Kabanata 9

1 0 0
                                    

MIGUEL'S POV

Halos paliparin ko na ang sasakyan patungo sa hospital nang nabalitaan ko na inaatake na naman si Michelle sa puso. Nag-aalala ako para sa aking kapatid. Kanina lang ay kausap ko siya.

Nanginginig ang aking mga kamay habang nagmamaneho ng sasakyan. Malaking pera ang kakailanganin ko para saoperasyon ni Michelle. Hindi ko pa nakausap si Sir Samson kung pwede ba akong mag-cash advanced sa kaniya dahil kasisimula ko pa lang sa trabaho at liliban na ako agad.

Alam ni Sir Samson ang tungkol sa kalagayan ng aking kapatid. Nagpapasalamat ako sa kaniya dahil naiintindihan niya ang aking sitwasyon.

Dinial ko muli ang numero ni Mama. Pangatlong tawag ko na ito at hindi pa rin sumasagot ang aking ina. Nag-aalala ako kay Michelle. May sakit siya sa puso. Kailangan itong maoperahan agad.

Sumasakit na ang ulo ko sa kaiisip ng paraan kung saan ako kukuha ng pera. Hindi rin ako sigurado kung papayagan ako ni Sir Samson na mag-cash advanced sa kaniya.

Mabilis akong tumakbo papasok ng hospital pagkatapos kong i-park ang sasakyan. Dinial ko muli ang numero ni Mama habang nagmamadali akong naglakad patungo sa ikalawang palapag. Napamura ako nang hindi ko na ito makontak. Luminga-linga ako sa paligid at hinanap ang room number ng aking kapatid. Nang nakita ko ito ay mabilis akong tumakbo patungo sa room.

Pagpasok ko sa room ay boses ni Mama ang sumalubong sa akin. Nakaupo siya sa gilid ng kama ni Michelle. Umiiyak siya at hinahawakan ang kamay ng aking kapatid.

"Mama..." Namamaos na tawag ko sa kaniya. Pinunasan niya muna ang kaniyang mga luha bago lumingon sa akin. "Kumusta si Michelle?" Tanong ko nang tuloyan na akong nakalapit sa kanila.

"Sa awa ng Diyos bumalik na sa normal ang paghinga niya. Kanina nahihirapan na naman siyang huminga. Sumasakit daw ang dibdib niya." Sagot ni Mama at ibinalik ang kaniyang paningin sa kapatid ko na mahimbing ng natutulog.

"Kumain ka na ba, Ma? Ako muna ang magbabantay sa kapatid ko." Sabi ko sabay kuha ng pera sa aking wallet.

Ngumiti si Mama habang umiiling-iling. "Hindi ako nagugutom, Miggy."

"Kanina ko pa kayo tinatawagan at hindi ko kayo makontak. Akala ko kung ano na ang nangyari."

"Naubos ang baterya ng phone ko, Mig. Hindi ko nai-charge dahil binabantayan ko si Michelle." Sagot ni Mama at ipinakita niya ang kaniyang phone sa akin na walang baterya. "Mabuti naman at pinayagan ka ng amo mo na umabsent. Kasisimula mo pa lang sa trabaho 'di ba?"

"Nagpaalam naman po ako ng maayos. Alam din po ng amo ko ang sitwasyon ni Michelle. Susubokan ko rin bukas na mag-cash advanced sa kaniya pangdagdag sa operasyon."

Bumuntong hininga si Mama bago muling nag-angat ng tingin sa akin. "Maraming salamat, Mig. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung wala ka. Hindi rin ako makakapagtrabaho dahil binabantayan ko ang kapatid mo. Ang tatay mo naman ay hindi natin maaasahan dahil may bago na siyang pamilya."

"Ayos lang, Ma. Huwag niyo ng iisipin ang lalaking 'yon. Wala tayong mapapala kung lalapit tayo sa kaniya. Sa ngayon, uunahin natin ang kapakanan ni Michelle."

Niyakap ko ng mahigpit ang aking ina. Alam kong nahihirapan na siya. Gusto kong iparamdam sa kaniya na hindi siya nag-iisa.

"Kumain na po kayo, Ma. Ako muna ang magbabantay kay Michelle." Sabi ko at nilagay ang pera sa kaniyang kamay. "Hindi kayo pwedeng malipasan ng gutom. Kung nag-aalala kayo para kay Michelle, mag-aalala rin siya para sa inyo kapag nalaman niyang hindi ka kumakain ng maayos."

Suminghap si Mama at hinaplos ang kamay ng aking kapatid. "Kakain lang ako saglit, Mich." Sabi niya bago binitawan ang kamay ni Michelle. "May ipapabili ka ba sa akin, Mig?"

One Rebellious Night (Published on GoodNovel App)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon