Nong Orm!

68 4 0
                                    

Wala iyon sa script at hindi ko alam kong ano ang pumasok sa utak ni Orm when she kissed me habang nakaluhod ako asking her to be my girlfriend. Kahit wala iyon sa script ay sinama na rin ito ni P'Nay dahil nagandahan siya sa kinalabasan nito. That kissed took me by surprised kasi hindi ko inaasahan na gagawin niya iyon and somehow it made me really happy na parang sinagot niya nga talaga ako sa totoong buhay at girlfriend ko na siya. That made me feel somehow delusional kasi it was all an act after all. But why am I feeling this way?

"Bakit mo ginawa iyon eh wala naman 'yon sa script?" tanong ko sa kanya after nag cut na ng scene when we were both standing na.
"I don't know, I just feel like doing it... ang cute mo kasi." parang nang-aasar niyang wika na nakangiti pa. Gosh ikaw kaya 'yong cute, Orm!
"So girlfriend na kita ngayon." seryoso kong wika as I held her hand at tumawa siya.
"Oo naman! Sinagot na ni Earn si Dr. Fahlada eh!" sabay dila at tawa niya. Sigh what could I expect from her diba? I am still holding her hand and somehow I just really wanted to kiss her.
"Ready ka na sa next scene? Rehearse tayo?" tanong ko sa kanya hoping na pumayag siya para mahalikan ko siya.
"Oo, ako pa ba?" mabilis niyang sagot na may nakakalokong ngiti and her face was inching closer to mine and she even held my face na nagpabilis naman ng kabog sa dibdib ko and just as our lips were about to touch, she moved back away from me na tumatawa then she hugged me tight na may kasama pang panggigigil. "Ang cute-cute  mo talaga P'Lingling!" Yup that's Orm for you! She just really loves teasing me. Kalma puso... kalma puso... kalma... bakit nagkakaganito ka na? Nagmadali akong nagtungo sa banyo to get away from her and when I looked at the mirror, my face was flushed. Nong Ormmm!!! Gusto kong mag hilamos but controlled myself kasi hindi pa kami tapos kaya kinalma ko na lang ang puso at sarili ko.

Madali lang katrabaho si Orm, seryoso siya kapag nagshoshoot na kami ng scene at 'pag hindi naman, ay siya naman ang buhay sa set dahil sa sobrang kakalogan niya, she has a lot of energy... that is, kung hindi siya tulog dahil sa puyat at pagod. I do admire her actually, she's managing both her busy acting career and her studies. Nakakabilib!

Hay, ang batang ito, ginugulo na naman ako pagkabalik na pagkabalik ko sa set. She's really sweet, she hugged me and was smelling my hair and my heart started to beat erratically again.
"I need energy for the next scene." sabi niya na nasa leeg ko ang mukha niya. Oh Nong Orm!

I looked into her eyes, those fascinating amber orbs that mesmerized me. I was lost, it was pulling me towards her and I found myself holding her face and slowly inching closer to kiss her lips. And oh boy! I tasted heaven when my lips touched hers and we started kissing. I've kissed her before but this kiss felt different and I don't know how to put it in words, all I knew was that I didn't want the kiss to end... ang sarap. Buti na lang nakailang take din kami sa scene na iyon na masyado ko 'atang inenjoy at sinamantala to be able to kiss her over and over again. Yes, I did feel bad dahil tini-take advantage ko itong trabaho na to sa pansarili kong dahilan. But I was giving my all on those takes. It was no longer an act for me, I really wanted to kiss Orm.

I was watching at the monitor kung saan mabilis na humalik sa akin si Orm nang sinagot niya ako and I can definitely see how happy I was on the screen. Then 'yong scenes kung saan hinalikan ko si Orm after niya akong sagutin ay natakot ako sa nakita ko. It was a look of someone who's really in love. Am I really in love? Or ganito na ba talaga ako kagaling umarte? P'Nay was happy with the takes we've done kaya nag lunch break na kami then after ay nagbihis na for the next scene.

When I handed her the jigsaw puzzle as a gift ay kinilig ako at sobrang saya ko? At nakikita kong ganoon din si Orm. Madali lang kaming natapos sa scene na iyon at itinuloy na namin ang next scene kung saan kumain kami ng slice ng apple at tapos na agad kami. Are we still even acting? Parang ang dali na lang kasing gawin ng mga scenes at i-portray ang emotions na gusto ni P'Nay. Kitang-kita sa monitor on how in love we are with each other and I was screaming inside sa kilig. Sobrang na internalized ko ba si Dr. Fahlada kaya I was so into her character and even her emotions? Am I this good of an actress na ba?

That night ay hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa daming tanong na gumugulo sa isip ko and I was assessing din myself. Have I fallen for Nong Orm? I know I like her because she's such a lovely person, she's sweet, kind, caring, witty and a goofball, idagdag pa na sobrang ganda niya at sexy pa... and those eyes, god those amber eyes. She's really fun to be with and there's no dull moments with her at feeling ko nga ay nahahawa na ako sa kakulitan niya. She's really something kaya hindi malabong magkagusto sa kanya ang isang tao na lagi niyang kasama. So, nagkakagusto na ba ako sa kanya? Bakit ba kasi hinalikan niya ako bigla! Nabigla tuloy ang puso ko at kinilig. Hay ka Nong Orm anong gagawin ko sa iyo?

I looked and felt so tired the next morning at kailangan ko pang mag gym before going to the set. Do I even have the energy to exercise? Kahit ayaw ko pa ay kailangan ko dahil we need some footage to be posted online. Ughhh I hate this! Sa isip-isip ko while stretching and when I saw the video afterwards ay mukha lang akong determinado at hindi mukhang naiinis. Mabuti na lang.

"Lingling Kwong!" sabay yakap ni Orm sa akin.
"Nong Orm." walang gana kong wika na kumalas sa yakap niya at nginitian siya. Wala akong energy para patulan ang kakulitan niya. Habang nag-aayos pa sila ay nag nap muna ako dahil nakabihis at make up na ako at naghihintay na lang na mag start na magshooting.

Nagising ako sa masarap at mabangong aroma ng kape na bitbit ni Orm, nakatayo siya sa harap ko na nakangiti at inabot sa akin ang kape pagkakita niyang nagising na ako.
"Sana magising ka nito kasi 'pag hindi ay yayakapin lang kita hanggang sa magka-energy ka na."
"Thanks Nong Orm." inaantok ko pang tugon sa kanya.
"You're welcome P'Lingling." nakangiti niyang wika at umupo siya sa tabi ko. "Bakit pagod ka po pala? Hindi ka ba nakatulog ng maayos kagabi?" tumango lang ako and took a sip on the coffee she gave me. "Do you want a massage?" offer pa niya, sabay hinawakan ang kamay ko at minasahe ito. The moment she held my hand sent shivers throughout my body. What are you doing to me Orm? "Is this okay?" tanong niya sa pagmamasahe niya sa kamay ko, hindi siguro siya mapakali dahil first time niya siguro akong nakitang ganito and she's really trying her best. And cute-cute niyang nakafocus talaga sa pagmamasahe. Gusto kong kurutin ang pisngi niya! Nong Orm! Pa-fall ka! 'Pag ako nahulog at hindi mo ako sinalo lagot ka talaga sa akin!

The Real Secret of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon