CHAPTER TWO
HINDI na siya nakatulog uli.
Sabagay ay mahirap naman talagang magpaantok ang isang may inaantabayanang mangyari.
Na hindi naman nangyari.
Hindi na niya narinig uli ang pagkanta ng bata sa kabilang apartment.
Sa inis, bumangon na lamang siya para mag-almusal.
"Maliligo ka na ba?" tanong ng katulong nilang si Aling Mila habang pinagsisilbihan siya sa hapag-kainań.
Halos kaedad lamang ito ng kanyang ina. Dahil sa kapapaaral sa kung sinu-sinong mga pamangkin ay tumanda na itong dalaga.
Parang pangalawang ina na ang turing niya sa matanda na matagal na rin namang naninilbihan sa kanila.
"Hindi pa ho," sabi niya. "Me aayusin lang ako sa ginawa kong teleplay. Pakidalhan na lang ako mamaya ng panibagong kape sa terrace.
"Sige," ani Aling Mila.
"Pagkakain mo'y isusunod ko na."
Niligpit na nito ang pinagkainan niya nang tumayo siya.
Nagbalik siya ng silid para kunin ang teleplay na ginawa niya para sa isang linggong episode ng Villarde, isang sumisikat na noontime show sa telebisyon.
Ang prodyuser niyon ay ang sikat na komedyante na star ng noontime variety show na sinusundan ng Villarde.
Naging kaibigan na niyang matalik ang nasabing komedyante dahil siya ang paborito nitong kuning writer
sa ano mang project na pinapasok nito sa telebisyon. Masasabi naman kasing versatile siya dahil puwede siyang magsulat sa aksiyon, drama o komedi man.Isa na nga siya sa mga kilalang teleplay writer sa kasalukuyan. Nakatulong nang malaki ang pagiging regu-
lar niyang writer sa Villarde na ipinalalabas sa pinakasikat na istasyon ng telebisyon sa Pilipinas.
Hindi na niya pinalitan ang suot na guhitang padyamang pang-ibaba at sandong walang manggas nang magtungo sa terrace. Kipit niya sa kilikili ang kanyang teleplay at sa leeg niya ay may nakasampay na tuwalyang asul. Balak niyang maligo pagkatapos ma-edit ang kanyang teleplay.
Ang terrace ng bahay ay nasa tagiliran at may kaharap na munting lawn at grotto. Dito ang paborito niyang pahingahan dahil kakaiba ang lamig na dulot ng maraming tanim na punung-kahoy sa paligid. Very cozy ang ayos ng terrace. May modernong rattan sofa na may malalambot na cushion. May mga hanging plants at rack na kinaroroonan ng ilang librong paborito niyang basahin kapag nagpapahinga. Kung minsan, ipinalalabas niya rito ang telebisyon kapag nagri-relax siya at may laban ng basketbol na paborito niyang panoorin.
Kahit naman masasabing ginawa nilang komersiyal ang kanilang tirahan sa pagpapakabit doon ng apart- ment, may matatawag pa rin siyang lugar sa kanilang tahanan na kanyang-kanya kung saan at home na at home at relaxed ang pakiramdam niya.
Sabagay ay siya naman ang nagpakahirap maitayo ang tinitirahan nila ngayon. Oo nga't nakaragdag ang halagang tinanggap nila nang mamatay ang kanyang ama na isang government employee ngunit napakaliit niyon para makapagpundar ng kinaroroonan nila ngayon.
Sa tulong ng kanyang kinikita bilang regular teleplay writer ay naipa-repair niya ang kanilang lumang bahay na naiwan sa kanilang mag-ina ng kanyang ama.
Hindi naman niya sinadyang maging writer. Ang totoo ay isa lamang din siyang karaniwang empleyado noon na kaparis ng kanyang ama. Sa isang private firm nga lamang at hindi sa gobyerno. May naging kaibigan siya na manunulat at naikuwento niyang noong araw ay mahilig din siyang gumawa ng mga kuwento. Wala namang nai-publish sa mga iyon dahil hindi niya minsan man pinagtangkaang i-submit kahit saang pasulatan.
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU, MISS CHILDISH - HELEN MERIZ (ON GOING)
RomanceAkala ni Alden ay fondness lamang ang nadarama niya para sa teen-ager na si Darlene. Dahil paano ba niya maaamin sa sarili na ang isang paris niyang kilalang manunulat, doble ang edad kaysa rito, at may ambisyong makapag- asawa ng isang titulada at...