Chapter 5 | Nothing can keep us apart

28 1 0
                                    


Kinausap ni Miguel ang kaniyang ina patungkol sa kay Matet at kung bakit sila nagkahiwalay noon, sa una ay hindi naniwala ang kaniyang ina. Isang araw magkasamang nagmall si Miguel at ang kaniyang ina, at nakita ng kaniyang ina si Matet na may kasamang ibang lalaki nagulat siya at tinanong si Miguel tungkol sa lalaki na kasama ni Matet.

“Iyan ang sinasabi ko sa iyo ma, kaya ako nakipaghiwalay sa kaniya” – Miguel

Nag-ayang umuwi ang kaniyang ina at pagdating sa kanilang bahay ay nag usap sila. Ilang araw nalang ay kaarawan na ng ina ni Miguel, biglang nagulat si Miguel nung inimbitahan ng kaniyang si Mela sa kaarawan nito, agad naman na sinabihan ni Miguel si Mela, ngunit si Mela ay nagulat din dito.

“huwag kang mahiya si mommy na mismo ang nag -imbita sa iyo kaya pumunta kana, sige ka magtatampo iyon” – Miguel

“wala akong maisusuot Miguel, at tyaka ayukong mapahiya” – Mela

“hindi ka mahihiya dahil kasama mo ako, at tyaka ako na ang bahala sa susuotin mo” – Miguel

Binilhan ni Miguel si Mela ng masusuot. Araw ng kaarawan ng kaniyang ina at sinundo ni Miguel si Mela sa bahay nito para sabay pumunta sa party, pagdating dun ay pinakilala ni Miguel si Mela sa ina nito, at naging mabuti naman ang pakikitungo ng kaniyang ina sa kay Mela, nag-usap pa silang dalawa at kinilala si Mela. Biglang dumating si Matet sa party kasama si Vince at nagulat ang ina ni Miguel.

“Walang hiya ka para magpakita pa dito(sinampal)” – Miguel’s mom

“tita? Ano bang pinagsasabi mo?” – Matet

“alam kong pera lang ang habol mo sa anak, at nakuha mo pang magloko!” – Miguel’s mom

Nagsagutan si Matet at ang ina ni Miguel, lahat g bisita ay nagtinginan sa kanila, at nagulat sa mga nangyayari. Pinipigilan ni Miguel ang kaniyang ina at pinapauwi na si Matet at Vince ngunit hindi parin sila nakinig sa kay Miguel.

“May lakas loob ka pang pumunta sa party ko at pamamahay ko, at kasama mo pa yang pinsan mong adik!” – Miguel’s mom

“Excuse me tita, kasalanan koba kung pati kayo ay nagpa uto rin sakin, tas ipagpalit din ako sa isang bayaran?!” – Matet

“Kahit kailan, hindi naging bayaran si Mela, alam niyo yan” – Miguel

Nagpatawag ng pulis ang ina ni Miguel para maipadakip ang dalawa, ng sa hindi inaasahang binaril ni Vince si Mela. Nagkagulo ang party, nakatakbo si Matet at Vince ngunit hindi sila nagtagumpay sa kanilang pagtakas dahil naabutan din sila ng pulis. Agad naman na itinakbo sa ospital si Mela, makalipas ang ilang araw ay nakalabas din si Mela sa ospital, naging mabuti at maayos ang kanilang relasyon ni Miguel, naging mabait din ang ina ni Miguel sa kay Mela.

[•School Bench•]

“alam mo masaya ako, at naging mabuti na ang lahat, ang nanay mo maayos na kmi” – Mela

“my mom is really strict at all things but pag makilala niya ang isang tao, she will understand you at tyaka tutulong pa yun” – Miguel

(Mela smile’s at Miguel)

“I love youuuu” – Miguel

“I love you too” – Mela

(they kissed)

It’s their graduation, ang umakyat sa stage sa kay Mela ay ang ina ni Miguel. Pagkatapos ng kanilang graduation ay nagsamasama silang mag dinner sa isang restaurant kasama ang mga kapatid ni Mela. Naging maayos ang kaugnayan ng bawat pamilya, hindi man magkaayos ang ama’t ina ni Mela, ngunit nariyan parin sila para supportahan ang mga anak nito. Si Miguel ang naging katuwang ni Mela sa pag-aalaga sa mga kapatid. Si Miguel din ang naging sandalan ni Mela sa lahat ng bagay at mga problema nito, hindi man naging maganda ang konsepto kung paano sila nagkakilala, pero sa huli ay sila padin ang nagsama. Mas lalong naging maayos si Mela, ibang iba na siya sa Mela na nakilala ng lahat dati, dahil sa kay Miguel ay nagbago ng tuluyan si Mela.

Huwag magmadaling magmahal, ang pagmamahal ay makakahintay. Sa tamang panahon makikita mo rin ang nararapat at inalaan sa iyo ng Diyos na tunay na pag-ibig.

-The End-

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 24, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Way You Change MeWhere stories live. Discover now