Kabanata 14

18 0 0
                                    

Playgirl

I left Isla del Deseo without even having the chance to say goodbye to him.

But maybe it's better to be left that way. Kahit pa man pakiramdam ko iyon na ang huling pakikipag-usap ko sa kanya.

"Because what more is there to find out?" I shrugged my shoulders at Ate and Julia who visited my room once I was home.

"Iyong mga nasabi ko sa inyo no'ng nakaraan, sapat na 'yon. You can try and approach him in school next week, Ate," sa mahinang boses na paliwanag ko.

There are only five days left in their term break. Pati ba naman sa natitirang limang araw na 'yan ay kailangan ko pa talagang pumunta ng Isla del Deseo? Nagkikita rin naman kami ni Francia sa school. Kaya nakakapagtaka kung pupunta pa rin ako roon.

"Laurent, limang araw na lang ang natitira, 'saka ka titigil?" Sinimangutan ako ni Julia na pabalang na umupo roon sa couch.

Ate sighed and sat beside her while I faced them, sitting on the edge of my bed and kicking my feet.

"It's okay, Julia. Laurent is right, there's nothing more to find out. Sapat na iyong mga sinabi niya sa atin noon. Besides... I want to get to know him better myself." Ate blushed and sighed dreamily.

Bahagya akong natigilan sa reaksyon niya at napakuyom sa bedsheets na kinauupuan.

She likes him this much. And what did I do? Gusto ko na lang talagang sampalin ang sarili ng paulit-ulit.

It might be casual for me and for him. But for Ate, it's not. The way she even reacted at the rumors of me and Anghel before was too much. She cried. And I can't afford to break her trust, with or without her knowledge.

Kaya mabuti na lang talaga at pumayag siyang tumigil na ako sa kakakalap ng impormasyon tungkol kay Anghel. However casual and forgettable what happened between us may seem, I need to keep my distance.

But maybe, I couldn't really just stop bumping into him around. After all, he is Francia's brother. And El Valencia isn't that big.

Palabas pa lang kami ng gate ni Francia ay tanaw ko na sa maliit na parking space ng school ang agaw-pansin niyang sasakyan. It looks noticeable in the middle of those other cars and bikes parked in there.

"Ugh! Didn't I just tell him that I'm going with Heron?" Francia grumbled as she looked at her brother's car then her boyfriend's motorbike.

Hilaw akong napangiti at okupado na ang isipan kung paano aalis nang hindi nakikita ng Kuya niya. Kaya lang, nakatanaw na ito sa amin habang nakasandal sa hood ng sasakyan niya. Ang isang kamay nakapamulsa ay inangat niya na inirapan lang ni Francia.

His lips curled into a teasing smile at his sister. But when his eyes fell on me beside her, it slowly faded and he raised an eyebrow up.

Kaagad akong napaiwas ng tingin at binalingan si Francia na panay ang reklamo sa tabi ko.

"Uhm... France, babalik lang muna ako sa loob ha? Nakalimutan ko pala ang payong ko." Sabay tingala ko sa kalangitang unti-unti na ngang dumidilim dahil sa makulimlim na panahon.

Tama naman ang rason ko. Uulan. Pero ang totoo, hindi ko naman talaga naiwan ang payong ko. Anong maiiwan kung hindi naman talaga ako nagdala in the first place? Nakakatamad kaya.

"Yeah... it's about to rain. Now Kuya will only reason out why it would be better to go home with him than Heron." Francia groaned.

Papalapit na kami sa parking space kaya kaagad akong lumiko at lumihis ng daan.

"Kukunin ko lang ang payong ko. Bye!"

Anghel's frowning face was the last thing I saw before I hurriedly went back inside the campus. Palabas na ang halos lahat ng estudyante na nakasalubong ko sa gate kaya tumabi ako sa gilid dahil sa dami nila.

Earthquake (Disaster Series #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon