Chapter 6

4 0 0
                                        

It's already 10:15am and hindi parin dumating si Joe Sabi ni Tin nag chat na daw sya na papunta na siya.

"Ano kaba darating yun at kapag natapos na yung preaching mag sorry ka or kausapin mo" sabi ni Tin sakin. "Halata sa mukha mong kabado ka, akala ko ba wala kang kasalanan?" Tanong niya habang manamnam na nakatingin sakin.

"Wala nga, hindi ko alam. Baka kasi na feel niya na kay Danny ako kumampi" mahinang saad ko.

"Basta sakin mo siya patabihin ha!" Saad ko at umupo na.

Nag sta-start na yung praise and worship ng dumating si Joe.

Hanggang preaching ay na fe-feel ko yung awkwardness saming dalawa.
Bahala na mas mabuti ng dito siya umupo.

Patapos na yung service ngunit hindi ko parin alam kung papaano siya ih a-approach.

Lord huhu tulungan nyo po ako.

Huminga ako ng malalim bago humarap sa kanya.

Ngunit pag tingin ko ay wala na siya sa aking tabi.

Nasan nayun?

Hinanap ko siya at nakita kung kinakausap siya nina Kuys Geve.

Lumapit ako sakanila ng nakangiti.

"Tamang tama andito na siya" Sabi kaagad ni Kuys Geve pag dating ko. "Mag-usap kayong dalawa" turo ni kuys Geve kay Joe.

Tinignan ko si kuys geve ng nag tatanong na mukha. At pinandilatan niya rin ako.

"Ihhhh kuyss" parang batang saad ko.

"Anong kuys²" sagot niya "Mag-usap kayo na kaong dalawa lang oh dito kayo sa harap namin mag-usap" Saad niya habang nakahawak sa biwang.

Hindi parin kami umalis ni Joe kaya kinuha ni Kuys Geve yung kamay naming dalawa at pinag harap kami.

"Ian, mag sorry kana" Sabi ni kuys Geve.

Bumuntong hininga mo na ako bago nag salita.

"Joe....so...sorry na" paiyak na sabi ko.
Tinignan ko siya at nakita kung parang maiiyak rin siya.

"Ih Ikaw kasi ih, nag jo-joke lang naman si Danny pati ako nadamay anong kasalanan ko?" Sumbat ko sa kanya habang umiiyak.

"Duhhh ang hirap niyo kanyang di pansinin" sagot niya habang pinupunusan ang kanyang mga luha.

"Halika nga dito" Sabi ko at niyakap siya.

"Sa susunod sasabihin natin sa isat-isa ang problema ha! Atsaka wag ng mag away, ayoko ko yung di nagpapansinan ang sakit sa heart" Sabi ko at mahinang tumawa.

"OA nito" sagot niya at niyakap rin ako pabalik.

Akala ko hindi na ulit mangyayari yung ganon ngunit pagkatapos ng isang linggo ay tuluyan ng umalis si Joe sa groupo.

Bakit?

Hindi ko rin alam.

Ang sakit sakit sakin kasi wala akong alam.

Absent ako nung araw bago sila nag katampuhan ng pumasok ako sa room ay na feel ko na na parang may mali.

Umupo ako sa tabi ni Joe ngunit di niya ako tinignan.

"May kasalan ba ako?" Tanong ko sa sarili ko.

Hmmm.......mukhang wala naman.

Nakita ko rin na nasa kabilang side yung bag ni Lesha.

"Nasan sina Danny and Lesha?" Tanong ko sa kanya.

"Ewan ko" sagot niya habang nakatalikod parin sa akin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 25, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Crossing Faith Where stories live. Discover now