DJ's POV
"Do you Daniel, take Kathryn, as your lawfully wedded wife?" sabi ng Pari. Oo kasal namin ni Kath ngayon nasa Simbahan rin naman. Ikalawang annerversary nmin pero ngayon sa church na talaga kasi nung kinasal kami, sa Judge lang nmam.
Ang ganda ganda ng panahon pero mas maganda itong kaharap ko ngayon.
Di ko naman talaga alam kung bakit mahal ko si Kath, pero yun ang nararamdaman ko at wala mang iba. Napatawa ako habang inuulit ulit sa aking isipan ang nakaraan. Ako'y isang playboy noon at araw araw ako mag papalit ng babae.
Till one day, itong si Kath humarang sa harap ko at parang loko loko akong inaaway sya at iniinsulto habang sya, hindi man lang ako bigyan ng atensyon. Patuloy parin syang nagpapakain nung batang nasa harap namin.
Pero lumayo rin sya at pumunta sa ibang bansa, yun yung araw na maligayang maligaya ako, dahil wala naring epal sa mundo ko. Pero dun ko rin na realize na sobra akong nalungkot dahil sa pagiwan nya sakin. Sobrang lungkot ko na araw araw akong maglalasing at pagbugbog sa mga taong lumalapit sakin mababae man o lalake wala akong pinalagpas.
Pero nakita ko rin yung ex ko, si Julia. May katangian syang meron rin si Kath pero ang pagtibok ng puso ko'y hindi nya mapalitan. Parati lang akong sumasabay sa kanya, humalik , makipag holding hands at maibuga sa buong mundo na kaming dalawa na. Pero kahit ni minsan hindi ako naiinis at sumaya sa piling nya kesa sa piling ni Kath. Aaminin ko, naging masaya rin ako nung kasama ko sya pero nangunguna parin si Kath at kapag sya yung kasama ko parang walang dadating na bukas at lumipas na kahapon. Walang problema sa paligid, lahat maligaya..
Nakita ko yung mukha ni Kath na parang ewan kaya nga parang napatawa ako sa reaksyon nya. Bakit? Ano bang problema? Ayy! oo nga pala di ko man lang nasagot yung sabi ng Pari. "Yes. I do." tinaasan nya ako ng kilay na parang WAG MO ITONG SASAKTAN look. Ayy oo nga, itong si Father, Tiyohin ni Kath. Haha! Prinsesa kaya si Kath sa buong pamilya nya, extended!
"and Do you Kathryn, take Daniel as your lawfully wedded husband?"
Ngumiti si Kath at hindi umimik. Ano?!? Di nya ba sasagutin... UGh! Basta Dj! Naguulit rin nyan sa isipan.
Biglang nag iba yung mood nya at kumunot yung noo. Sabay hampas ng hampas nya sakin. "DanieeeeeL!!! Gumising kanaaaaaa! Daniel!!!"
Dumilat ako at hindi inasahang, lahat ng iyun ay Panaginip lang pala. At si Kath hinampas nya yung Dibdib ko, oo, ramdam ko yun. Pero pag dilat ko wala si Kath. Tumingin ako sa kung saang parte ng kwarto ko. Not to mention naka higa lang ako. "Fucck! araaaaaaaaaaaaaaay! Ang sakit naman nito!!!!!!!!!!" sumigaw si Kath. San ba sya ? Tumayo na ako at nakitang naka higa sya sa sahig.
"Oh? Bakit nandyan ka?" sabi ko sa kanya.
Tinignan nya ako ng masama. "Kailangan ba kitang gisingin araw araw? tapos tutulakin mo rin ako ?!" Ay, oo. Mag asawa nga kami, tumitira kami sa isang bahay pero magkahiwalay kami ng kwarto. Wedding na pilitan nga lang eh. Para sa mga business ng mga Lolo namin.
"Ah! Sorry po." sabi ko at muling ipinuwesto yung ulo ko sa unan.
"Di ka ba tatayo dyan at papasok dito?!?" sigaw nya at binuksan yung pinto ng CR ko.
"Tatayo na po." sabi ko sabay kamot ng buhok ko. Ganito nalang ba talaga kami parati. Mag aaway sa bawat paggising? hayy !
After 982273749210172648 years tapos narin ako maligo. Nagbihis na ako, isang plain white shirt, black maong jeans, sneakers, Shades at scarf. Ganito naan ako parati eh, lalong lalo na't sa Baguio kami nakatira.
Bumaba na ako at nakita kong si Kath naglagay ng makakain sa mesa. Kare Kare ang ulam, YUM YUM. "Galing naman! Hmmmmmm. Favorite ko yan ah!" sabi ko sabay ngiti.
BINABASA MO ANG
Kathniel's SHOTS and SHORTS
Teen FictionA book filled with KathNiel shots and shorts or One Shots and Short stories...