Wakey-Wakey

73 3 2
                                    

Nasa banyo na naman ako, nagtatago kay Orm. Gustong-gusto ko talagang pumunta sa rooftop ng ospital para makalanghap ng sariwang hangin, maaliw saglit sa tanawin at pakalmahin ang sarili ko pero hindi ko na tinuloy dahil hindi ko dala ang phone ko at baka sakaling kailanganin na nila ako for the next scene ay matatagalan silang hanapin ako kaya minabuti ko na lang na sa pinakamalapit na banyo sa set magpunta para madali nila akong mahanap kung sakaling magsisimula na kami. Pero sa totoo lang, I really wanna be somewhere else! Away from here... away from Orm.

Ang tanga-tanga mo Lingling Kwong! It should have just been in your head!!! Bakit lumabas sa bibig mo 'yon? Now she knows about it! Stupid! Grrrr! I was even pulling my hair out of frustration. What am I going to do now? My mind was preoccupied sa pag-iisip kung ano ang ibibigay kong dahilan kay Orm kung sakaling tanungin niya ako tungkol sa nasabi ko kasi alam ko she won't let it go lalo na sa inasta kong biglang pag-iwan sa kanya kanina that I didn't even notice na she followed me pala.

"Why are you running away?" tanong niya sa akin habang isinasara ang pinto.
"I wasn't running, Nong Orm. Nakita mo naman sigurong naglakad ako papunta dito diba?"
"That's not what I meant, P'Ling!" mukhang galit siya and it made me feel bad dahil first time kong narinig na tumaas ang boses niya while talking to me. Did I upset her? She walked towards the stalls making sure no one was around. "You like me and I like you, so why did you walk away and hide here? And you can't tell me na kailangan mong gumamit ng banyo kasi if you do, dapat nasa loob ka na sa isa sa mga bakanteng stalls na yan" sabay turo pa n'ya sa direksyon ng mga nakaawang na pinto ng mga stalls. "and not standing here berating yourself in front of the mirror!" naiinis pa rin niyang wika.

What now, Lingling Kwong? Think! Think! Think!
"I like you... ahm" I cleared my throat, buying some time dahil hanggang ngayon ay wala pa rin akong maisip na isasagot sa kanya. "I... I like you N'Orm to have omakase with me." I could see the disbelief on her face after hearing what I had just said.
"I can't believe you!" at tumalikod na siya at lumabas ng banyo pagkasabi niya noon with her back slump feeling dejected. Was she disappointed? Ugh! Really Lingling Kwong? Omakase? Sigh! I can't believe myself either, Nong Orm! Wait... wait... did she say she likes me too? What? Had I heard it right? What happened, happened right? It wasn't just in my imagination right? I think I am becoming delusional dahil sa nararamdaman ko for her. Totoo naman ang nangyari kanina diba? She likes me?

Nadagdagan pa ang gulo sa aking isipan sa nalaman ko, if I like her and she likes me? Magiging kami na ba? Paano ang nabuong friendship? Ahhh!!! Breathe in, breathe out, breath in, breathe out... huwag ng mag-isip, huwag ng mag-isip. Breath in, breath out...

And after a while ay kumalma na rin ako at bumalik na sa set at nakita kong natutulog si Orm sa upuan niya, her body was covered by her blanket. Tulog nga ba talaga siya o nagtutulog-tulugan lang? Absentmindedly, out of habit ay papunta na ako sa kanya pero bigla akong napahinto nang maalala ko ang nangyari kanina sa banyo and I just went to the other side of the room instead. I want to scold myself again! What a lame excuse I had and now I have to make up with her pa tuloy. It was the first time she made that face sa akin. Galit siya at wala akong ibang masisisi kundi ang sarili ko dahil hindi ko kayang panindigan kanina ang nasabi ko unintentionally.

Tinawag na kami para mag start na ulit ng shooting for the next scene. Nakasanayan ko na na ako ang gumigising kay Orm kapag nakatulog ito but I didn't have the guts to do so dahil sa nangyari kanina kaya dumiretso na lang ako sa location kung saan gaganapin ang next scene at doon na lang ako maghintay sa kanya. Ah, the next scene, kissing scene na naman... nai-excite ako na kinakabahan dahil sa confrontation namin kanina ni Orm, 'di ko alam kung magagawa namin ng maayos ang susunod na shoot. It's the scene pa naman na nasa labas lang ako ng kwarto ni Earn at nag-iinagine lang pala na naghalikan kami. See? Pati sa script nangyayari ang nangyayari sa totoo kong buhay. I always imagined kissing Orm! So madali na lang para sa akin ang gagawin ko, because there's no need for me to act... and I really liked kissing Nong Orm's soft lips. Shhhh, it's a secret!

Pumasok na si Orm sa kwarto na hindi ako pinansin at dumiretso na ng higa sa hospital bed, nagkumot at pumikit na agad ang mga mata kahit hindi pa kami nagsimula. So ganito pala ang pakiramdam ng hindi pinapansin ng isang makulit na Orm? It hurts, I felt a sudden pang in my heart kaya hindi ko napigilang lumapit sa kanya at pinisil-pisil ang braso niya.
"Nong Orm" paglalambing kong tawag sa kanya pero deadma lang siya. "Wakey-wakey, Nong Orm... wakey-wakey!" hindi pa rin niya ako pinansin at tumagilid pa siya para tinalikuran ako. Hay papaano kami nito mamaya kung ganito siya?

Tumingin-tingin ako sa mga kasama namin at abala pa sila kaya humiga ako sa tabi ni Orm at sinubukang paharapin siya.
"Nong Orm." sabay kalabit ko sa kanya at hinawakan ang balikat niya para mapaharap ko siya sa akin. "Look at me, please, Nong Orm." pagmamakaawa ko sa kanya at humarap naman siya sa akin na galit ang mukha and her beautiful eyes were shooting daggers at me. Napalunok na lang ako ng laway sa kaba. "Wasn't able to take a nap?" I asked her but I know it's not the reason, I just wanted to lighten up her mood but to no avail. She still ignored me and was still upset at me, so how are we supposed to shoot the scene if we're like this? Sigh! Ano ang gagawin ko?

I held her hand, touched the tip of her nose with the pointer finger of my other hand, looked straight into her eyes and said jokingly,
"I like you, my naughty girl." then I patted her head and hugged her... then I whispered "I like you." to her. Bahala na! Ang mahalaga ay magkaayos kami para matapos agad namin ang scene at ng makapag-wrap up na sa araw na ito. At sa wakas! Successful ang ginawa ko dahil yumakap na rin siya sa akin pero hindi nagsalita then maya-maya pa ay nakarinig na ako ng mahinang-mahinang hilik.

"Wakey-Wakey, Nong Orm!" tutuhanang ginigising ko na talaga siya kasi magsisimula na kami at alam kong nakatulog talaga siya. I rubbed her arm and woke her up again. "Wakey-Wakey! Wakey-wakey." mahina ko lang na gising sa kaya na nakangiti at dahan-dahan ng dumilat ang kanyang mga mata at ngumiti rin siya pagkakita sa akin. Yes! Okay na talaga kami at handa na kaming mag shoot!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 13 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Real Secret of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon