Chapter 14

9 0 0
                                    

October 4, 2023-kinahapunan

Alas dos ng hapong noon, tirik ang araw na damang-dama sa sinag na pumapasok sa nakabukas kong bintana. Ako lang ang mag-isang naiwan sa bahay. Umuwi si Bella sa bahay nila, ang paalam nito ay may kukunin lang at babalik din agad. Habang si Emma naman... umalis din siya pero hindi ko pinakinggan ang rason kung bakit, basta ang sabi niya ay babalik din siya dito mamaya.

Habang nakahiga sa kama ko ay biglang pumasok sa isip ko na napakaraming nangyari sa loob ng isang araw... hindi pa kamasam ang nakita ko sa nakaraan. Parang kahapon lang ng ganitong oras ay kasama ko pa si Von na bumili ng alak. Ano na nga pala ang ginagawa niya? Kumusta na kaya ang taong 'yon?

Gumapang ako papalapit sa may study table. Napakahirap gumalaw, bukod sa may sprain ang paa ko at nakasemento ang aking kamay. Naka patong din sa akin ang kumot na ani mo'y basing karpet sa sobrang bigat. Idagdag mo pa na nakahiga si Oro sa may paanan ko. Nang makalapit ako ay iniunat ko ang aking kamay gayun din ang aking katawan. Kaunti pa ay naabot ko na din ang cellphone ko.

Bago ang ganitong sitwayson na magiisang araw na ay wala pang chat si Von. Noong kasi ay oras-oras siyang nagcha-chat.

'Nagpapa-miss ka ba?'

Chat ko kay Von sabay tapon ng cellphone ko sa gilid ng kama.

TwinkleWhere stories live. Discover now