Kabanata 1

4 0 0
                                    

"Sige na please, huwag ng mainis... bumalik ka na sa akin."

Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko ang pagtugtog ng gitara. Dahan-dahang sinilip ko kung saan iyon nanggaling.

Kumunot ang noo ko ng makita ang kapatid 'kong lalaki na hawak ang gitara ko at kinakantahan si Milky. Mayroong hawak si Milky na folder at alam 'kong naglalaman iyon ng mga listahan ng mga upcoming events dito para sa mga susunod pa na araw.

Nakita 'kong palihim na umirap si Milky habang patuloy parin sa pagkanta si Sancho. Pero hindi nakatakas sa paningin ko ang pag ngiti ni Milky.

"Hindi  ka man lang nagpa-alam na hihiramin mo iyan." Bulong ko habang masama ang tingin kay Sancho na malawak na ang ngiting hinawakan ang kamay ni Milky.

Napairap nalang ako at hinayaan na sila roon. Patay na patay talaga siya kay Milky. Sabagay, sino ba namang hindi? Maganda siya at mabait pa. Anak kasi siya ng may ari ng resort dito sa Isla Verde. Kulay gatas kasi ang kutis niya kaya naman Milky ang ipinangalan sa kanya. Mapapa sana all ka nalang talaga.

Hindi ko alam kung bakit hinaharana niya ngayon si Milky. Siguro ay nagtatalo na naman sila. Masyado kasing mahilig sa babae iyong si Sancho. Ewan ko ba sa lalaking iyon, hindi naman niya ikinagwapo ang pagkakaroon ng maraming babae.

Natigilan ako nang may lumapit sa aking lalaki. He was wearing a white shirt at parang naka boxer lang yata siya. What the?

"Excuse me, Miss? Hinahanap ko kasi iyong kasama ko, baka nakita mo siya? Baka dumaan siya rito--"

"Teka nga!" Inis na sambit ko sa kanya. Hindi siya mapakali at lingon ng lingon sa paligid. "Ang bilis mo naman magsalita, hindi kita maintindihan!"

"Nakita mo ba ang kasama ko? A-ano naka suot siya ng tsenelas! A-at...ano pa ba." Pumikit-pikit ito at parang nag-iisip kung ano pa ang sasabihin niya.

Nangunot ang noo ko. "Maraming naka tsenelas dito, Kuya. Hindi ko malalaman kung sino roon, pwede ba? Hanapin mo nalang siya roon!" Tinuro ko iyong pwesto kung nasaan ang maraming tao. "Hindi ako tanungan ng nawawalang tao." Sabi ko at inirapan siya bago ako naglakad paalis.

"Saglit lang naman!" Napapikit ako ng mariin nang maramdaman 'ko ang mahigpit niyang hawak sa braso ko.

"Ano ba!" Singhal ko at inalis ang pagkakahawak niya sa akin. Napangiwi ako nang may dumikit sa braso 'ko na kulay puti. Malagkit ito na parang gatas. Nang inamoy ko ay parang maduduwal ako.

"Bastos!" Sigaw ko. "Bakit sa braso ko pa?! Shit. Sperm mo ba ito?!" Nanlalaki ang mata 'kong tinignan siya.

Napakamot lang siya sa kanyang ulo. "S-sorry, nagmamadali kasi ako--"

Kaagad 'kong inalis ang tsenelas ko at ibinato ito sa kanya. "Hayop ka! Ni lamok at langaw hindi dumidikit sa akin, tapos iyang sperm mo ididikit mo sa akin?! Ginagago mo ba ako?!"

"Sorry na nga di'ba?" Inis na sabi niya.

"Anong sorry? Matatanggal ba ng sorry mo yang sperm mo sa braso ko?" Naiinis na pinulot ko ang tsenelas ko at kaagad na nagtungo sa comfort room ng resort.

Padabog 'kong inopen ang faucet at hinugasan ang braso ko. Halos humiwalay na ang balat ko dahil sa diin ng ginagawa ko.

"Anong kasalanan ng faucet sayo at halos sirain mo na?"

Inis akong napatingin sa nagsalita. Nakakunot ang noo ni Charry habang inilapag ang plastic sa gilid.

"Charry Lazaro! Look!" Tinuro ko ang braso ko. "Nalagyan ng sperm 'yan! Kadiri, oy!" Padabog 'kong binuksan ulit ang faucet para hugasan muli ang braso ko. Lintik talaga ang lalaking 'yon!

