Kabanata 7

1 0 0
                                    

7am na nang magsimula ang party. Ang iba naman ay kanya-kanya na silang punta sa mga rooms nila. Ako na ang nag guide sa kanila dahil alam ko namang pagod na ang iba sa kanila. But the others ay nanatiling naroon sa ibaba dahil kakasimula nga lang ng party.

"Ito po yung kwarto niyo, Room 10." Sabi ko at binuksan iyong pinto. Nauna akong pumasok at chineck ang mga gamit kung kompleto ba. There a three king size bed. Since family naman sila ay dito na ang room nila.

"Tawag lang po kayo kapag may kailangan kayo, or kapag nakapag pahinga na po kayo pwede po kayong pumunta sa ibaba to join the party." Sabi ko at lumabas na.

Sinunod ko naman ang Family Suaco. "Room 20 po kayo," Sabi ko at gaya ng ginawa ko sa kabila ay ganon din ang ginawa ko rito.

Nang maiguide ko na ang lahat ay pababa na sana ako ng makasalubong ko si Attorney Zavier.

Napalunok ako at hindi nalang siya pinansin at tumuloy ako sa paglalakad.

"Where's my room?"

Napahinto ako sa paglalakad ng mag salita siya. Lumingon ako sa kanya at nanatiling nakatalikod ito at nakapamulsa.

Tumikhim ako at muling naglakad pabalik para ipakita sa kanya ang magiging room niya. Oh, actually a VIP ROOM.

"Here's your room, Attorney." Sabi ko at itinuro sa kanya. "VIP ROOM 020." Binuksan ko na iyong pinto at iginaya siya sa loob.

"Ako lang ba rito?" Tanong niya at ipinalibot ang tingin sa kabuoan ng kwarto.

Kumunot ang noo ko sa tanong niya. "Are you expecting someone to join you here, Attorney?" Tanong ko.

Napahinto naman siya at tumingin sa akin. Malamig ang kanyang tingin kaya naman napayuko ako.

Hinintay ko ang sasabihin niya pero ilang minuto na ang lumipas ay hindi parin siya nagsasalita. Nag angat na ako ng tingin sa kanya at nagkasalubong ang tingin namin.

"Well," nagkibit balikat nalang ito at tinalikuran ako.

"If you need anyth--"

"You may now go," putol niya sa sasabihin ko.

Napatango naman ako at lumabas na. Napabuga ako ng hangin ng makalabas na ako. Mabilis akong bumalik sa ibaba at nagkakasiyahan na nga sila roon. Siguro kung nasa kabilang Isla ako ay makikita ko talagang may masayang nangyayari ngayon dito.

Kaagad hinanap ng mata ko si Charry. Kanina ko pa siya hindi nakikita. Palinga-linga ako sa paligid hanggang sa nakita ko siyang maraming kasama. Naglakad ako papalit doon.

"Charry," tawag ko sa atensyon niya.

Napahinto naman siya sa pagtawa at lumingon sa akin. Kaagad na lumiwanag ang mukha niya ng makita ako.

"Sancha!" Hinila niya ako sa pwesto niya at kaagad akong napatingin sa mga kasama niya.

Nagulat ako nang makita ko si Engr. Zalde. Kaagad akong nag-iwas ng tingin ng maalala ko iyong nangyari kanina.

"Nga pala, this is Sancha Vxy Saavedra, my friend." Pagpapakilala sa akin ni Charry. "Sancha, this is Family Fuentavilla."

Nakagat ko ang labi 'kong nag angat ng tingin sa kanila. Napatingin ako sa katabi ko at kaagad naman niya akong nginitian.

"Hi, I'm Engr. Zazxhe Fuentavilla, 35yr old. First born of Fuentavilla." Pagpapakilala niya.

Umawang ang labi ko at tinignan siyang mabuti. May pagkakahawig sila ni Attorney Zavier.

Sunod ko namang tinignan iyong katabi niya, si Engr. Zalde.

"Engr. Zalde Fuentavilla, 34yr old." He winked.

Kaagad akong nag-iwas ng tingin sa kanya. Palihim naman akong kinurot ni Charry kaya kaagad ko siyang sinamaan ng tingin.

Tumikhim ako at tinignan ko kung sino ang katabi ni Engr. Zalde. Napakurap-kurap ako ng makitang gaano siya kaganda. Para siyang girl version ni nina Atty at Engr. Matamis itong ngumiti sa akin, para siyang anghel na bumaba dito sa lupa.

"Hello ganda, I'm Engr. Livia Fuentavilla, 28yr old. Nice meeting you." She smiled widely at kumindat pa ito.

Natulala lang ako sa kanya. Grabe, hindi ako makapaniwala na nasa harapan ko sila ngayon. Natauhan ako nang tumikhim ang katabi nito. Kaagad akong napatingin doon. At the second time, i was shocked again. Para silang kambal kung tignan.

She waved at me. "Hi, I'm Engr. Luciya Fuentavilla, 25yr of living. Sister of Engr. Zazxhe, Engr. Zalde, Atty. Zavier, Engr. Livia."

Wala akong masabi. Ni halos ngumiti ay hindi ko magawa dahil sa pagkamangha. I can't believe this is happening right now. Today, i met the Fuentavilla Family. I mean Fuentavilla Siblings.

"Dito sa kabila naman ay ang cousins nila at friends." Turo ni Charry.

Tumango naman ako at ngumiti sa kanila. Bigla tuloy akong nahiya. Pakiramdam ko ay hindi ako nababagay sa kanila.

Kaagad akong napatingin ng lumapit sa akin iyong isang lalaki at nagpakilala.

"Hi Miss, I'm Captain Hunter Fuentavilla, cousin of Fuentavilla Siblings." He smiled at me.

Bumalik din siya sa kanyang pwesto at kaagad namang sumunod yung isa pa.

"I am Ceo Silas Fuentavilla, cousin of Fuentavilla Siblings." He smiled at me.

Isa isa ko silang tinignan at halos manlumo ako. Ang gagwapo at ang gaganda nila. Iba talaga ang Family Fuentavilla. Hindi na ako magtataka kung maraming magkakagusto sa kanila.

"Ayan, kilala mo na sila lahat." Sabi ni Charry at nag simula na siyang makipag daldalan sa kanila. Mabuti pa si Charry makapal ang mukha. Samantalang ako ay nilalamon ako ng hiya rito.

"Don't be shy, ganda."

Nagulat ako ng lumapit sa akin si Engr. Livia. Umakbay ito sa akin at halos mapapikit ako ng nanuot sa ilong ko ang amoy niya. Grabe amoy mayaman talaga!

"We can be friends, huwag ka mag-alala kasi mababait kami. If you want isama ka namin sa Manila para makapag bonding tayo, right guys?" Sigaw niya at nag hiyawan naman ang mga kasama niya.

"Kaya nga, sumama ka sa amin. Welcome ka sa amin." Sagot ni Engr. Zalde.

Napangiti naman ako sa kanilang lahat. Talaga ngang mababait sila.

"I've heard that si Kuya Zavier ang may hawak ng kaso ng Tiyo niya, right?" Lumapit sa amin si Engr. Luciya.

Nawala ang ngiti ko ng banggitin niya iyon. Tumabi ito sa akin at ngayon ay pinagigitnaan na nila akong magkapatid. Si Charry ay wala na pala sa tabi ko dahil nakakapit na pala ito kay Ceo Silas. Lumandi agad.

"Luciya, you're ruining the mood. Let's enjoy this party, okay? Yang utak mo lumilipad." Sagot ni Engr. Livia.

"Sinasabi ko lang, Ate." Sabi naman ni Engr. Luciya. Tumingin ito sa akin at nginitian ako.

Lost In PleasureWhere stories live. Discover now