Bryle POV
"Bryle! Bryle!" nagising ako dahil sa malakas na katok galing sa labas ng kwarto ko.
"Kuya gising na! andito si kuya Mark!"
Dali dali akong bumangon at dumiretso sa banyo ng kwarto ko. Naghilamos ako at nag toothbrush naren. Bago lumabas ay nagsuklay muna ako para maayos ang itsura ko. Pagkalabas ko ay hindi ko na sila naabutan sa labas ng kwarto kaya bumaba nalang ako.
"Mark! andito na si Bryle!" sigaw ni mama. Bumaba ako para kumain muna ng almusal.
"Bryle bilisan mo kumain sunduin natin si Alfred hindi kase sya pinapayagang gumala."
"Teka lang naman wala pa nga akong nasusubo e!" reklamo ko.
"Sige na nga, try ko ipaalam si Alfred tapos dito na kami didiretso."
Ipinagpatuloy ko lang ang pag kain ko, nakakatuwa panoorin si Bhea mag laro. Isang taon palang si Bhea kaya hindi pa sya nakakagala. Halos ilang taon narin kaming magkaibigan ni Mark, magkalapit din ang mga magulang namin kaya naging close din kami. Pati ang kapatid ni Mark na si Angela ay malapit din saakin.
"Wighn! andyan ba si Mark? oh Bryle kakagising mo lang?" si tita Vivian, nanay nila Mark. Dito iniiwan saamin ang magkapatid dahil nagta-trabaho sya sa isang mayaman na pamilya, sikat din ang pamilya na yun.
"opo, ginising ako ni Mark."
"Oh nasaan ba si Mark?"
"nakila Fred po."
"Ah sige iiwan ko na dito si Maevie pati yung pera nila Mark ah. Wighn! iiwan ko na dito yung mga bata ah!"
"Sige lang Yan! andyan naman si Bryle."
Nang umallis na si tita Vivian para magpunta sa trabaho, dumiretso si Angela kay Bhea may dala pa itong laruan katulad ng kay Bhea. Tuwang tuwa naman si Bhea dahil may kasama na syang mag laro.
Lumipas ang mga taon tulad parin kami dati, nasa kotse kami ngayun ng tita nila Mark, hindi namin kasama ngayun si Alfred dahil nag out of town silang pamilya. Habang nag da-drive ang tito ni Mark ay naglalaro kami ng online games. Laking gulat namin nang bilang nalang bumilis ang takbo ng kotse at nag umpisa ng mag panic ang tito ni Mark.
"Tito ano pong nangyayare."
"ba-bangga tay---!"
******
Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko, may umiiyak iminulat ko ang mata ko para malaman kung sino iyon. Si mama. Pulang pula na ang mukha nya sa sobrang iyak, nung una hindi nya napansin na gising na ako pero hindi nag tagal ay napansin nya din.
"Bryle anak! gising na si Bryle!" lumapit saakin si mama at niyakap ako hinalikan nya rin ang noo ko.
"Ma, asan po si Mark at yung tito nya?" nahihirapang tanong ko, nakakaramdam na ako ng sakit sa katawan.
Nagulat ako nang lalong humagulgol ng iyak si mama, nakarinig din ako ng isa pang naiyak. Ipinaling ko ang ulo sa bandang kanan ko at nakita ko si tita Vivian na grabe din ang iyak. Ano bang nangyare kay Mark?
"Ma....nasaan ang kaibigan ko?" pag ulit ko.
Lumapit saakin si tita Vivian at hinawakan ang kamay ko, ng mahigpit. Lumapit sya saakin at mag sinabi. "Bryle, nasa malayo na si Mark."
"ano po?" naguguluhang tanong ko.
"Bryle hindi mo po maiintindihan, siguro sa susunod nalang."
Hindi ko nalang sila pinansin dahil naguguluhan lang naman ako, at dahil nakaramdam ako ng konting pag kahilo ay umidlip muna ako. Halos ilang linggo din ako sa Hospital at ilang linggo ko ring hindi nakikita si Mark. Namimiss ko ng may kalaro.

YOU ARE READING
My Worst Nightmare - SA
Fiksi UmumThis is a story about a woman who experienced all the hardship in her whole life, she got abused by her father, stress because of her mother, and trauma because of her own family. She's a loner in school, but when she's already in her high school sh...