Chapter 10

7 6 0
                                    

   Good day Readers hope you are doing all fine. In this chapter, I will give Marcus mother a little participation or POV to make it more interesting

Amanda's POV

      Nabigla si Amanda sa sinabi ng anak na magpapakasal na ito, ni hindi man lang niya nakita ang babae na tinutukoy nito. Minsan ng naikwento sa kanya ni Iñigo at Marcus ang tungkol dito, isa daw itong empleyado nila sa kompanya. Inamin naman ng anak niya na si Marcus na single mother ito, wala naman problema sa kanya yun dahil may anak narin ang kanyang anak pero di yun ang dahilan. Nagtataka siya kung bakit bigla ito nagdesisyong magpakasal?Ang pagkakaalam niya ay ilang buwan palang ang relasyon ng mga ito. Di siya tumutol sa babaeng gusto nito dahil gusto niya rin maging masaya ang anak niya, ayaw niya lang ito ulit masaktan. Gwapo ang mga anak niya at masasabing kayang kaya nitong bumuhay ng pamilya subalit di pa makatagpo ng mga babaeng dapat nitong mga makasama.

     Gusto niyang makilala ang babaeng nag ngangalang Angela, napaisip siya sa saglit. Gusto niyang makasiguro na karapat-dapat itong pakasalan ng anak, kung pumunta kaya siya sa penthouse ng anak?Minsan narin kasi naikwento ito ni Iñigo na nagpunta na ito sa bahay ng kanyang kapatid pero di dapat niya sabihin sa mga ito dahil alam niyang tututol ang mga anak. Sana lang ay matiyempuhan niyang nandun ito, wala naman siyang gagawin dahil simula nang matutong humawak ng businesses nila ang mgs anak ay katuwang na ito ng kanilang ama. Halos konti nalang ang ginagawa niya kaya minsan ay naiinip siya, wala man siyang makasamang gumala o minsan makasama man niya ang mga ito ay iba naman ang gustong gawin dahil puro lalaki nga ang mga anak. Si Iñigo naman ay ayaw pang mag-asawa, mukhang mauunahan na naman ng kapatid. Gusto niya na magkaruon ng maraming apo, samantalang yung anak ni Marcus ay ayaw pang ibigay ng ina dahil marami pa itong makukuha sa anak pero kilala niya ang kanyang anak. Matalino ito at alam niyang mananalo ito sa custody, yun din ang isang kinatatakot niya na maulit muli ang nangyari dito.

     Pero iba ang nararamdaman niya, marinig palang niya ang pangalan na Angela parang iba pakiramdam niya ay magugustuhan niya ito.

    Siniguro ni Amanda na wala ng tao sa kanila dahil siguradong tatanungin na naman siya ng asawa, kahit may edad na sila ay possessive parin ang asawa niya na mukhang namana pa ng mga anak. Kaya laking tuwa nito ng makatuwang na nito ang mga anak nila, di na siya ang makikipag negotiate sa mga kliyente.

    Nang masiguro niyang wala ng tao sa bahay maliban sa mga kasambahay nila, sinabihan niya ang mga ito na may pupuntahan lang siya at wag ng magsabi sa Sir Edward nila. Natakot ang mga ito pero sinabihan naman niya saglit lang siya, saka wala rin naman magagawa ang asawa niya siya pa magagalit dito pag nagkataon na sermunan siya nito.

Angela's POV

        Naiwan si Angela mag-isa sa bahay ni Marcus pumasok na ulit kasi ito pero nagrequest ito na ipagluto niya ng carbonara dahil favorite daw nito yun. Ipapakuha nalang daw nito sa driver mga bandang 11:00 am. Tumingin siya wall clock, 9:00 am na. Nilabas na niya lahat ng ingredients, na isip niya rin gumawa ng garlic toast bread buti nalang kumpleto ang nobyo niya ng mga gamit at pagkain. Napaka-organize lahat ng gamit nito kaya natatakot din siyang magluto dahil medyo makalat ang gawain na yun, bahala na lilinisin nalang niya.

    Nagpakulo na siya ng tubig para sa pasta, habang inaantay niyang kumulo yun naghiwa na siya ng mga ingredients. Ihuhuli nalang niya ang tinapay para sa garlic toast bread dahil madali lang naman gawin yun, dadagdagan nalang niya ang lulutuin para kay Sir Iñigo. Naisip niya ang kaibigan kaso baka magalit na naman si Marcus, mapait siyang ngumiti.

     Nang matapos na lahat ang nilutp niya ay tinikman niya yun, para sa kanya ay masarap yun sana magustuhan ni Marcus at Sir Iñigo. Nagtimpla narin siya ng fresh lemon juice buti nalang talaga wala na siyang iintindihin kung san ilalagay ang mga niluto. Nilagay siya sa malaking topperware yun at may isang malaking tumbler duon niya sila sinalin ang fresh lemon juice. Nagtira nalang siya ng para sa kanya para di na rin siya magluluto ng tanghalian. Malapit na rin dumating ang driver ni Marcus.

Let's Face Your Fear of Loving AgainWhere stories live. Discover now