Chapter 4 | In a Relationship

18 0 0
                                    


Kinabukasan ay umuwi na sila, sabay silang pumasok sa school. Bumalik si Mela sa kaniyang pagiging mahinhin, naging magkaayos na sila at naging opisyal sila na magkasintahan.

“Wow ka naman pre, astig ka talaga palagi” – Kevin

“alam niyo kayo, palagi niyo nalang ako inaasar” – Miguel

Biglang dumating si Mela na may dala dalang pagkain kasama ang kaibigang si Sally.

“Hui kayo! Ang chichismoso niyo! Ako nanaman pinag uusapa niyo no?” – Mela

“alam mo babe, huwag mo silang pansinin” – Miguel

“why?” – Mela

“Kasi inggit sila” – Miguel

“bakit naman” – Mela

“kasi akin ka, iloveyou” – Miguel

“I love you too” – Mela

They kissed each other, at kinilig naman ang kanilang mga kaibigan, ng dumating bigla si Vince.

“oi..congratulations” – Vince

Tumayo bigla si Miguel at pinigilan ito ni Mela na baka magkagulo.

“pre, kung wala kang magandang sasabihin, you can leave” – Miguel

Umalis si Vince, at patuloy sa pagpapakilig si Mela at Miguel.

Habang naglalakad sa hallway ng school ay biglang napatanong si Mela.

“ano na pala ang balita dun sa kay Matet?” – Mela

“she’s in jail, huwag kang mag-alala she deserves that, para wala ng manggulo pa sa atin” – Miguel

Ang hindi nila alam ay nakalaya na si Matet, at kinumpyansahan ito ni Vince, at sa hindi alam ng lahat si Vince at Matet ay magpinsan kaya naging magkasabuwat sila. Pinag usapan nila ang kanilang susunod na hakbang para sa tuluyang paghihiwalay ni Mela at Miguel.

[•Mela’s House•]

Dumalaw Miguel sa bahay nina Mela ng hindi niya ito alam, pinapasok siya ni Bimbo at inaya na maglaro, kaya nakipag laro si Miguel sa kay Bimbo, dumating naman si Nicole at nagulat sa kay Miguel ngunit nginitian lang ito ni Miguel, agad naman na tinawag ni Nicole si Mela.

“Ate! Gwapoooo(tinuro pa ito)” – Nicole

Nakita ni Mela na masayang nakikipaglaro si Bimbo kay Miguel.

“oh Miguel! Napadalaw ka?” – Mela

“I’m just missing you, btw I brought some of your favorites” – Miguel

“Nako nag abala kapa, pero salamat ha” – Mela

Tinawag ni Bimbo si Miguel para makipaglaro.

“Ang gaan gaan ng loob ng bata sa iyo ha” – Mela

“Kaya nga, naaaliw ako sa kaniya” – Miguel

Naghanda ng makakain si Mela para sa pananghalian, habang abala naman sa pakikipaglaro si Miguel kay Bimbo.

“Oh halina kayo at kumain!” – Mela

Sabay sabay silang kumain sa hapag kainan, habang nagtitinginan si Miguel at Mela.

“Alam niyo kayo, kanina kopa napapansin” – Nicole

Tumawa lamang si Miguel at Mela. Pinakilala ni Mela si Miguel sa mga kapatid bilang kasintahan niya.

“Alam mo kuya, crush na crush ka ng ate ko noon” – Nicole

“Nicole!” – Mela

“May picture kapa nga dun sa kwarto niya eh” – Nicole

The Way You Change MeWhere stories live. Discover now