ARRONE JHAYDEN OLIQUINO WEIZLER
Anim. Anim na lalaki na ang napapabagsak ko pero parang hindi na sila nauubos. I curse inside my mind dahil masakit na ang kamay ko kakasuntok.
Ano ba kasing ginagawa ng babaeng 'to dito?
"Arrone, sa likod mo!" Rinig kong sigaw niya pero pabagsak na ito bago pa man ako makaharap.
"Okay ka lang ba?" Tanong ko sa kaniya, tumango naman siya bilang tugon.
Mukhang wala ng kalaban. Nagpalinga-linga muna ako sa buong paligid para masiguradong wala ng magtatangkang lumapit sa amin.
"Bakit ka ba kasi nandito?!" inis na tanong ko sa kaniya nang makalabas kami sa isang night club.
Napabuntong hininga na lang ako nang wala akong natanggap na sagot mula sa kaniya.
"Ano bang trip mo?" tanong ko ulit. "Hindi mo ba alam na pwede kang mapahamak sa ginawa mong 'yon?!"
"Heather, nakikinig ka ba?!" may halong inis ang boses ko.
"You don't understand," mahinang sagot niya.
"Kaya nga tinatanong kita, paano na lang kung hindi ako nagpunta dito, gusto mo bang maging biktima ng gangbang?" Tanging iling lang ang natanggap ko mula sa kaniya.
"I-i can handle myself." Tumingin ito sa akin, trying to act tough.
"Hindi mo sila kilala, Heather!" Bahagyang napataas ang boses ko dahil sa inis.
"M-may pakialam ka rin pala sa akin." Unti-unting namuo ang luha sa gilid ng lasing na babaeng kaharap ko kasabay ng pagsilay ng isang mapait na ngiti mula sa labi niya. "Ganito ka rin ba do'n sa babaeng kayakap mo kaninang umaga?"
Napakunot ang noo ko nang sabihin niya iyon.
"Paano mo nalaman ang tungkol do'n?" tanong ko.
"It doesn't matter how, answer my fre*king question." Buong diin niyang sabi sa akin.
Ano bang nangyayari sa kaniya?
"No." I bend my body to level with her height.
"But you love her, right?" tanong muli niya.
"Well yes... she's my bestfriend, of course I love her as friend." I tap her nose using my index finger.
"Sinungaling ka!" bulyaw niya sa akin at tinalikuran ako.
What's wrong with this woman?
"Jealous, Miss Heather?" Pang-aasar ko sa kaniya.
"What the f*ck?!" biglang sigaw nito at humarap sa akin.
I can't help but to smile with this behavior of her. I didn't know na pwedeng maging ganito kacute ang kagaya niya. I thought she only has that seductive behavior and presence but this woman in front of me is totally different.
"Chill, nagbibiro lang ako." Natatawang sagot ko at sinalubong ang matatalim niyang tingin.
D*mn this woman.
"It's not funny," sabi nito at nagmake face.
What now, Arrone?
"You know what, it's late, tara na, iuuwi na kita." I was about to carry her nang humakbang ito paatras.
"Subukan mong lapit susuntokin kita!" banta niya. "Get lost, do'n ka sa BESTFRIEND mo!"
I'm speechless. Nagseselos ba siya or sadyang lasing lang? Sa pagkakaalam ko kasi walang kami. Hindi rin niya ako gusto.
"Why are you acting jealous?" Pinilit kong maging maingat sa bawat salitang sasabihin ko dahil baka lumala ang sitwasyon at layasan ako nito. Lasing pa naman siya.
"I said, I'm not jealous!" tanggi niya. "Sino ka ba sa buhay ko?!"
Bigla akong natigilan nang itanong niya sa akin ang bagay na iyon.
"Can't you see this thingy?" Itinaas niya ang kamay niya na may nakasuot na engagement ring. "Ikakasal na ako, Arrone, so don't expect na nagseselos ako dahil hindi kita mahal!"
I don't know why but it feels like a bullets shoot my heart. Para akong binaril at pagkatapos ay sinaksak ng paulit-ulit.
I-ikakasal na pala siya?
"Kahit ano pa 'yan, I have to take you home, Heather, hindi kita pwedeng iwan dito." Muli akong lumapit sa kaniya at pilit siyang binuhat.
Noong una ay nahirapan pa ako dahil nagpupumiglas ito pero hindi rin iyon nagtagal. I place here on the backseat and fasten her seatbelt before I went on the driver's seat. I look at the reflection of her beautiful face from the rare view mirror before I start my engine.
Bakit ba ako nasasaktan?
I should be happy that she's going to be married. I'm gay. I'm only interested with boys. Hindi ako interesado sa kahit sinong babae. Hindi ako interesado sa kaniya.
Why do I f*cking feel this pain after knowing that she's already engage?!
Muli kong sinilip ang repleksyon niya. She's asleep. Sobrang payapa ng mukha niya kapag tulog. Hindi mo aakalaing may kakaiba itong presensya na tnataglay kapag gising siya.
Kinabukasan, maaga akong nagising sa ingay ng dalawang babaeng nagtatawanan mula sa kusina. Sandali ko lang silang sinilip bago bumalik ulit sa kwarto ko.
It's ate with Heather.
Mas pinili ko na lang magkulong ulit sa kwarto ko. Hindi ako lumabas hanggang hindi umaalis si Heather.
"Arrone!" Ilang sunod na katok ang narinig ko. "Uuwi na daw si Heather."
I didn't give her any response and act like I'm still sleeping. Sa hindi ko malamang dahilan, biglang gusto ko siyang iwasan at hindi kausapin.
I spent my time watching the nature on the river side. Gusto kong lumayo muna sa lahat ngayon. I want to forget everything today. I sigh heavily as the picture of her hand wearing an engagement ring flashbacks on my mind. Sa totoo lang naguguluhan na rin ako sa sarili ko. My mind is full of questions. Mga tanong na pilit kong iniiwasan ang mga posibleng sagot.
Paano kung mahal ko na nga talaga si Heather?
I laugh with my own thoughts. That's obviously impossible. Bakla ako at hindi na iyon mababago.
Pero...bakit ganoon na lamang ang sakit nang malaman ko ang tungkol sa nalalapit niyang kasal?
Muli akong bumuga ng hangin. Ipinikit ko ang mga mata ko at dinama ang malamig na hanging dumadampi sa balat ko.
I can't fall in love with her.
"Arrone?" A familiar voice suddenly called me so I open my eyes and turn my gaze to see who's the owner of that voice. "S-sabi ni Ate Che, iniligtas mo raw ako kagabi."
Muli akong umiwas ng tingin sa kaniya.
"May nasabi ba akong hindi mo nagustuhan?" tanong niya pero hindi ako sumagot. "If meron man, I'm sorry, sorry rin kung palagi kang napapahamak dahil sa akin, thank you rin pala."
Pinilit ko ang sarili kong hindi lumingon sa kaniya dahil alam kong bibigay na naman ang t*ng* kong pakiramdam sa oras na salubungin ko ang mga tingin niya.
"Don't mention it." Malamig ang boses ko at nanatili akong nakatalikod.
"Hays, napakasungit mo, bahala ka nga riyan!" Biglang nagbago ang tono ng boses nito.
The next thing I hear is her footsteps walking away from me again. Hindi ko na naman tuloy mapigilang hindi manghina. I always felt this sh*ty inside me everytime she walk away. Kahit ilang beses na niya iyong ginawa.
Mahal na nga yata kita.
BINABASA MO ANG
Sin With Me(Billionaire Series #2)
RomanceSabi nila, kapag mahal mo, handa kang tanggapin kahit na ang pinakamasamang parte ng kaniyang pagkatao. Ngunit paano kung ang taong nakatadhan mong mahalin ay ang siyang magdadala sa iyo sa kamatayan? Handa mo rin bang ipagpatuloy ang pag-ibig na ma...