CHAPTER NINE

62 1 1
                                    

CHAPTER 9

KAHIT wala silang pormal na usapan, parang may intindihan na sila ni Camella nang mga sumunod na

araw.

Nagti-check na ito sa kanya.

Nagdi-demand.

Nagseselos.

Mga bagay na ginagawa lamang ng isang nobya sa nobyo nito. Pero hindi nga ba't ganoon na ang relasyon nila? Dahil mula nang unang may mangyari sa kanila, di lamang miminsang naulit iyon.

Hindi sa labas kundi sa flat ni Camella.


Nang lumaon naman ay parang nawalan na iyon ng pang-akit kay Alden. Pati sa relasyon nila ay parang tinatamad na siya ngunit hindi lamang niya alam ang tamang paraan para maiparamdam iyon.

Paano ba 'makikipag-break' sa isang paris ni Camella?



NASA terrace siyang minsan at pilit nagku-concentrate para makapagtrabaho pero hindi naman niya magawa.


Naiisip niya si Darlene.

Para namang sagot sa pag-asam niyang malapitan ng dalagita, nakita niyang umaakyat na nga ito sa bakod.

Parang iba ang tingin niya ngayon sa ekspresyon ng

mukha ni Darlene.

Walang kangiti-ngiti na waring galit pa.


Kahit nakita na siya nito ay ni hindi ngumiti o bumati at diretso nang umakyat sa puno ng bayabas.

Natigilan siya nang makitang nakarating na ang

dalagita sa pinakaituktok ng puno na maliliit ang sanga pero parang gusto

pa ring umakyat pa nito.

"Darlene...!" napatayo sa pagkabiglang sabi niya. "Baka mahulog ka na riyan!"


Hindi siya pinansin ni Darlene. Tila ang intensiyon nga ay marating ang pinakaituktok ng puno.

Napatakbo tuloy siya sa ibaba ng puno.


Naroon na siya nang marinig ang sigaw ng dalagita.

Pagtingala niya ay nakita niyang nakakapit ito sa isang maliit na sangang nakayungayong at gumagalaw-galaw na sa hangin ang katawan ng dalagita.


Kitang-kita ang takot sa anyo ni Darlene habang nakakapit nang mahigpit sa sanga para hindi mahulog.

Halos mangiyak-ngiyak na nga ito.


Pumosisyon siya sa tapat nito, inilahad ang dalawang kamay. "Bumitiw ka... sasaluhin kita!"


"N-natatakot ako!"


"Tatantiyahin ko'ng bagsak mo. Hindi sasayad sa lupa ang katawan mo!"

Tiningala ni Darlene ang sanga saka tiningnan siya sa lupa. Waring humugot ito ng malalim na hinga bago bumitiw. Pumikit pa nga ito.

Kahit naman buo na ang loob, napatili pa rin ito nang bumitiw sa pagkakakapit sa sanga.

Tinatambol din sa takot ang dibdib niya pero humanda siya sa pagbagsak ng dalagita.


Tamang-tamang sa dalawang kamay niya ito bumagsak nang patihaya.


Dahil sa bigat nito at sa impact ng pagkahulog ay nawalan siya ng balanse at bumagsak siya sa lupa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 25 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I LOVE YOU, MISS CHILDISH - HELEN MERIZ (ON GOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon