Kabanata 8

1 0 0
                                    

CAROLINE'S POV

"Let's go." Sabi ko kay Miguel paglabas ko sa opisina ni Daddy. "Pupunta tayo ng mall. Bibili ako ng damit na susuotin ko mamaya at regalo para kay Avery."

Sabay kaming pumasok sa loob ng elevator. Nilingon ko siya nang napansin ko ang pagiging tahimik niya. Naninibago ako dahil madaldal naman siya kanina. Nakayuko siya at paulit-ulit na tinitingnan ang kaniyang relo.

Hanggang sa nakarating kami sa mall. He's busy texting on his phone. Hindi niya maalis ang kaniyang paningin sa phone niya. Nakasunod siya sa akin habang abala ako sa pamimili ng damit na susuotin ko mamaya sa birthday ni Avery.

"May pupuntahan ka pa ba ngayon pagkatapos natin dito?" Bigla niyang tanong paglabas ko ng dressing room.

"Salon? Why?" Tanong ko sa kaniya at inilagay sa cart ang dress pagkatapos ko itong isukat.

"May pupuntahan kasi ako mamaya. Nagpaalam na ako sa Daddy mo kaninang umaga."

"Sinong maghahatid sa akin mamaya kung wala ka? You're my personal bodyguard, remember? Hindi rin ako pinapayagan ni Daddy magmaneho ng sasakyan."

"Nag-usap na kami ni Manong Berto. Pwedeng siya muna ang maghahatid sa 'yo mamaya, Ma'am."

Tumunog ang kaniyang phone. Mabilis niya itong kinuha sa loob ng kaniyang bulsa. Tumingin siya sa akin.

"Sasagotin ko muna ang tawag, Ma'am." Paalam niya. Tumango ako bilang pagsagot.

Naglakad siya papalayo sa akin. Nanatili akong nakatingin sa kaniyang malapad na likod habang naglalakad siya. Bumuntong hininga muna si Miguel bago sinagot ang tawag.

Hinila ko ang cart patungo sa cashier para magbayad. Sinulyapan ko si Miguel. Hinihilot niya ang kaniyang sentido habang kinakausap ang tumawag sa kaniya.

"Ito lang po ba lahat, Ma'am?" Tanong ng cashier sa akin kaya napalingon ako sa kaniya. Ngumiti ako at tumango.

Kinuha ko ang mga paper bags ng mga pinamili kong damit. Naglakad ako patungo kay Miguel.

"See you, later. I miss you, too, Michelle..." Rinig kong sabi ni Miguel bago niya ibinaba ang tawag.

Nanlaki ang kaniyang mga mata nang nakita niya ako pagharap niya. Bumaba ang kaniyang paningin sa mga dala kong paper bags.

"Ako na ang magdadala nito, Ma'am." Sabi niya at agad na kinuha sa akin ang mga paper bags. "Wala ka na bang ibang bibilhin?"

"Wala na. Didiretso na tayo ng salon. Sabihin mo lang sa akin kung anong oras ka aalis." Sagot ko at naunang naglakad sa kaniya.

Liliban siya mamaya dahil magkikita sila ng girlfriend niya? Alam kaya ni Daddy 'to? Umiling-iling ako. Wala akong pakialam kung saan man siya pupunta. Mas magagawa ko ang mga bagay dahil walang magbabantay sa akin.

"Anong oras ka ba matatapos?" Tanong ni Miguel pagdating namin sa paborito kong salon. Pagmamay-ari ito ng aking kaibigan na si Kyla.

"Depende. Hindi ko rin alam kung anong oras ako matatapos. It's me time." Sagot ko bago lumabas ng sasakyan. "Anong oras pala ang alis mo? Mukhang nagmamadali ka yata."

"Aalis ako bago gumabi. Kailangan kong puntahan si Michelle. Babalik din ako agad." Sagot ni Miguel.

"Ayos lang naman sa akin. Total si Daddy naman ang nagpapasahod sa 'yo. Pwede ka ng umalis, Miguel."

Nag-angat siya ng tingin sa akin. "Seryoso ka ba? May dalawang oras pa namang natitira bago-"

"Mas mabuti kung maaga kang makakaalis baka traffic ngayon." I cut him off.

One Rebellious Night (Published on GoodNovel App)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon