My Grown Up Christmas List

280 4 0
                                    

Panahon na ng pagsayahan. Tomorrow? Tomorrow is Christmas! YEY!

Merry Christmas to all the children in the world and all the isip-batas just like me. Tanggap ko namang isip-bata ako. Yan naman talaga ang inaasar o tinatawagtawag ng mga kaklase ko sakin. Lalong lalo na't tuwing malapit ang pasko. Dahil nga kasi, naniniwala pa ako kay Santa Claus.

Tss. Sila hindi naniniwala ni Santa. Ako? Naniniwala talaga ako. Isa syang santo na nagbibigay regalo sa lahat ng bata, matanda, payat, mataba, tomboy o binabae. Basta't mabuti ka sa kapaligiran at mabait ka sa kung sino man.

Ako? Bibigyan ba ako ng gift ni Santa? Nagsulat naman ako para sa kanya. Linagay ko dun ang lahat ng mga gusto kong pagbabago. At syempre sa mga materyales na gusto ko ring mapasakin.

Nandito pa ako sa kama ko. Nakahiga parin. Wala akong balak tumayo. Gusto kong magrelax muna. Nakakapagod kaya yung fun run kahapon. Inaantok pa nga ako eh.

*Bzzzzt-Bzzzzzt*

 

Nagulat naman ako sa tunog na yun. Cellphone ko pala nag vavibrate. Inabot ko na ang cellphone ko kasi nasa tabi ko lang naman. Malayo layo at taas taas. Nakuha ko na rin ito. Nakapatong kasi ito sa itaas ng mini cabinet na nasa tabi ko.

1 new Message



Yan yung nakalagay. Di ko kasi ito linagyan ng pangalan. Yung '1 message from: ___'. Yung mga yon? Nakakailang minsan. Mas gusto ko ang mga surprises para pagbukas at bukas ko. Mapangiti tuloy ako.

Binuksan ko na ang message.

FROM: Alexa

Hey ate Kath! Good Morning :* Ate K, meet raw tayo ngayon sa tambayan under the mango tree. Ang buong barkada nagusap usap nito. Kaya nga lang wala ka dito ngayon. And I dont have load for calls, just text. Ok? See you there this 10 am ^_^



Isang message pala galing kay Alexa. Si Alexa ang batang-kabarkada namin. Napasok sya sa barkada dahil sakin. Ako kasi yung mina-mommy mommy nya kaya noong araw sumama sya samin. Mature minded sya at kung hindi mo sya makilala ng buo at hindi mo sya makita? Nako, ang takbo ng isip nya. Kakaiba. Parang 4th year highschool narin yan pagmag isip.

TO: Alexa

I'll be there in a bit sweetiee :* Just need to do my morning rituals. Keep safe. Good Morning :)



Binilin ko na yung cellphone ko doon sa kama at tumayo na para mag ayos. Dahil Christmas na Christmas bukas, itong red polka dot dress nalang ang susuotin ko for the day.

Naligo na ako, nagtooth brush at nagbihis. Binalikan ko yung cellphone ko at may message na naman. Pagbukas ko sa message na ito. Agad akong napangiti.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 22, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kathniel's SHOTS and SHORTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon