Kabanata 6

8 0 0
                                    

Tanghali na nang nagising si Caroline. Wala siyang balak pumasok sa trabaho dahil makikita niya na naman ang mga magulang niya. Pagod na pagod ang kaniyang buong katawan. Gusto niyang matulog buong araw.

Ipinikit niya ang kaniyang mga mata ng may kumatok sa pintuan. Nagpanggap siyang tulog. Napakagat labi siya nang naamoy ang masarap na pagkain. Kahapon pa siya hindi nakakakain ng maayos.

Binuksan niya ang isa niyang mata at tiningnan kung sino ang nagdala ng pagkain para sa kaniya. Kumunot ang kaniyang noo dahil iba ang naghatid sa pagkain. Tinitigan niya ng mabuti ang binatang nakasuot ng black suit. 

"Breakfast in bed, Mahal na Reyna!"

Nagtiim bagang si Caroline nang nakita niya si Miguel na may hawak na food tray. Bakas sa boses ng binata ang pang-aasar sa dalaga.

"Get out! Hindi ako nagugutom!" galit na singhal niya sa binata habang nasa pagkain ang kaniyang paningin.

"Hindi ako aalis kung hindi ka babangon at kainin ang mga pagkaing inihanda ng cook niyo." Matapang na sabi ni Miguel at naglakad siya patungo sa kama ng dalaga.

"Baka nakalimutan mong personal bodyguard ka lang at wala kang karapatan para pumasok sa kuwarto ko!" Asik ni Caroline.

"Mawalang-galang na po, Ma'am Caroline. Pinapasabi po ng inyong ama na kailangan kayong pumasok ngayon. May mga report pa raw kayong hindi natapos." Magalang na sabi ni Miguel at inilagay sa bedside table ang food tray. "Pasok po kayo Manang Cristy."

Mabilis naman pumasok ang katulong na si Manang Cristy.

"Kanina pa po tumatawag si Sir Samson, Ma'am Caroline..." Sabi ng kanilang katulong habang nakayuko.

"Sabihin mo kay Daddy na hindi ako papasok ngayon!" Utos ni Caroline.

Umigting ang panga ni Miguel. Hindi siya makapaniwala na ganito niya pakitungohan ang mga taong naninilbihan sa kaniya. Wala itong respeto sa mga nakakatanda.

"Babangon ka ba o iba-blocked nila ang mga ATM Cards mo?" Pagbabanta ni Miguel dahil alam niyang pera ang nagpapagana sa dalaga.

Nanliliit ang mga mata ni Caroline habang masamang tinitingnan ang binata. Ito ang kahinaan niya. Natatakot siya na mawala ang bagay na nagpapasaya sa kaniya. Ang pagkakaroon ng pera.

Inilabas ni Miguel ang kaniyang cellphone para tawagan ang ama ng dalaga. Kanina pa paulit-ulit na tumatawag si Samson sa kaniyang anak pero naka-off ang cellphone nito.

"I'll call your father and-"

"Oo na! Babangon na ako! Damn it!" sigaw ni Caroline at mabilis na bumangon.

"Masunorin ka naman pala," biro ni Miguel at ibinalik sa kaniyang bulsa ang cellphone.

Palihim siyang napangiti dahil ang bilis naniwala ng dalaga na tatawagan niya ang ama nito. Huling-huli niya ang kahinaan ni Caroline. Natatakot ito na mawalan ng pera at mapagalitan na naman ng kaniyang ama.

"Kumain ka muna bago maligo. Pagkatapos mong maligo at mag-ayos ay aalis na tayo." Sabi ni Miguel.

Umawang ang labi ni Caroline at masamng tiningnan ang binata. "Hindi nga ako gutom!"

"I know you're hungry. Kumain ka muna. Lalabas na rin kami para makapag-ayos ka na pagkatapos mong kumain."Ngumiti ang binata bago tinalikuran ang dalaga. "Let's go, Manang."

Padabog siyang pumasok ng banyo pagkaalis nina Miguel at Manang Cristy. Kailangan niyang pumasok dahil may gagawin pa siyang mga report sa kompanya ng kaniyang mga magulang kung saan siya nagtatrabaho.

One Rebellious Night (Published on GoodNovel App)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon