Hindi ko alam na maghahalikan kami ni Orm sa unang beses palang naming pagkikita for the project. I wasn't ready for it dahil doon lang ito sinabi sa amin and I really thought na mag i-script reading lang kami that day but before it even started ay inutusan na kaming dalawa ni P'Nay to kiss. Sobrang lakas at bilis ng tibok ng puso ko dahil it will be the first time that I will be kissing a girl... and it's no other than the cute and goofy Kornnaphat Sethratanapong.
My hands were sweating pero parang wala lang ito kay Orm... and there it goes, my first ever girl kiss that was witnessed by everyone na nasa set. Nabigla ako as Orm quickly leaned towards me and kissed me at walang masyadong tumatak sa utak ko sa sandaling iyon but how good I felt, I suddenly feel warm, my heart was beating so fast and how different her lips feels. It felt so soft and god she smells so good. Hindi ko alam ang ginagawa ko sa sandaling iyon dahil masyado akong nakatuon sa sarap ng halik ni Orm and ang alam ko lang ay nagpapalakpakan na sila at pinupuri na nila kami. At halos bibigay na ang tuhod ko sa sandaling iyon then Orm was just laughing it off like it was no biggy then she wiped the tears I never knew I had and she gently kissed my forehead and cheek. Hindi ko alam kung bakit kami naiyak, were we overwhelmed by our kiss?
Bagay daw kami at ang lakas daw ng chemistry namin na nagpakilig pa daw sa kanila ang ginawa namin ni Orm and since satisfied naman sila sa kanilang nakita, pagkatapos namin doon sa set ay nag punta na kami sa isang room at nakita na namin ang ibang mga casts, crews at iba pang bumubuo sa gagawin naming sapphic series and nag tuloy na kami sa agenda that day which was script/table read.
Bago pa dumating ang araw na ito kung saan magkikita kaming lahat ay nilo-look forward ko na talaga to be a part of this project kasi pagkabigay na pagkabigay pa lang sa akin ng script ng manager ko ay excited ko ng binasa agad ito pati na rin ang novel nito at nagpasyang mag a-audition dahil parang ako lang din sa totoong buhay si Dr. Fahlada. Parang habang sinusulat ito ng writer ay ako ang nasa isip niya at buti na lang ay nakatanggap ako ng offer para mag-audition sa part ni Earn and Dr. Fahlada and luckily ay nakuha ko ang part ni P'Mor.
Hindi ko pa alam kung sino ang makakapareha ko but my manager had given me a list ng mga posibleng makakapareha ko sa series and I was really hoping na sana it will be Orm. Nakasama ko na kasi siya dati pa sa isang acting class five years ago and in some events, but we haven't really got a chance na makapag-usap talaga or maging close and I really think na mas bagay sa kanya ang role ni Earn. At pinakilala na nga kami sa unang pagkakataon at ang pinagawa agad sa amin ay ang maghalikan! Ahhh gosh... who would have thought that the first thing we'll do sa pagkikita namin is to kiss agad-agad... akala ko during rehearsal sa taping na iyon mangyayari pero mali pala ako. Hindi ko napaghandaan... ah what did I had earlier ba? Nakapagtoothbrush ba ako kanina after eating tom yum? Mabango kaya ang hininga ko when we kissed? Ahhh! Gosh si Orm pala ang unang babae na mahahalikan ko! If it wasn't for this series ay hindi ko aakalain o iisipin na makakahalik ako ng isang babae...
"...Lingling" nakangiting pukaw sa akin ni Orm na kinukurot pa ako ng mahina sa hita. "turn mo na." pabulong niyang wika sa akin na nagpatindig naman ng balahibo ko, mabuti na lang I was wearing a cardigan at hindi nila ito makikita.
"Oh sorry." nahihiya kong wika sa lahat dahil oras ng trabaho ay lumilipad ang utak ko and Orm was so kind to tell me kung saang part na kami. She leaned closer sa akin at itinuro ang line na babasahin ko. "Thanks Nong Orm." mahina kong sabi sa kanya na nakangiti rin, sabay nilakasan ko na ang boses ko as I read my lines na in character na.Naging successful naman ang pag-table read namin that day at pagkatapos noon ay magpapahinga lang kami ng ilang araw at pinaghahanda na kami for the workshop at para sa filming ng pilot episode which is mabilis lang itong natapos dahil mga tatlong minuto lang ito na clip at pagkatapos noon magshoshoot na para sa first episode na gaganapin sa Toscana Valley sa Khao Yai province para sa scene sa Italy kung saan unang magkikita si Dr. Fahlada at Earn.
At simula ng taping at promotional guestings ay lagi na kaming magkasama ni Orm, like spending every hour of the day with her and we should always act sweet pa palagi lalo na 'pag nasa harap ng camera para magpakilig sa mga fans at para mas dumami pa ang mahahatak naming fans locally and globally.
Madali lang naman sa akin sa simula kasi nature na talaga 'ata ni Orm ang pagiging sweet, childish, cute at clingy kaya sinasabayan ko na lang siya and I would just simply follow her lead. She's really fun to be with... pag hindi tulog! Haha she's always been sleeping sa set! 'Tong babaeng 'to, tulog na naman sa bed habang nagbibreak kami just before the scene when she got sick at aalagaan ko siya. She was able to sleep soundly kahit nagkakagulo pa sa set. Parang bata lang talaga eh... ang cute.
As the filming progresses ay ganoon din ang bond namin ni Orm, mas lalo pa kaming naging close and my acting comes naturally na parang hindi na ako nag-aacting kasi ganoon din ang gusto kong makita sa kanya, na lagi siyang masaya and I don't want to see her sad o nahihirapan... just like Dr. Fahlada felt towards Earn. Feeling ko nga hindi kami nagshoshooting sa set eh, parang naglalaro or nagbabonding lang kami ni Orm sa set and with how sweet P'Mor kay Earn, kinikilig din ako lalo na sa scene noong Valentine's Day when Fahlada gave Earn a bouquet of red roses and asked her to be her girlfriend. What I felt during the rehearsal earlier that day sa scene was different from the actual shooting that only took one take from the both of us. That one peck on my lips from Earn when she agreed to be Dr. Fahlada's girlfriend na wala sa script had changed everything.
BINABASA MO ANG
The Real Secret of Us
FanfictionI know, everything should just be an act, a fan service na magpapakilig sa mga fans namin... but what I am really feeling and showing right now... is no longer an act. And it's a secret that I must keep!