Kabanata 11

2 0 0
                                    

Narito ako ngayon sa loob ng tent. Mag isa ko lang dahil ang mga kasama ko ay nasa labas na. Nagkakasiyahan na sila roon habang ako ay narito pa sa loob. Kinakalikot ko lang ang camera ko at tinitignan lahat ng pictures mula sa resort hanggang dito.

Napabuntong hininga ako at kinuhanan ko ang sarili ko. Naka ilang take din ako hanggang sa makakuha ako ng magandang anggulo. Napangiti tuloy ako sa sarili 'ko, bagay na bagay talaga ang ayos ng buhok ko ngayon.

Thanks to Ceo Silas for braiding my hair. Napaka talented niyang lalaki.

"Sancha, tara na rito sa labas! Shot na tayo!" Sigaw ni Charry mula sa labas.

"Sunod ako," sagot ko.

Napabuntong hininga ako. Parang bonding lang ng mga magtotropa ang nagaganap ngayon. Parang hindi mo maramdaman na mga mayayaman at matataas ang mga tao ngayon dito.

Inalis ko ang pagkakabraid ng aking buhok. Mas komportable kasi ako kapag nakalugay ang buhok ko sa gabi.

Natawa ako ng makita ko ang mukha ko sa camera ng cellphone ko. Talaga nga namang para na akong si Moana dahil sa sobrang kulot ng buhok ko. Bago ako lumabas ay kinuhanan ko muli ng litrato ang sarili ko.

Pagkalabas ko nga ay kanya-kanyang pwesto na naman ang iba. Sobrang saya nilang tignan. Nagliliwanag talaga ang bundok ngayong gabi dahil sa mga ginawang bonfire at mga solar lights. Nasa gilid ang table na punong-puno ng mga prutas at alak. Sa kabilang table naman ay ang mga seafood na sa tingin ko ay ginagawa nilang pulutan.

Ang mga lalaking Fuentavilla naman ay nasa may gilid ng kanilang tent at nag-iinuman. Pero napahinto ako nang marinig ang pagtugtog ng gitara. Nang makita ko ang hawak na gitara ni Attorney Zavier ay kumunot ang noo ko. Paanong napunta iyon sa kanya?

"Hi, Ate Sancha!"

Napatalon ako sa gulat ng magsalita sa tabi ko si Sancho. Tumingin siya sa gawi nila Attorney Fuentavilla at ngumiti ito. At mukhang hindi ko na kailangan tanungin kung bakit nakay Attorney ang gitara ko.

"Paano ka nakasunod dito?" Tanong ko kay Sancho at tinaasan siya ng kilay.

Natawa naman siya. "Nandito kaya Ang best friend ko."

Nagtaka ako. "Best friend? Sino?"

Tinuro niya si Attorney Zavier. "Best friend na kami ni Kuya Zavier." Ramdam ko ang pagmamayabang sa kanyang boses.

Tinawag niyang Kuya si Attorney Zavier. Pwede naman pala yun, e! At ano kayang ikinagagalit niya kanina?

"Ang galing niyang gumamit ng gitara, Ate Sancha. Kanina pa kaya siya riyan at hindi pa siya napapagod." Pagkwento niya.

"Ano naman kung marunong? Bakit? Marunong din bang kumanta 'yan?" Tanong ko.

Tumawa lang siya at parang hindi makapaniwala sa tanong ko. "Si Kuya Zavier? Aba! E nakailang kanta na nga siya mula pa kanina! Baka nga kapag narinig mo siyang kumanta ma inlove ka sa kanya."

Napaismid naman ako. "Naririnig mo ba yang sinasabi mo, Sancho? Hindi ka ba nandidiri?"

"Nagsasabi ako ng totoo, Ate Sancha. Ikaw kung ayaw mong maniwala, edi wag." Sabi niya at mabilis na lumapit sa gawi nila Attorney Zavier.

Natuon ang atensyon ko kay Attorney habang hawak-hawak ang gitara ko. Pero nadismaya ako ng huminto ito at napansin niyang nakatingin ako sa kanya. Nag angat siya ng tingin sa akin. Hindi nakawala sa paningin ko ang pagtaas ng sulok ng kanyang labi.

Tumayo ito at naglakad papalapit sa gawi ko. Bigla akong nataranta. Papagalitan niya kaya ako? Ano kayang sasabihin niya sa akin? Aalis na ba ako? Magtatago na ba ako?

Aalis na sana ako ng magsalita siya.

"Kapag si Hunter at Silas ang lumalapit sa'yo hindi ka lumalayo." Aniya na ikinahinto ko.

Nakagat ko ang labi ko at nahihiyang humarap sa kanya.

"H-ha?" Wala sa sariling sabi ko. Napalunok ako at halos habulin ko ang hininga ko ng mas lalong lumapit siya sa akin.

Nakatingala ako ngayon sa kanya dahil sa sobrang tangkad niya.

"Don't you dare to turn your back at me, Moana." Tumaas ang kilay niya.

Kumunot ang noo ko sa tinawag niya sa akin. Tinawag niya rin akong Moana.

"H-hindi ako si Moana, a-ako si Sancha!" Natatarantang sabi ko.

"What should i call you then?" Tanong niya at mas lalong lumalapit sa akin. Napapaatras naman ako sa paraan ng paglapit niya.

"Sancha nalang ang itawag mo sa akin," sabi ko. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Parang gustong lumabas nito at tumalon talon sa saya.

"Nevermind," sabi niya at umigting ang kanyang panga.

Nang lumayo siya ng kaunti ay doon ako nakahinga ng maluwag.

"Maganda ba ang punchline ni Hunter at Silas? Do you like it? Masaya ba sila kasama?" Sunod-sunod niyang tanong.

Nagtatakang tinignan ko siya. "Bakit mo tinatanong?"

Tumaas ang kilay niya. "You want fruits?" Pag-iiba niya sa usapan.

Palihim akong napairap at dahan-dahang tumango sa kanya. Mabilis naman siyang lumapit sa mesa kung nasaan ang mga prutas. Kumuha lang siya ng isang pirasong apple at kaagad namang ibinigay sa akin.

"Thanks," tipid 'kong sabi at hindi na nagsalita.

"Apple is my favorite," kapagkuwan ay sabi niya.

Napahinto ako sa pagkain at tinignan siya. "Not my favorite..." Sagot ko.

Tumikhim siya. "Really? What's your favorite --"

"Banana," kaagad 'kong sagot.

"Okay, then."

Parang gusto 'kong matawa ng mabilis siyang lumapit muli sa mesa at kumuha nga ng saging.

"Here," inabot niya sa akin iyon.

Magsasalita na sana ako ng biglang lumapit sa amin si Capt. Hunter.

"Oh! Hi, Moana!" Bati niya sa akin kaya naman napasimangot ako sa kanya.

"Pati ba naman ikaw?" Sabi ko at humaba ang nguso ko.

Natawa naman siya at ginulo ang buhok ko. Nagmukha tuloy akong bata.

"The fishermen come back from the sea, I wanna see. Don't walk away, Moana stay on the ground now. Our people will need a chief, and there you are." Pagkanta niya.

Natuwa naman ako. "Ang galing naman!" Pagpuri ko sa kanya.

"Tsss,"

Napatingin ako kay Attorney Zavier ng mabilis itong umalis.

"Anong nangyari roon?" Nagtatakang tanong ko kay Capt. Hunter.

Tumawa siya at parang nang aasar na tinignan si Attorney Zavier.

"Natotorpe 'yon, ano?" Sabi niya.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Natotorpe?" Nagtatakang tanong ko.

Kaagad naman siyang umiling at natawa.

"Torpe kahit kailan talaga," naiiling na sabi niya at inaya niya akong magpunta sa gawi nila Charry.

Lost In PleasureWhere stories live. Discover now