Dota o Ako
((oneshot story by chacha))
Iba po Ito sa mga Ibang dota o ako stories. Ang Iba ay broken hearted or sad ang mga endings pero dito may sense of comedy po. And their love story began with a simple game in the computer called "Dota"..
----------------
Kathryn's POV
I'm now hanging out with my cousins, heto sila mga adik w computer games. May adik sa black shot, MU, HON, LOL at Iba pa. Pero silang Lahat ay adik ng pag do-Dota.
Isang hapon, Walang klase, agad akong pumunta sa bahay ng pinsan ko. Una 'kong pumunta sa bahay nila Neil, pero hanggang pintuan lang ng sinalubong ako ng yaya nya.
"Cha? Ikaw ba iyan?"
Tanong ni Manang, napatawa naman ako sa sinabi nya. Matagal narin na hindi ako nakabisita dito sa bahay nila Neil. Eh papano naman kasi, siya yung palaging bigisita sakin sa bahay.
Kath: Opo, manang. Si Cha-cha po ito, Kath nalang po.
" Ay ganoon ba? Ang bilis naman ng oras, ang tangkad tangkad, ganda ganda at laki laki mo na."
Napatawa nalang ako sa sinabi ni Manang, tumanda nga naman sya.
Kath: Salamat po, manang. Eh ikaw 'rin, mas lalo kang gumanda.
"Nako Ija, binobola mo yata ako. Eh Ija, tumuloy ka muna. Anong gusto mo, mainom, makain, ano ba?"
Papasukin nga sana ako ni Manang, tumuloy na sya sa loob pero agad nya naman akong napansin na hindi sumusunod sa kanya. Binalikan nya ako at ang pwesto nya 'kung saan kami naguusap.
Kath: Eh manang, aalis 'rin naman po ako. May itatanong lang sana ako eh.
" Ano iyun Chacha? Este Kath? "
Kath: Eh tatanong lang po sana ako kung nasaan si Neil.
I rubbed my hands together. Hoping na nandito nga ang pinupuntahan ko.
" Eh Kath, hindi ko alam kung nasaan iyung batang 'yun. Pero nakita ko sya kaninang umaga na may kausap sa telepono, tatawagin ko nga sana pero nagmamadaling umalis, eh. "
Napatingin ako sa lupa, its really not right. I think he's in an internet cafe right now, pero bakit sya pupunta doon? His computer is really filled with games, kompleto na sya dito sa bahay nila.
Kath: Ay salamat po, manang. Hahanapin ko nalang po.
" Hindi kaba kakain? Iinum o ano ? "
Kath: Salamat po , pero hindi nalang. Hahanapin ko nalang po si Neil, tsaka aalis na po ako. Pagkumain pa ako madagdagan 'yung dapat nyong gawin, eh ang lambot lambot pa po ng iyong kamay. Mabibilang nalang po ang mga matatandang malambot ang kamay, kaya pagbutihan nyo po 'yan.
Sabi ko sakanya sabay Hawak sa kanyang kamay. Eh totoo naman talaga, sa dinami daming gawaing bahay na kailangan gawin ni Manang, malambot parn ang kanyang mga kamay. Napatawa naman si Manang sa sinabi ko.
" Sige na nga, Ikaw talaga! Kahit kelan hindi kita mapilit, binobola mo pa ako. Sige, masmabuti na hanapin mo nalang 'yung pinsan mo. Baka ikaw, mahanap mo iyon. "
Kath: Oh sige, manang uuna na po ako. Tsaka manang, hindi po ako nambobola sa iyo. Totoo po ang mga sinasabi ko... Bye Bye Manang....
Iniwan ko nalang si manang na nakangiti. Ngumiti na rin ako sakanya at tinuloy na ang paglakad ko. I was just walking dahilhindi naman malayo yung bahay namin. Just a couple of blocks pero okay na rin ito dahil masmabuti. Gusto ko na maging morena ulit, at makapag exercise kasi ang taba taba ko na rin. Maslalong lumaki 'tong mga pisngi ko.
BINABASA MO ANG
Kathniel's SHOTS and SHORTS
Ficção AdolescenteA book filled with KathNiel shots and shorts or One Shots and Short stories...