Chapter 9

7 1 0
                                    

Sampung taon na ang nakakaraan, sa gubat na 'yon na likod ng bahay bakasyunan namin. Dapat ay magsasaya lang kami ngunit napalitan 'yon ng isang trahedya. Naglalaro ako ng bolang binili namin sa bayan, sinipa ko 'yon nang malakas at sa hindi inaasahan ay napunta 'yon sa direksyon ng gubat...tumatalbog at pagulong-gulong.

Madilim ang gubat na 'yon na hindi nasisinagan ng araw, nagtataasan ang matatandang puno, at sa loob ay may kakaibang presensya na tila nagyayaya sa aking pumasok. Napahakbang ako patungo sa gubat hanggang sa napatakbo na papasok dito. Sinundan ko ang bola hanggang sa bumanga ito sa isang puno at tumigil.

Lalapitan ko na sana 'yon nang biglang...sa likod ng puno ay may kulay itim. May ulo 'yon ngunit walang muka, may kamay at paa ngunit itim lang ang buong katawan nito...hindi kulay abo kundi itim---kadiliman. Bata pa 'yon, kasing katawan ko lang at para lang akong nagsasalamin

Hindi ako nakadama ng takot at nabighani pa ako sa ganda nito. Gusto ko ito lapitan at hawakan. Niyayaya ako ng presensya nito na para bang hinihila ang katawan ko na lumapit pa. Nakipagusap ako dito ngunit hindi ito sumasagot. Pinulot ko ang bola na nasa paanan na nito at nakipagusap pa, "Ako nga pala si..." hanggang sa...

"Emma!" tawag sa akin ng isang boses, boses 'yon ni Mama at hinahanap na ako nito.

Nagpaalam na ako sa kausap ko at tumakbo papalayo bago lumingon muli at sabihang babalik ako bukas.

Dumaan ang mga pangyayari, nakuha ko ang bola at nakauwi sa bahay. Hindi ko sinabi kay mama at papa ang nangyari. Mag-isa lang ako sa kwarto ko noong gabing 'yon at hindi ako makatulog. Nakatingin ako sa kisame ko at nakahiga bago kotuluyang mapagdesisyonan na tumayo. Nalakad ako patungo sa bintana at sumilip...dito...nakatingin ito sa akin...ang kausap ko kanina sa gubat na kulay itim. Kumaway ako dito at kumaway din ako pabalik. Napangiti ako dahil doon at napagdesisyonang lumabas...at makipaglaro dito.

Natatakpan noon ang liwanag ng buwan ngunit kahit na gano'n ay nakikita ko pa din ito. Tumakbo ako dito at niyakap ito nang mahigpit. "Tara laro tayo?" yaya ko pa sa kanya.

Hindi 'yon makapagsalita, wala 'yong bibig ngunit gano'n pa man ay naiintindihan ko ito.

"Wala kang katawan kaya hindi mo kayang makipaglaro?" paguulit ko sa sinabi nito sa akin.

Patuloy itong nakipagusap sa akin at nagpaliwanag...gusto nitong pumatay ako para magkaroon ito ng katawan.

"Ano?" tanong ko dito. "Gusto mo katawan ni mommy o ni daddy? Pero hindi ko 'yon kaya gawin. Love ko sila, hindi ba pwedeng iba na lang?"

Sinabi sa akin nito na pwedeng ibang tao...ngunit bata ako noon at wala akong balak pumatay.

"Wala bang ibang paraa?"

Sumagot ito sa akin...

"Katawan ko?"

Ika nito sa akin na pwede ang katawan ko ngunit kailangan ko munang mamatay para mangyari 'yon.

"Pero ayaw ko pang mamatay..." ika ko naman.

Wala itong ekspresyon sa muka ngunit alam kong galit ito.

"Alam ko na!" may ideyang pumasok sa aking isip. "Pwede ka na magkaroon ng totoong katawan kapag namatay na ako."

Natuwa ito sa sinabi ko at iniabot pa niya sa akin ang kamay niya.

Inabot ko naman 'yon bilang tugon.

Sa isip ko ay tinanong pa ako nito at sinabihang mangako.

"Oo na, sayo na ako. Sayo na ang katawan ko kapag namatay ako. Pangako."

Hindi ko dapat ginawa 'yon labing walong taon na ang nakakaraan. Hanggang sa ngayon ay pinagsisisihan ko pa din ang ginawa ko. Pagkatapos ng mga nangyari ay gusto ko na mawala sa mundong ito ngunit hindi maaari. Hindi ako pwedeng mawala dahil may pangako ako dito at kapag namatay ako ay kukunin niya ang katawan ko. Walang araw na hindi ko pinagsisishan ang ginawa ko. Araw-araw akong binabalikan nito na para bang multo. Kahit ano ang mangyari ay dala-dala ko na 'to habang-buhay.

Pagkatapos ko makipagkamay sa kanya ay nagbago ang anyo nito. Naging ako ito sa muka, pananalita, kilos, at damit. Para lang ulit akong nananalamin at sa puntong ito ay may salita ng lumabas sa kanya.

"Kung gano'n... hinding-hindi kita iiwan... Emma."

Hindi ko na alam ang mga sumunod na nagyari pero natatandaan ko pa na niyaya ko ito sa loob ng bahay namin at naglaro kami ng bahay-bahayan. Sa buong araw na 'yon ay madaming nangyari... hindi pa din malinaw sa akin lahat ng 'yon sa ngayon. Ang sumunod na lang na natatandaan ko ay tumatakbo si mama papalayo sa akinnaaalala ko 'yon kahit hindi ko na maalala ang muka niya. Tumatagaktak ang dugo nito sa daang tinatakbuhan niya. Kahit na nasa malayo ito ay dama ko ang bigat ng hininga niya. Pagkatapos ay nag punta kami sa bahay ni Aling Yori at ang sumunod na bagay na natatandaan ko ay...

Sakit...

TwinkleWhere stories live. Discover now