Hibang na pag-ibig

2 1 0
                                    

Araw ay namumulag ng siya ay makita
Nining sa kanyang mga mata'y animong nahulog na tala.
Sa hanging walang ibang dala kundi polusyon
Mahalimuyak niyang amoy na mahahalintulad sa pabangong naka kahon.

Noong una pa lamang alam ko na
Puso ko'y nabihag na niya.
Ito na ba ang tinatawag na love at first sight?
Ah basta, alam ko he's the only one I like.

Sa ilang araw kong pagsubaybay sa kaniya
Kanyang pangala'y nalaman ko na.
Hindi ko maitatanggi na siya'y napaka bait
Sa kilos at pananalita pa lamang ay sobra na ka sweet.

Umabot na sa puntong magkakilala na kaming dalawa
Sa sandaling pag-uusap namin ay mas nakilala ko kubg sino sya.
Hanggang sa naging close na kaming dalawa
Nag-udyok iyon upang lumalim ang pagmamahal na aking dala.

Araw araw diko maiwasang ma overthink
Eh gusto ko lang naman ng mga yakap niya't halik.
Abot tenga ang aking ngiti pag clingy sya
Pero teka, baka ako lang nagbibigay ng meaning sa mga ginagawa niya.

Humantong na sa punting ako'y umibig
One sided love ito, oo diba? Siya'y napaka manhid
Wala na akong magagawa kung hindi niya ako magugustuhan
Ang nais ko na lang ay matauhan na ako sa aking kahibangan.

~Yang♡

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 19 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PoemsWhere stories live. Discover now