Kabanata 13

20 2 2
                                    

Maaga kaming bumaba kinaumagahan. Medyo madilim pa ng umalis kami para hindi kami maabutan ng init sa daan. Gaya ng pagpunta namin dito ay sumakay muli kami ng yacht.

Bagsak ang katawan 'kong naupo sa tabi ni Sancho. Pero napahinto ako ng makitang parang galit ito. Napatingin ako sa gawi kung saan siya nakatingin. Kumunot ang noo ko ng makitang si Milky ang tinitignan niya. May kausap itong lalaki. Maputi ito at magkasing tangkad lang sila. Malawak pa naman ang ngiti ni Milky habang kausap iyong lalaki kaya hindi na ako magtataka kung bakit ganito nalang ang reaksyon ni Sancho.

Siniko ko siya. "Psst, selos ka?" Pang aasar ko.

Sinamaan niya ako ng tingin kaya halos matawa naman ako sa itsura niya.

"Ako magseselos?" Pabulong na sabi niya. "Walang-wala yan sa kapogihan ko, Ate."

Pabirong humawak ako sa dibdib ko. "Ha? Pogi ka ba?"

Pero mas lalong umasim ang mukha niya sa sinabi ko. "Baka nakakalimutan mo, Ate Sancha, Saavedra ako, tayo."

Kumunot naman ang noo ko. "Ano naman?"

"Magaganda at gwapo ang mga Saavedra!" Masungit niyang sabi.

Napailing nalang ako at natawa sa kanya. Halos inaasar ko lang siya hanggang sa makarating na nga kami sa resort. Tulong-tulong nga sa pagbuhat ng mga gamit.

Next destination kami namin ay sa may Rancho sa may falls. Naka ready narin kasi roon iyong mga horses.

May tatlong oras para magpahinga muna rito sa resort bago magpatuloy sa may Rancho. Hindi pwede sa amin ang pahinga ngayon dahil kailangan talaga namin asikasohin ang mga bisita. May mga bumalik sa kanilang rooms at ang iba naman ay naligo sa dagat.

Kaagad 'kong naalala iyong mga ginawa 'kong necklace. Nagpaalam muna akong uuwi muna para kunin ang mga iyon. Pagkauwi ko nga ay napakaraming tanong ni Nanay. Hindi ko halos nasagot iyon sa pagmamadali dahil baka ay hinahanap na ako sa resort.

Habol ang hininga ko nang makabalik nga ako sa resort. Kinuha ko iyong rattan table para ipwesto nga sa labas. Ni-ready ko nga lahat ng mga pearls at shell ko roon. Necklaces, bracelet, anklet and earrings.

Napangiti ako ng maiayos ko na lahat iyon.

"Magkano?"

Kaagad akong nag angat ng tingin sa nagsalita. Lumawak ang ngiti ko ng makita si Ceo Silas. Nakasuot siya ng sumbrero, naka white polo shirt siya at black na short.

"Alin ba riyan?" Turo ko sa mga pearls.

"Ikaw?" Tumaas ang sulok ng labi niya.

"Ako? Anong ako?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

Natawa siya. Hindi niya ako sinagot at nagsimulang pumili siya sa mga necklaces.

"I want this one," tinaas niya iyong pinili niya. "Anong tawag dito?"

"Ah! That's what i called Nassa Necklace with cowrie."

Tumango tango siya at tinitignan ng mabuti iyon.

"How much?" Tanong niya at nilabas iyong wallet niya.

"100 nalang for you, Ceo." Ngumiti ako.

Napahinto siya sa pag abot ng bayad. "Uhmm, you can call me Silas."

"Ohh, okay." Sagot ko kinuha na iyong bayad sa kanya. "Thank you, Silas!"

Lost In PleasureWhere stories live. Discover now