July 22 ngayon ng umaga at balak kong mamasyal mag-isa sa labas dahil wala si tita at sobrang boring na ako mag-isa sa bahay. Lumabas ako suot ang aking red na blue na hoodie, pants na denim at white croptop. Tinali ko ang buhok ko pamessy bun at sinuot ang bago kong biling sapatos na nike na kulay puti.
Magpupunta ako sa Mall of Asia ngayong July 22 para manood ng paborito kong kpop idol na si UI sa kanyang concert. Nagpaalam naman ako kagabi kay tita at pumayag sya kaya ko naman mag-isa at madalas ako magtravel alone dati. Natigil lang noong namatay si tito.
Nagcommunite lang ako sa isang LRT papunta sa concert at sumakay ng taxi. Mahal pa ang siningil sa akin ng driver pero okay lang baka wal na syang makain kagaya namin. Inipon kolang talaga ang pera ko pambili ng ticket.
Tiningnan ko ang bag ko at nakita ko doon ang cellphone ko,wallet ko, ang gamot na binigay ni dok monica at ang diary. Huh? Bakit nandito ang diary at gamot? Nilagay koba ito dito, hindi ko naman matandaan.
Pumunta na ako sa concert areaat umupo sa middle seat. Masaya akong nakita si UI at nakinig sa mga kanta nya. Binibigyan ako nito ng pag-asang mabuhay dahil na-iinspired ako sa kanya. Napakaganda nya pala talaga sa personal pati ang kanyang boses.
Dumaan ang maraming kanta at nakikanta lang din ako. Masayang masaya ako. Hanggang natapos na ang concert ni idol. Sa mga kanta nya ay naalala ko ang dati kong buhay noong buhay pa si tito, bigla ko tuloy sya namiss.
Gabi na natapos ang concert at gabi narin ako nakalabas sa dami ng tao. Mag-11pm na at madilim na ang paligid, pila din ang mga sakayan sa taxi. Nagugutom ako kaya naman naiisipan ko munang magdiwata pares.
Sumakay ako ng taxi at ng may naabutan akong nagrarally. Peste naman 11pm na nakaharang pa sila sa daan. Nakhahanda ata sila para sa rally nila sa umaga. "Mygod Cassy, buti nalang nakarubbershoes ako ha." Napilitan akong bumaba at maglakad na lamang papunta sa Diwata pares.
Nang makalapit ako sa mga aktibista ay nakita ko na natutulog sa sahig na may karto ang ilan. Naalala ko ilang araw narin na araw-araw ibinabalita ang mga rally sa tv. Habng ako ay pinapagaling ang sarili ko ay sila naman ay nagrarally sa mga ipiglalaban nila sa gobyerno. Minsan naawa din naman ako sa kanila kahit na masama ang tingin sa kanila ng mga normla na tao na natatakot sa kanila.
Gusto nila paalisin sa pwesto si presidente Rafael dahil sa pagiging madugo nito, madaming drug lord or suspect kasi ang namatay sa nakaraang tatlo nyang termino. Ang kanyang war stop drugs ay nabatikos ng mga professional at scholar sa dami ng mga namatay. Iba-iba ang opinyon dito ng mga tao.
Pero ang isa pa kontroversyal ay ang napapabalita na mayroon daw itong secret treaty sa China kung saan sinasabing pinagbibili nito ang Pilipinas sa Chinese dahil isa itong Chinese spy nanaluklok sa pwesto.Dumami ang mga Illegal na POGO sa bansa at mga chinese na dahuyan. Lumakas din ang proteksyon ni Presidente Rafael dahil sa chinese kaya di sya madali mapaa-alis ng mga aktibista.
Minsan gusto ko man tumulad sa mga aktibistang ito dahil tutol din ako sa nagyayari sa bansa ay di ko magagawa dahil kasalukuyan akong nasa therapy session at bantay ako ni Tita Eveng.
Tinitigan ko muli ang mga aktibista at sa moment na iyon ay ramdam ko ang kanilang malasakit sa bansa.
Maya-maya pa ay nagkagulo ang mga tao. Ang mga aktibista at dumadaan ay naghalo-halo na sa paligid ng may marinig silang putok ng baril at mga sasakyan. Napahalo ako sa kanila na para bang kasapi nila ako.
Bumaksak ang isang babae sa harapan ko natakot naman ako at napa-atras. Kitang kita ko ang mga sundalo at police na chinese at filipino na hinihila papasok sa sasakyang ang ilan sa mga tao na naroon.
"Hindi po ako aktibista maniwala kayo sa akin, napadaan lamabng ako dito" sabi nung isang babae sa di kalayuan ngunit di naniwala sa kanya ang mga police at sapilitan syang sinakay sa sasakyan.
Maya maya pa pinakawalan nila ang walong Knine na aso at ang isa ay tumakbo papunta sa akin. "Shit" sabi ko at dali dali tumakbo, di ko alam kung saan ako puppunta pero nakita ko ang ilog. Wala na akong ibang makitang paraan dahil napapalibutan na kami ng mga sundalo at police, hinahabol din ako ng isang knine na aso kakagatin ako nito ang ilog nalang ang tangi kong pag-asa.
Tumakbo ako ng mabilis sa tabi ng tulay Ng Jones' Bridge at tumalon sa ilog ng Pasig. Maalam ako lumangoy, ngunit di ko ma-igalaw ang aking katawan pagkalaglag ko sa ilog hanggang sa unti-unti na ako mapunta sa ilalim at mawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
The Aesthetic Scandalous Girl
Historical FictionSi Nadiya Consulacion ay isang malas na babae, namatayan ng mahal sa buhay at ngayon ay namatay pa ng di sinasadya dahil sa pagkakadamay sa rally ng mga aktibista laban sa traydor na presidente ng bansa na si Rafael James Alcantara. Pagkamulat nya a...