Chapter 3

426 5 0
                                    

NAGTUNGO siya sa Franklin's Wines & Spirits sa Cagayan City, thirty minutes ride from Iguig. It was a two-storey commercial building na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng nag-iisang kapatid ng kanyang ina... si Franklin. Iba't ibang klase ng imported na alak ang itinitinda roon.

Inihinto niya ang sinasakyang kotse sa tapat niyon. Pagkatapos ay umibis at dire-diretsong pumasok sa naturang establisimyento. May mangilan-ngilang mamimili na ineestima ang saleslady nang makapasok siya sa loob.

Inilibot niya ang paningin at nang hindi makita ang tiyuhin ay nagtuluy-tuloy siya sa opisina nito sa ikalawang palapag. Nakita niya roon ang hinahanap. Nakaupo ito sa swivel chair habang nagbabasa ng magazine.

"Zisette!" Masaya ang tinig nito nang magtaas ng ulo at makita siya.

Maluwang ang pagkakangiting inilapit-hakbang niya ang kinauupuan nito. Hinalikan niya ito sa pisngi saka naupo sa bakanteng upuan sa harap ng mesa nito.

"How's our sales this week?"

"Excellent!" may pagmamayabang sa tonong tugon nito.

"That's great!" naibulalas niya.

Pinagmasdan siya nitong mabuti. "You looked pale," kunot-noong sabi nito. "Saka payat ka ngayon. Any problem?"

Napatungo siya. Ang kasiyahan kanina ay biglang napalis nang maalala ang dahilan kung bakit siya nagpunta roon.

"Zisette, simula no'ng ipagtapat mo sa akin ang mga hinanakit mo kay Dieses a few weeks ago ay hindi ka na ulit nagawi dito. Siguro naman ay hindi na siya ang problema mo ngayon."

Nag-angat siya ng ulo at sinalubong ang mga mata nito. "Tito—" Saglit siyang napakurap nang maramdaman ang pag-init ng sulok ng kanyang mga mata. "T-Tito Frank, I-I think I'm pregnant."

"Jesus Christ!" bulalas nito. Hindi ito makapaniwalang mangyayari iyon sa kanya. Siya na paborito nitong pamangkin.

"W-what will I do?" Pinilit niyang huwag maiyak.

Matagal bago nito nakalmante ang sarili. Awang-awang inakbayan siya nito. "Yung boyfriend mo ba ang may gawa niyan?"

Tumango siya.

"Alam ba niyang buntis ka? Ano'ng sabi niya?"

"P-pananagutan daw niya." Gusto man niyang bawiin ang sinabi ay hindi na niya nagawa. Natakot siyang magwala ito sa galit kapag malamang taliwas iyon sa napag-usapan nila ni Dieses.

Tumangu-tango ito. "Kung gayon, ang problema na lang natin ay ang mga magulang ni Dieses at kung paano sasabihin sa mga parents mo."

"Tito, huwag!" mabilis niyang tutol sa sinabi nito. "A-ayokong biglain sila. Besides, gusto kong mapag-usapan muna namin ni Dieses ang tungkol dito bago ipaalam sa mga magulang niya."

"Speaking of Dieses's parents, hindi ba't nasabi mo no'n sa akin na ayaw nila sa 'yo?"

Nakaramdam siya ng matinding panlulumo sa narinig. Noon pa man ay alam na niyang ang mga magulang nito at kamag-anak ang malaking hadlang sa relasyon nila.

"Tito, mahal ako ni Dieses," muli'y pagsisinungaling niya.

Matagal siya nitong pinagmasdan. "Okay. Sana ay hindi ka nagkakamali diyan sa sinasabi mo. Now, gaano mo ba talaga siya kamahal?"

"I love him more than my parents."

Halos manghilakbot ito sa narinig. "You can't say that, Zisette!"

"Alam kong hindi dapat, Tito. But what can I do? That's what I feel?"

Lumayo ito sa kanya. "I want you to come back tomorrow. Isama mo si Dieses. I want us three to talk about this."

Tumango siya. "Tito Franklin, please promise me—"

Sapat Na Ang Makasama Ka - Jennette HerreraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon