Chapter 8

4 4 0
                                    


October 3, 2023-kinagabihan

Noong gabi din na 'yon. Habang kumakain kami ni Bella ay nakatanggap siya ng isang tawag. Tumatawag ang tita nito, mama ni Arih. Laking gulat ni Bella na nadisygrasya daw ito.

"Emma kailangan kong umalis," ika nito pagkatapos niyang makipagusap sa cellphone. Nagaalala ang ekspresyon nito. "Tumawag sa akin si tita, si Arih daw naaksidente."

Agad itong tumayo at nagpalit ng damit. Nasa ospital daw sila ngayon at ilang oras na doon. Kailanagan daw muna nilang umuwi at kumuha ng mga gamit ni Arih. Malala ang kondisyon niya. Bali ang kanang kamay nito at may galos sa muka. Makaraan pa ang ilang minuto ay dumating na ang papa ni Arih para sunduin si Bella.

"Uuwi din ako agad pagkatapos ko bantayan si Arih." Paalam pa nito bago tuluyang umalis.

Ngayon ay magisa ko na sa bahay. Alam ko namang walang mangyayaring masama dahil sa bigay na proteksyon ni Aling Yori. Kahit na gano'n ay nakakanginig pa din ng tuhod, hindi ako nasanay na magisa at alam kong hindi ako masasanay. Alam kong kailangan kong matutunan maging magisa... dahil darating ang araw na, wag naman sana... ako na lang ang maiiwan sa aming lahat.

Habang nagliligpit ako ng pinagkainan namin ni Bella ay nakarinig ako ng katok sa may pintuan.

"Saglit." Ika ko dahil naka lock 'yon at hindi mabubuksan. Nagsara ako ng gripo at dali-daling nagpunas ng kamay. Patuloy lang ang katok at tila nagmamadali itong pumasok.

"Bella saglit." Ika ko dahil paniguradong siya 'to at may naiwang lang na gamit bago pumuntang ospital. Pag kabukas ko ng pinto ay agaran kong tanong, "May naiwan ka?"

Ngunit... sa laking gulat ko...

Walang tao sa labas.

Agad ko na isinara ang pinto at bago pa man tuluyang makalingon papaalis ay mayroon nanaman. Kumakatok ito at ngayon ay mabagal na ngunit mas malakas sa dati.

"Bella?" tanong ko dito ngunit hindi ito sumasagot.

Dahan-dahan akong lumapit sa pinto, hinawakan ang doorknob nito sa puntong 'yon ay biglang... nawala ang mga katok. Dahan-dahan akong inikot 'yon at sumilipi papalabas. Sa maliit na awang ng pinto ay nakita ko...

Wala ulit tao sa labas, walang kumakatok.

Huminga ako nang malalim at isinara muli ang pinto nang biglang... sunod-sunod na tunog ang umagaw sa aking pansin. Sa may kusina, naglalakasan na para bang sinasadya itong basagin. Kahit na malayo ako ay alam kong tunog 'yon ng mga plato. Kasabay nito ay ang isang malakas na kahol... si Oro, tumatakbo ito sa direksyon ko. Hinihila nito ang damit ko na tila niyayaya ako sa labas ng pinto. Wala akong magawa, alam kong kailangan kong umalis ngunit hindi ako makagalaw... hindi ko din maalis ang mga mata ko sa gawi ng kusina.

Mabilis na ang kalabog ng aking dibdib nang bigalng... tumigil ang sunod-sunod na tunog ng palong nababsag. Katahimikan ang bumalok sa paligid at...

Isang malakas na tili ang bumalot sa palig at nang gagaling 'yon sa may kusina. Nagtaasan lahat ng balahibo ko at nanlamig ang buo kong katawan. Ako lang ang tao sa loob ng bahay kaya imposibleng makarinig pa ako ng ibang boses. Sa puntong ito ay naramdaman ko ang pangil ni Oro sa aking balat rason para makagalaw ako sa pagkaka estatwa at makalabas ng pinto.

Tumakbo kami papalabas... kahit saan basta malayo. Sa puntong 'to ay napatanong na ako sa sarili ko.

Bakit ito nangyayari?

Hindi na ba umuubra ang proteksyon na bigay ni Aling Yori?

Sino pa bukod kay ate at Bella ang nadamay na?

Napatingin ako sa singsing na suot ko habang tumatakbo at sa laking gulat ko...

Kalian pa?

Hindi ito ang singsing na bigay sa akin ni Aling Yori. Isa 'tong replica. Paano at kalian pa ako nagsusuot ng peke?

Luminon ako sa pagkakatakbo...

Walang tao sa paligid. Nasa gitna ako ng kalsada ngayon at ang tanging nakapaligid lang sa akin ay ang mga bahay na ani mo'y walang nakatira. Napatingin ako sa ibaba, sa may gilid ko ay nandito pa si Oro na kalmado na. Kinuha ko sa bulsa ko ang cellphone ko at tumawag. Buti na lang ay agad itong sinagot ni Bella.

"Nasaan ka na?" agarang tanong ko dito na hinihingal pa.

"Ha?" nagtatakang tanong nito. "Nasa sasakyan pa. Bakit?"

"Nawalala yung singsing ko..."

"Ha?"

"Sinusundan niya ako Bella... Malaya na ulit siya."

"Sinusundan nino?"

"Sinusundan ako ng isa pang Emma."

"Teka," sambit nito. "hindi kita marinig nang maayos."

"Sinusundan niya ako pero nawala din siya agad noong umalis ako sa bahay."

"Wala akong maintindihan."

Tumingin muli ako sa paligid. Kung wala ito at hindi na ako sinundan, kung wala din ito at hindi malapit kay Bella... Sino pa ang pwede niyang puntahan? Sino pa ang mga nadamay?

Nanlaki ang mata ko at napaisip...

"Bella... may naiwan bas a tabi ni Arih?"

Katahimikan ang bumalot sa kabila ng teleponong hawak ko.

"Wala... kakauwi lang ni tita at kasama ko ngayon si tito papunta sa ospital." ika nitong nababalisa ang boses. "Bakit may mangyayari bang masama?"

TwinkleWhere stories live. Discover now