Joe Brazil calling.....
I answer her call immediately.
"Beshhh wr na u?" Naiinip na Sabi niya.
"I'm on my way" I said, nandito ako ngayon sa sakayan ng tricycle papuntang resort kung san ang swimming lesson namin.
Nakasuot ako ng white shirt at maong short. Tinananong ko sila kanina ng umaga kung pwede bang mag short papunta don at thankfully pwede dw.
I don't think kaya kung mag leggings or pants sa init ng panahon ngayon.
"Bhe kanina pa yang on my way mo" sa tuno ng pananalita niya halatang napipikon nato.
"Ih kasi ang tagal umalis ng jeep kanina" depensa ko naman.
Umuwi kasi ako kagabi sa probensya kaya kailangan ko pang sumakay ng jeep.
"Sige sige, basta mag ingat ka chat mo ko pag malapit kana ha!" saad niya.
"Joe si Iana nabayan?" Rinig kong tanong ni Danny.
Ang ingay ng mga tawo sa paligid niya siguro marami na sila dun.
"Oo, tinawagan ko na ang tagal ih" sagot naman ni Joe.
"Sige na bhe I ha-hang up ko na" sabi ko.
Marami kasi akong dala at nag hihintay pako sa bagong paparada na tricycle.
"Byeeeeee" at pinatay niya na ang tawag.
Nakita kong may paparada na tricycle, sumakay agad ako sa harapan para hindi masakit sa pwet.
Mabuti na lang at madaling napuno ang tricycle at naka alis kami ka agad.
Hindi ko na minessage si Joe malapit naman na kasi ako.Nag bayad mo na ako ng 20 pesos bago bumaba. Nakita kong nakabihis na sila ng swimming attire. Pag pasok na pag pasok ko hinanap ko ka agad sina Danny.
Nakita kong naka one line sila at nakikinig sa instructions ni Sir Gelo.
Naka dolphin short siya na naka Notre Dame P.E. sa pang itaas.
"Sorry po Sir late hehe"Sabi ko ng nakita kong tumingin siya sakin. "Traffic po kasi" pagpapaliwanag ko naman kasi nakatingin pa rin siya.
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, naka cap na white kasi ako kaya baka di niya ako nakilala.
"Mag bihis kana at ng marinig mo Ang mga instructions ko" sagot niya at nag patuloy na sa pag bigay ng instructions.
Dumiritso ako ng CR at nagbihis na. Sinuot ko yung one piece rash guard ko. Medyo bakat sakin yung rash guard kaya sinuotan ko na lang ng dolphin short.
Tinali ko yung buhok ko at lumabas na.
Nakita kong nag sta-start na sila. Binilisan ko naman at pumila na sa line nina Danny.
"Naka by group bhe" baling niya sakin at tinignan ang suot ko.
"Ayy hindi na ba pwede dito?" Tanong ko naman.
"Tanongin mo si Sir" Sabi niya at humarap na sa harap.
Pinalapitan ko naman si Sir. Tinuturuan niya ang mga classmate namin na hindi marunong lumangoy.
Nakita kong freestyle lang naman ang tinuturo ni Sir. Sinend niya na kasi sa GC namin ka Gabi yung videos kung pano ito gawin kaya hindi nako mahihirapan mamaya kapag ako na yung nag e-execute.
"Sir"kuha ko ng atensyon niya. "Pwede ho bang sa group nila Danny na lang po ako?" Tanong ko ng naramdaman kong humarap siya sakin.
"Oo naman, hindi pakita na turuan ng guidelines" Sagot niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/372425846-288-k200491.jpg)
YOU ARE READING
Crossing Faith
RomanceAt Notre Dame Academy, where devotion and learning merge, Iana Magbanua is just a simple Christian girl who wants to empower youth and lead the next generation to accept Christ as their Lord and savior. But amid of it all, a subtle disturbance arise...