"YOU'RE crazy!" mahina pero may diin sa tinig na sabi ni Dieses.
Nasa tapat sila ng asul na Besta van nito. "And what exactly do you have in mind? Sabihin sa aking mga magulang na buntis ka? Hah!
Don't ever, ever do that or I'll kill you!" Padabog nitong binuksan ang pinto sa gawi ng driver's seat at pumasok sa loob.Natulos siya sa kinatatayuan.
"Ano pa'ng ginagawa mo diyan?" bulyaw nito nang buksan ang kabilang pinto sa mismong harapan niya.
Natataranta siyang sumakay sa loob ng van. Nang makalabas sila ng malaking gate ay binilisan nito ang pagpapatakbo. Noon lang nito iyon ginawa.
Wala itong ingat sa humps at sa mga lubak na nadadaanan nila. Kahit ang pagpepreno nito ay halos ikayanig niya. Sinasadya kaya nito ang ginagawa sa pagbabaka sakaling malaglag ang bata na kanyang dinadala?
Hindi niya kayang tanggapin ang posibilidad na iyon. "W-where are we heading?" lakas-loob niyang tanong nang mula sa San Gabriel Village ay lumiko ang sinasakyan nila sa diversion road.
Bahagya lang siya nitong tinapunan ng tingin. "And where do you think we're going? Hindi ba't may meeting 'kamo tayo? We're on our way to CSU."
"Alam mong hindi totoo 'yon!" gigil na sambit niya.
"Then where else do you want us to go, honey?" Nakakaloko ang ngisi nito.
"Huwag mong gawing mahirap para sa atin ang lahat, Dieses." May halong pakikiusap sa kanyang tinig. "I tried to call you many times pero alam kong sinasadya mong huwag akong kausapin. G-gusto raw tayong kausapin ni Tito Franklin."
Nagsalubong ang mga kilay nito. "Why? Did you tell him about your problem?"
"It's our problem, Dieses," pagtutuwid niya sa sinabi nito.
"Whether it's your problem or mine, the hell I care! All I want to know ay kung sinabi mo sa iyong tito!"
"Y-yes, I told him."
"You're shit!" Umalingawngaw ang malakas na boses nito sa loob ng van.
"Try to understand me—" Nagpapaunawa ang kanyang tinig. "Aside from Rom, wala nang ibang tumutulong sa akin. I can't count on you. Imbes na palakasin mo ang aking loob, iniiwasan mo ako... tinataguan. Dieses, hindi ko na talaga kaya. Alam mong hindi ko ito puwedeng ipagtapat sa mga magulang ko. Si Tito Franklin lang ang alam kong makakaunawa sa akin," mangiyak-ngiyak na pahayag niya.
"Then why didn't you asked Rom for help instead of me? Hindi ka bibiguin n'on dahil patay na patay siya sa iyo 'yon," pang-uuyam nito.
"Why should I? Hindi niya problema 'to." Pinatigas niya ang kanyang tinig. "Now, all we have to do is to go to Franklin's to settle everything."
"Para ano? Kumbinsihin ako ng Tito Franklin mo na pakasalan ka?"
Pakiramdam niya ay umakyat ang kanyang dugo sa ulo sa binitiwan nitong mga salita. Nanginig ang buong katawan niya sa sobrang galit. "That's the last thing I'll ask, Dieses Barizo. Ngayon na nakikilala ko na ang tunay mong ugali, mamamatay na muna ako bago magpakasal sa 'yo!"
NATIGAGAL si Dieses. Hindi niya inaasahan na lalabas ang mga salitang iyon mula sa bibig ng kasintahan. Nagmenor siya at inihinto ang sasakyan sa gilid ng daan. Saka niya ito hinarap.
Matagal niyang pinagmasdan ang magandang mukha ni Zisette. Na para bang doon ay mababasa niyang nagsisinungaling lamang ito. Kahangalan mang masasabi pero gusto niyang isipin na nasabi lang nito iyon dala ng matinding sama ng loob. Na siya pa rin ang gusto nitong mapangasawa at wala nang iba.
Nang makita niyang wala pa ring pagbabago sa matigas na anyo nito ay naghatid iyon ng kirot sa kanyang dibdib. At walang kibong muli niyang pinaandar ang sasakyan.
BINABASA MO ANG
Sapat Na Ang Makasama Ka - Jennette Herrera
Romance"Napakababa na ng tingin ko sa 'yo, Zisette. Nagkamali ako ng babang inibig." Noon lamang niya nakitang nagalit si Dieses. Hindi siya nakaimik. "Paano mo nagawang pumunta sa bahay at pagbantaan sina Mama na ipakukulong ako kapag hindi nila ibinigay...