CHAPTER THREE
"I-IKAW si.. Darlene?" parang wala sa loob na nasambít niya.
Noon lamang siya tiningnan ng dalagita.
Hindi friendly na kaparis ng pagtanggap na ginawa ni
Teresa sa pagkausap niya rito ang pagkakatingin sa kanya ni Darlene.Parang nasa anyo pa nga nito kaagad ang pagsususpetsa kaya wari'y defensive kaagad ang tono.
"Sino ka ba?"
"Si Alden, Ate." Si Teresa ang sumagot. "Anak siya ni Aling Beth."
Biglang-biglang nabago ang expression ni Darlene.
Mula sa kawalan ng kumpiyansa at paghihinala ay nauwi sa pagkapahiya. "N-naku, hindi ko alam. S-sorry, ha?"
"Okey lang," nakangiting sabi niya."Akala mo siyempre kanina e kung sino lang akong stranger, 'di ba?"
"Halata ko naman, e."
"Oo nga," sabad uli ni Teresa.
"Sabi kasi ng lola namin e huwag basta nakikipag-usap sa hindi namin
kakilala. Pero hindi talaga suplada ang Ate Darlene ko.""Ikaw pala yong sinasabi ni Aling Beth na anak niya," nakangiti na ngayong sabi ni Darlene bagamat
medyo kimi."At ikaw din pala 'yong narinig kong sumasabay kanina ng pagkanta sa tv."
"Akala siguro ni Alden e bata ka pa, Ate Darlene," sabi ni Teresa. Kaya itinatanong niya sa kin kanina
kung anong grade ka na sa pasukan. Kasi naman, nanonood ka pa ng Batibot. "Halata ni Alden na napahiya si Darlene sa panunudyo ni Teresa pero lihim din naman siyang napahiya dahil nabuko pa ni Darlene ang maling akala niya.
"Sabagay e nakakawili talaga'ng programang yon," pagbibigay-katwiran niya para hindi gaanong mapahiya si Darlene. "Ako rin kung minsan e napapanood do'n
nang hindi sinasadya."Sinungaling, sabi ng isang bahagi ng isip niya. Kanina lang e galit na galit ka sa kalaban ninyong programang
iyon."High school pa lang ako," sabi ni Darlene na waring palagay na ngayon ang loob sa kanya. "Third year na ako sa pasukan."
Bahagya siyang napatango dahil nakumpirma sa isip niya ang kanina'y hula na nga niyang antas sa pag-aaral ng kaharap.
"Ang sabi ng mama ko, kayo lamang daw diyan na maglolola. Nasa abroad yata ang father mo?"
"Nasa Oman. Engineer siya."
"Sanay na kami nang si Lola Charing lamang ang kasama," ani Teresa. "Lagi kasing nag-a-abroad si Daddy,"
"Ang daldal mo," baling ni Darlene sa kapatid.
"Nakakatuwa nga si Terry, e."
"Terry?" maang na baling sa kanya ni Darlene.
"Ang usapan naming itatawag ko sa kanya."
Pagtingin ni Darlene sa kapatid, ngiting-ngiti si Teresa na waring ipinagmamalaki ang sinabi ni Alden.
"Mabuti't nakatagal ka sà kadaldalan niyan," nakangiting baling ni Darlene kay Alden.
"Wala akong kapatid na babae. Bago sa 'kin Yong me kausap na paris niya."
"Wala rin kaming kuya," sabad ni Teresa. "Di parang kapatid mo kaming babae at kunwari'y kuya ka naman namin,"
"Tere... 'waring nagbabawal na sabi ni Darlene sa kapatid.
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU, MISS CHILDISH - HELEN MERIZ (ON GOING)
RomanceAkala ni Alden ay fondness lamang ang nadarama niya para sa teen-ager na si Darlene. Dahil paano ba niya maaamin sa sarili na ang isang paris niyang kilalang manunulat, doble ang edad kaysa rito, at may ambisyong makapag- asawa ng isang titulada at...