"Seryoso?" Tumawa ng malakas si Charry at nang balingan ko siya ng tingin ay namumula na ang kanyang mukha. "Paano naman? Sperm talaga? Baka naman sipon lang 'yan!" Humagalpak muli siya ng tawa.

Napahinto naman ako. Oo nga ano? What if...

"Yawa," bulong ko at napapikit. Parang gusto 'kong maiyak dahil sa ginawa nang lalaking iyon.

"Bilisan mo na dyan, pinapatawag tayo roon." Bulalas ni Charry at natatawang iniwan ako.

Napailing nalang ako.

Nang alam ko nang malinis na ang braso ko at wala nang bahid ng amoy ay dali-dali rin akong lumabas ng restroom. Dumiretso ako sa may restaurant dahil doon naman palagi ang pwesto kapag may sasabihin si Sir Francisco. Si Sir Francisco ang Daddy ni Milky. Kung titignan mong mabuti ang mukha ni Sir Francisco ay talaga namang magka-mukha talaga sila ni Milky. Maganda naman ang Mommy niya pero wala man lang siyang nakuha rito ni isa, kahit man lang yata kulay ng mata ay wala.

"2 weeks ang magiging event dito sa resort, gusto ko malinis ang paligid. Si Sancha ang mag entertain sa mga bisita, alam mo naman na siguro ang mga gagawin mo?" Tumaas ang kilay ni Sir Francisco sa akin kaya naman mabilis akong tumango. Inabot niya sa akin iyong folder kaya naman kaagad ko itong inabot.

"Sa 2 weeks na iyon, alam 'kong wala kayong magiging pahinga. So, i will give you two days para mag focus muna sa mga kanya-kanya niyong buhay. Dahil once na sumapit na ang event dito sa resto, alam 'kong mapapagod talaga kayo." Paliwanag ni Sir Francisco at tumingin sa kanyang relo. Mabilis itong tumayo at inayos ang suot.

"Mauuna na ako, binilin ko na ang mga gagawin niyo. Kung makakalimutan niyo man nasa folder ang mga kailangan para sa event. Lapitan niyo lang si Sancha, because she was the one who have the folder." Ani niya at mabilis na tinalikuran kami paalis.


Magsasalita na sana ako nang biglang bumalik kaagad muli si Sir Francisco.


"May nakalimutan pa pala akong sabihin. Atty. Fuentavilla is one of the vip visitors. Gusto ko lang ipa-alala sa inyo, ayaw 'kong may kumekerengkeng sa event, trabaho lang dapat. Understood?"

"Yes, Sir!" Sabay-sabay naming sagot at nang makaalis na siya ay nagkatinginan kami ni Charry.

"Sancha! Atty. Fuentavilla, siya 'yong sinasabi mo, right?" Tanong niya at kaagad na kumapit sa braso ko pero kaagad niya namang tinanggal 'iyon. "Ay, oo pala, kinapitan pala ng sipon 'yan kanina!" Nandidiring sinabi niya at sinenyasan niya na akong lumabas na kami ng restaurant.


"Oo, 'yon yung abogado ni Tiyo Lito." Sagot ko nang makalabas na kami.


"Paano ba 'yan? Mukhang makaka score ka sa Abogadong 'yan, huh!" Siniko ako ni Charry. Sinamaan ko siya ng tingin pero tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Charry, pwede ba? Sa tingin mo ba papansinin niya ako? Hello, Abogado 'yon tapos isa lamang akong taga Isla na gumagawa lamang ng souvenir." Umirap ako at binilisan ang paglalakad para makauwi na ako. Dalawang araw ang binigay na pahinga namin kaya naman susulitin ko talaga ang araw na 'yon.


"What if, ayain mo siyang mag hiking? Oy, exciting 'yon! 2 weeks din kaya siya rito? Or aalis din kaagad? Vip lang naman, for sure hindi 'yon magtatagal dito." Sabi ni Charry at hinarang ako kaya napahinto ako sa paglalakad.


"Anong hiking pinagsasabi mo riyan? Tumabi ka nga, kung ano-ano ang pumapasok sa isip mo!" Singhal ko at tinakbuhan siya. 

"Hoy, Sancha! Sandali!" Sigaw niya at naririnig ko pa ang nakakalokong tawa niya.

Lost In PleasureWhere stories live. Discover now