sa kanya. Di ko maiwasang isipin na tuluyan syang namatay dahil hindi magagaling ang mga doktor na gumamot sa kanya o pera lamang ang habol nila sa mga pasyente at hindi ang magsalba ng buhay.

Hiningan kasi si Tita ng hospital na yun ng 500k thousand na pera pambayad kahit na wala naman nangyari at hindi naman nabuhay si tito ko. Masakit dahil sunod sunod ang problema.

Tatandaan ko ang mga pangalan nyo Dr. Nessi Kang, hindi ko maiwasan magalit sa kanya dahil andami nyang siningil sa aming pamilya. Hindi na ba nila naisip ang aming sitwasyong walang pera.

"Walang kwentang doktor." Sabi ko at napahagulgol nalang sa sitwasyon ko Ngayon.

Fuck you two. Dapat sa inyo mawalan ng lisensya. It's your fault.
_________

9 Months Later...

Tumagal na ng siyam na buwan sa loob ng kwarto ko na lagi nalamang madilim simula ng mawala si Tito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tumagal na ng siyam na buwan sa loob ng kwarto ko na lagi nalamang madilim simula ng mawala si Tito. Hindi katulad dati ay hindi nadin ako active sa social media, napagod ata ako at na drain ng sobra.

"Nadiya sinasapian kana ata ng demonyo buksan monaman ang Ilaw sa kwarto mo. Isang taon kanaang ganyan at labis na bumaba ang mga grades mo. Ano ba Maria? Uulit kapa tuloy ng isang tao samantalang ang mga kaklase mo ay nakapasa na ng University." Sabi ni Tita sa akin nakapamewang sa pinto.

Labis na akong niligaw, nawala sa realidad at gabi gabi ko na lamang iniisip at sinisisi ang kung sino sinong tao kung bakit namatay si Tito at kung bakit hindi na kami mayaman. Pati ata si Tita at Mama na domestic helper sa Jordan ay nasabihan kona ng masasakit na mga salita.

"Sorry" yun lamang ang nasabi ko at niyakap ako ni Tita. "Kung maibabalik kolang ang kahapon, at kung mawala lamang ang mga mapang-abusong tao sa taas di sana ganito ang buhay natin" Sabi ko kay Tita.

"Magmove-on kana Maria, wala na tayong magagawa. Nangyari na ang masama kahit na mali ito. Ang buhay ay puno ng iba't ibang tao na akala mo ay magaling at katiwa-tiwala dahil sa kanilang imahe ipinapakita sa atin ngunit sa likod ay naroon ang katotohanang wala silang nagagawang pagbabago, at hindi mararamdaman mo na lamang ito sa iyong araw-araw na buhay ng hindi mo napagtatanto."

Sabi ni Tita alam ko ang mga sinasabi nya mula ito sa libro na sinulat ng aking ama na may pamagat na "Sa Mata ng Agila".
Tungkol ito sa mga experience ng aking ama sa politika na kaniyang pinublished noong sya ay isa pang senador at bata pa. Napahagulgol na naman ako dahil hindi ko matanggap ang sitwasyon namin ngayon, patay na si papa at si Tito Tarciano.

Isang retired lawyer si Tito Tarciano at si Papa, at simula ng mawala sya ay nagsara narin ang mga negosyo nya gaya ng law firm dahil walang ng tiwala sa amin ang mga tao. Isa pa silang backstabber, pag di na kailangan ay itatapon na nila kami na para lang kaming laruan. Matapos silang bigyang trabaho ni Tito ay sila pa ang sumira sa firm ni Tito at papa .

"Tama na Nadiya, Wala na tayong magagawa. Ang diyos na ang bahala sa mga susunod nating araw." Sabi ni Tita Eveng. Iniwan nya na ako sa kwarto dahil gabi na. Binuksan nya ang Ilaw para di daw ako sapian ng demonyo.

Hindi ko alam kung ano pa ang darating sa mga susunod kong araw. Ang alam ko lamang ngayon at nararamdaman ay pighati. Wala akong maiisip na dahilan upang tumawa at ngumiti at tanging pag-iyak lang ang nagpapagaan ng aking loob.

Nakaidlip ako mga 1pm na, dahil naisip ko parin ang buhay ko ang mga nasayang na panahonko at mga taong trumaydor sa amin.

The Aesthetic Scandalous GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon