Risa.
Kasalukuyan akong nakatitig sa kisame, natutuliro sa mga katagang iniwan ni Loren. Paano nga kung ako na ang gumawa ng sarili kong imbestigasyon. Bilang ako naman ang nangunguna sa paghawak nitong mapang-abuso sa kapangyarihan na si Guo.
Kung alam mo lang Mayor Alice you're a curse. Isa kang malaking sumpa sa bayan ko. Pinaglalaruan mo at ng mga kasamahan mo ang mga Pilipino. Pinaglaruan mo ang mga taong bayan sa Bamban. Ininsulto mo ang kanilang pagkatao at pati na rin ang pagiging isang TUNAY na mamamayang Pilipino.
₊✩‧₊˚౨ৎ˚₊✩‧₊
Alice.
Habang nagbabasa ang alkalde ng mga balitang naka-kalat sa ibat ibang plataporma ng hatirang pang madla ay hindi niya maiwasang sumagi sa kaniyang isipan ang mga bagay-bagay.
Inaamin ko ang pagkakamali ko, ang desisyon kong pagtakpan ang negosyo ng tatay ko. Ang desisyon kong masangkot at palitan ang tunay kong pagkakakilanlan. Pinagsisisihan ko ito. Pinagsisisihan kong naging mali ang paraan ko. Pero tao lang ako, taong nagmamahal at nasasaktan.
Bukal sa aking puso ang pag-tulong sa aking mga kabamban, tunay na minahal ko ang bayan ng bamban. Dito ko napagtanto na hindi sapat ang pagiging mayaman lang. Na hindi sapat ang pagiging makapangyarihan lang.
Hindi ako kaaway o espiya katulad ng mga hinala at haka-haka nila. Sa totoo, hindi ko gusto ang pangwawalanghiya ng tsina sa Pilipinas ito ay isang malaking banta para sa AKING bayan.
Patuloy akong nag i-scroll sa facebook, bilang ito ang kaisa-isang social media ko na hindi ko pa dini-deactivate. Habang nag s-scroll ako ay dumaan sa aking feed ang post ni Senator Risa Hontiveros. Ito ay patungkol-of course sa akin. Naglalaman ito ng pahayag niya. Or should I say pang-aasar.
"Sino ba namang tao, ang hindi naturalesa na kapag tinanong mo.. 'o anong memories mo nung bata ka?'
na- kusang lalabas 'yun. 'di mo nga mapigilan kasi ang dami dami mong naaalala. Honestly, ngayon lang ako nakakilala ng taong walang makwentong specific, makulay, or even nakakatawang alaala sa pagkabata. So lalo lang lumalim yung misteryo sa pagkatao ni Mayor Alice Guo." Ayon sa pahayag ni Hontiveros na halos ang boses ay mapang-asar at nakaka insulto.Your honor hindi mo gugustuhin marinig ang childhood ko. Hindi mo gugustuhing malaman na kahit 1k ang baon ko araw-araw sa tuwing papasok ako ay nanghihingi ako ng pencil at erasers. Kasi sa totoo wala akong barya. At kapag hindi ako binigyan ay mangungurot ako. At take note, hindi lang iyon. Kumakain rin ako ng kiat-kiat habang nagka-kaklase.
Kung bakit ba gustong gusto mo malaman ang pagkatao ko? Kung bakit ba fixated ka sa akin? Crush mo ba ako?
Kung bakit ikaw ang nangunguna para imbistigihan ako? Mahal mo na ba ako?
Sayang ka. Maganda pero masungit. Pass. Out of my league.
₊✩‧₊˚౨ৎ˚₊✩‧₊
Isang malamig na simoy ng hangin na nagmula sa bukas na bintana ang dumampi sa aking balat, ito na ang araw para harapin ang mga kabayan o ang aking mga kabamban, matapos ang mga nagsilabasan na mga kontrobersya patungkol sa akin.
Agad ako at ang aking team ay tumungo sa court kung saan parating nagaganap ang mga pagtitipon.
Sa biyahe, nakita ko ang mga puting tela, tarpulin, banner, at ilan sa aking mga kabamban. Sa mga puting tela, tarpulin, banner nakatala ang kanilang suporta sa kabila nang kinakaharap kong kontrobersya. Tunay na tapat ang kanilang hangarin at kalinga.
YOU ARE READING
Delicately Your's
Fanfictionsatire at its finest 🤙‼️ Pag-ibig laban sa bayan. Ang pag-ibig at bayan ay dalawang makapangyarihang puwersa na magkasalungat ngunit parehong mahalaga sa buhay ng tao, kabilang na rito ang mga lider ng bayan tulad na lamang ng Senador na si Risa Ho...