CHAPTER FIVE

71 1 0
                                    

CHAPTER FIVE

ANG MGA sumunod na araw ay saksi sa pagiging lalong pagkakalapit ng kalooban ng mag-inang Alden sa
maglolola.

Naging regular ang pagbibigayan nila ng pagkain o anumang bagay. Naging karaniwan na rin ang lipatan
nila ng kani-kanyang tirahan.

Kapag hindi rin lamang busy si Lola Charing, lumilipat si Aling Beth para paturo rito ng piyano o kaya'y para
panoorin lamang sa pagtugtog ang matanda. Giliw na giliw talaga și Aling Beth at kahit yata maghapon itong nakatanga sa matanda ay payag ito. Si Lola Charing
naman, natutuwa rin sa ipinakikitang appreciation ng
babae.

Ang magkapatid namang Darlene at Teresa ay sanay na ring labas-masok sa pamamahay ng mga Jimenez.
Parang nakatatandang kapatid na nga kung ituring ni Teresa si Alden. Madalas na may ipinagagawa ritong
kung anu-ano. Pagpapadikıt sa nasira nitong paa ng
laruang dining chair, pagpapa-repair sa mekanismo ng de-
bateryang toy monkey na tumatambling, at kung anu-ano
pang mumunting bagay na suma kuwenta naman ay puro
paglalambing lamang. Nang lumaon ay humihiling na rin ito kay Alden ng pasalubong kapag galing siya sa
shooting.

Si Darlene naman ay ganoon din. Hindi na bagong tanawin na kahit nagtatrabaho si Alden ay nakatabi ito hindi nangungulit ay nag-uusyoso at kung
nakikipagkuwentuhan.

Sanay na sanay na rin si Alden sa mga kalokohan at
pagiging childish ng dalagita.

Kaparis na lamang ngayon na kahit may ginagawa siyang bagong teleplay ay nakabantay sa tabi niva si
Darlene habang kumakain ng sampalok na hilaw.

"Kahilig mo sa maaasim," nakasama ang mukha na puna niya rito. Pinipigl lamang niyang kiligin dabil
naglalaway na siya sa pangangasim sa pagmamasid sa dalagita.

"Ewan ko nga ba kung bakit. Pero maganda naman daw ang ganoon, e."

"Bakit maganda? Dahil kikita ang ospital kapag nagka-ulcer ka.
Tingin ko'y sobra na sa vitamin C ang
katawan mo, e."

"Kasalanan n'yo. Ang dami n'yo kasing tanim dito na puro namumunga ng maasim."

"Ayun, kami pa'ng me kasalanan ngayon. E talaga naman daw kahit kalamansi at kamyas e nginangata mo, sabi ni Lola Charing."

"Matuwa ka nga dahil magandang sign yon," nagmamalaking sabi ni Darlene.

"Sign ng ano?"

"Tingnan mo, writer ka e ang dami mong hindi alam."

"Nakow, kung ganyang mga kaalaman din lamang e hamo nang di ko alam, 'no?" natatawang sabi niya.

"Nabasa ko noon sa isang article, ang mga tao raw na mahilig sa maaasim e very responsible. Ang sabi pa nga ro'n e puwedeng testingin ng isang babae ang isang
manliligaw kung magiging responsible husband ba kapag
napangasawa niya."

"Paano raw ang test?" medyo interesado nang baling
niya sa dalagita. Nawala na talaga ang concentration niya sa pagtatrabaho.

"Alukin daw ang guy ng matamis at maasim na pagkain. Kapag 'yong maasim ang pinili, okey 'yon.
Magiging rsponsible siyang husband. Pero kapag ang sweet daw ang pinili, medyo k'widaw."

"Ang labnaw naman nang ganoon. Bakit ako, hindi naman ako mahilig sa maaasim pero palagay ko'y
magiging responsible husband ako balang-araw?"

Napatitig sa mukha niya si Darlene.

Sa mga mata nito, waring may nasinag siyang isang
kakaibang kislap ng katuwaan.

I LOVE YOU, MISS CHILDISH - HELEN MERIZ (ON GOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon